CHAPTER ELEVEN

1102 Words

Happy Celeste's POV Pagkauwi ko, halos alas kuwatro na ng hapon. Pagod ang buong katawan ko, pero mas pagod yata ang isip ko. Inilapag ko ang bag sa tabi ng kama bago ako tuluyang umupo. Tahimik ang kwarto. Tanging ugong lang ng electric fan ang maririnig. My mom visited my grandmother who is terribly sick, naka-out of town naman si dad para sa bago n'yang work. Maya-maya lang ay nag-vibrate ang cellphone ko. Diego: Nakauwi ka na? Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Naalala ko ang pahabol niyang sigaw kanina bago ako tuluyang makaalis sa simbahan. "Chat mo 'ko pag nakauwi ka, okay?" Hindi pala niya nakalimutan. Mabilis akong nag-type. Me: Yes. Nakauwi na ako. Thank you. Ilang segundo akong naghintay. Naka-seen, pero walang kasunod na reply. Marahil nagsimula na ang shoot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD