continuation, Celeste's POV Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagbago ang atmosphere sa sala. “Opo.” Sagot ni Diego nang tanungin siya ni mommy kung kumain na ba kami. Napalingon ako sa kaniya. “Ma, galing kaming Batangas. Kumain kami bago umalis.” “Hindi kita tinatanong.” Napakurap ako. “Si Diego ang tinatanong ko.” Napatingin ako kay Diego. Siya naman, walang kaabog-abog na tumango. "Opo," Sagot ulit ni diego “Bakit parang hindi mo pinakain nang maayos?” Tanong sa akin ni mommy. Napanganga ako. “Ma!” Tumawa si Diego sa tabi ko. “Hindi po. Kumain naman kami.” “Sigurado?” “Opo.” “Baka puro kape lang pinakain sa iyo ng anak ko.” Napalingon ako kay Diego. At bago pa siya makasagot, sumingit si Papa. “Hindi. Mukhang si Diego ang nagpapakain sa kaniya.” Tumigil ang b

