continuation, Celeste's POV Biglang umingay ang buong café. Napakurap ako. Pagkatapos ay napakurap ulit. Dahan-dahang lumingon si Sofia sa akin na para bang hinihintay niyang kumpirmahin ko ang narinig namin. "No way." "No way," awtomatiko kong sagot. Sa likod ng counter, mukhang bahagyang nahihiya si Diego sa lakas ng reaksyon ng mga tao. Tinanggal niya ang apron niya, iniabot iyon sa katrabaho niya, at saglit na nawala sa likod. Maya-maya, bumalik siya habang may bitbit na gitara. Lalong lumakas ang hiyawan. "What?" bulong ni Sofia. "Your barista sings?" "My barista?" "You know what I mean." "I didn't even know he played guitar." "Interesting." "Stop." "I'm not saying anything." "Tama nga. Your face is doing all the talking." Napatawa siya habang umaakyat si Diego sa ma

