continuation, Diego's POV Nakita kong tumalikod si Celeste. "Celeste." Lumingon siya, at bago pa siya tuluyang makalayo ay bahagya akong napangiti. "Mag-chat ka pag nakauwi ka." Tumango lang siya. Walang sinabi. Isang maikling tango, tapos muli siyang naglakad palayo. Hindi ko agad inalis ang tingin ko sa likuran niya. May kung ano sa paraan ng pag-alis niya na hindi ko maipaliwanag. Kanina lang magkasama kaming nagtatawanan habang kumakain ng dirty ice cream sa harap ng simbahan. Ilang minuto lang ang nakalipas, halos hindi kami makahinga sa kakatawa dahil sa ice cream na napunta sa labi ko. Tapos ngayon, parang bigla siyang nagmamadali. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang pagbabago, pero ramdam kong may nagbago. "Diego." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Alanis. "N

