Announcement Celeste's POV May mga araw talagang hindi mo namamalayang nakakausad ka na pala. Hindi dahil gumaan ang lahat, kundi dahil wala ka nang ibang pagpipilian kundi magpatuloy. Unti-unti kong nasanay ang sarili ko sa paulit-ulit na routine. Gigising nang maaga, papasok sa klase, tatakbo sa tutoring sessions, sasagot ng emails, magsusulat kapag may natitirang lakas, saka uuwi na halos wala nang enerhiya para mag-isip ng kung anu-ano. Nakakapagod, pero tahimik. Hindi katulad ng dati na bawat araw ay parang may hinihintay akong mangyari. Ibinuhos ko ang sarili ko sa pagsusulat, internships, editing projects, tutoring at kung anu-ano pang puwedeng magsiksikan sa schedule ko. Kapag abala ka pala, mas madaling lokohin ang sarili mong wala kang nami-miss. Mas madaling sabihin na wala k

