Chapter 2

2769 Words
Hyeri's POV Nasa theater hall kami, at nakaupo habang pinapakinggan ang mga nagsasalita sa stage. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko, kinuha ko iyon sa loob ng bag ko at nakita ko ang isang text na galing kay Cassie. From: My Cassie [Musta?] Napasmile ako sa text nyang yun, then I decided na mag reply. To: My Cassie [Okay lang, later may ikukwento ako] Sent~ Ipinasok ko ng muli ang phone ko sa bag ko at nakinig sa nagsasalita sa stage. Sa orientation na 'to ay ikwinento ng may-ari yung history ng school, vison, mission, and goals, pati core values. Nag salita na rin ang mga Dean ng iba' t ibang Depart sa University na 'to, at nalaman namin na dito rin pala sya nag-aral noon, at sinabi nya pang mag-aral kami ng mabuti, para maabot namin ang gusto naming marating sa buhay. At ngayon naman, may pinalabas na video sa harap namin kung saan pinapakita ang mga activities taon taon ng school na 'to at kasama na sa activity na yun ay ang acquaintance party na kinahiyaw ng mga studyante. Ipinakita sa video na yun na ginaganap nila ang acquaintance party sa garden nitong school, sobrang ganda at gusto kong mapuntahan yun. "Excited na ko para dyan sa acquaintance na yan" narinig kong sabi ni Chloe na nasa tabi ko at katabi nya si Suzy. Ilang oras ding nagtagal ang school orientation na 'yon and now, nagsama sama ang bawat department dito sa field na nasa harap ng school building, sobrang lawak ng field na 'to at sabi sa orientation kanina, ginagamit ang field na 'to if may soccer game even sa practice nila. Hiwahiwalay ang bawat department dito, at ang layo samin ng business department, di ko tuloy makita si Cassie? Nakaupo lang kami sa lapag dito sa field, at nakacircle kami. Tumayo ang president ng department namin na si Lara at pumunta sa gitna. "So guys, andito tayo at nagsama-sama para makilala ang isa't-isa, so let's start" sabi ni Lara. Nag simula ng magpakilala ang iba, sinabi nila kung ano yung name nila, hilig nilang gawin, at kung bakit education ang kinuha nilang course. Ngayon, it's my turn, turn ko na para ipakilala kung sino ako. "Hi! I'm Hyeri Castillo, I'm 18th years old" sabi ko at uupo na sana ako nung biglang nag salita si Lara... "Wait, anong hilig mong gawin?" Tanong nya. "Ahh... Hmmm hilig kong magbasa ng mga fairytale books" sabi ko and I smile a little bit. "Fairytale books? Like? Pambatang stories, I mean like Snowwhite and etc?" Tanong ni Lara and I nodded "Yun yung happy pill ko, yung pagbabasa ng mga fairytale books with a happy ending" sabi ko "Wow! You look cool in that way, and Elementary Education major in Sped ka, kaya makakatulong yang pagbabasa mo ng mga fairytale books para sa mga bata" sabi ni Lara. Pansin ko, ang bait nya. "Thanks!" Sabi ko "Hyeri, bakit gusto mo maging teacher?" Tanong nung babae na kasama ni Lara sa pag bibigay ng form kanina. "Ahh... Actually I love kids, and being a teacher is a noble profession who mold the professionals in our world. I want to be a molder, a molder who mold the student to become what they want to be" sagot ko "Taray pang Ms. Universe ang sagutan" sabi ng bakla na kinatawa ko ng konti at ganun din ang iba. "Hi, I'm Chloe Villanueva, I'm 18, and I love music, I love dancing, and I am proud to say that I'm a kpop fan. Same lang naman ang reason ko sa mga reason nyo kung bakit gusto kong maging Teacher, gusto ko kasing maging instrumento para makatulong sa mga bata, para mabigyan sila ng kaalamang nararapat sa kanila" sabi ni Chloe. "Hi, I'm Suzy Estrada, I'm 18 and I hope na maging magkakaibigan tayo. I love singing, and modeling, at mahilig din akong sumali sa mga pageants, and the reason why I'm here, of course to study, to learn more, and someday, I want to share what I have learn to those kids na magiging students ko." Sabi ni Suzy and after nya ay yung babae na na kasama ni Lara sa pagbibigay ng form "Hi guys, I'm happy kasi ang dami ulit natin sa department, by the way I'm Kelly Miranda your pretty vice president" pag papakilala nya,next naman ay si Lara. "So yun, ako na yung last, kilala nyo naman na ko and gusto kong sabihin na sana magtulong tulungan tayo para sa ikakaganda ng department natin" sabi ni Lara After naming magpakilala sa isa't-isa ay naglibot kami sa university na 'to, and si Lara ang tour guide namin. Marami na kaming napuntahan, like basketball gym, swimming area, locker rooms, mga classrooms, faculty office, dean office at marami pang iba, at ngayon naman ay nasa garden kami, na gustong gusto kong puntahan kanina pa. Sobrang ganda nya, ang lawak, maraming bulaklak at butterflies, siguro dito nanggagaling yung mga paro paro na nakita ko kanina pag pasok ko ng gate. After ng isang nakakapagod na tour ay lunch na, at umalis na ang ibang mga students sa bawat department nila. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko, at nakita kong may text message ako galing kay Cassie. From: My Cassie [Hye! San ka? Tara na, lunch na tayo. Nasa field ako sa tapat ng fountain] After kong mabasa yun ay ipapasok ko na sana ang phone ko sa bag ko, nung biglang nag vibrate. Tinignan ko yun at nakita kong may tawag ako from her. Hindi ko na lang pinansin ang tawag na 'yon, nilagay ko na lang sya sa bag at lumakad na para puntahan si Cassie. --- Nasa cafeteria kami ni Cassie at kumakain, sobrang dami ng tao, at ang ilan ay wala ng maupuan. "Hyeri, may pogi ba sa department nyo?" Tanong ni Cassie "Huh? Oo meron bakit?" Tanong ko "Samin din marami, actually, may crush na nga ko sa department namin eh" sabi ni Cassie "Bilis ah!" Sabi ko sabay subo ng pagkain ko "Syempre, kilala mo naman ang lola mo" sabi nya "Ako naman, may mga kakilala na ko sa department namin" sabi ko "That's good, wag mo na sanang pairalin yang pagka Introvert mo" sabi nya "Opo" sabi ko na lang "Wait, anong schedule mo? Sana may subject na magkasama tayo" sabi nya "Ito subject ko" sabi ko sabay pakita ng list of schedule ko. At pinakita nya rin yung kanya, napapalumbaba na lang kami at napatingin sa isa't-isa. "Pano yan?" Tanong nya "Anong pano yan? Meron tayong three subjects na magkaklase, ayan oh general subjects" sabi ko sabay turo sa three subject na yun "Omg! Buti naman" masayang sabi nya. Nagpatuloy na kami sa pagkain at mayamaya pa ay may tumawag sakin. "Hyeri" tawag ng boses ng isang lalaki, nilingon ko sya at nakita kong kasama nya si Jerwin, Chloe at Suzy. "Celvin?" Tanong ko "*Laugh* its Calvin" pagcorrect nya "Sorry" sabi ko "Its okay" sabi nya, at napansin ko namang nakatulala ang bestfriend ko kay Calvin, tsk! Ayan na sya.? "Hey Cassie, magkakilala pala kayo ni Hyeri" sabi ni Calvin "Yeah! She's my besfriend, wait! wala ng vacant, join na kayo samin" sabi ni Cassie, diskarte nya, hahaha? "Thanks girls, wala na kasing vacant, sobrang dami kasi ng students dito" sabi ni Chloe "Ahmmm, Cassie! Mga kasama ko sila sa department, si Chloe and Suzy, at sya si Jerwin, boyfriend ni Chloe" pagpapakilala ko "Oh ya I already know him and Calvin because we're in a same department" sabi nya na nakangiti pero kay Calvin pa din nakatingin, haysss si Cassie talaga. "So magkadepartment pala kayo nitong si Calvin at Jerwin" sabi ni Suzy "Nako, sobrang kulit nyan ni Calvin" sabi ni Chloe "Grabe naman kayo" sabi ni Calvin "Totoo naman eh" sabi ni Jerwin "Okay lang, cute naman sya" sabi ni Cassie at titig na titig pa din kay Calvin "Nga pala, next week na daw ang acquaintance" sabi ni Jerwin "Ang bilis" sabi ko "Hahaha oo nga eh, gosh! Excited na ko" sabi ni Cassie --- After ng uwian from school ay dumaan muna kami ni Cassie sa Cafe nya, and after nun ay umuwi rin ako. Naglakad na ko papunta sa apartment ko, pero mula sa paglalakad ko ay napahinto ako sabay tingin sa likuran ko, feeling ko kasi may sumusunod sakin. Lumakad akong muli, at naramdaman ko na namang may nakasunod, kaya mas binilisan ko ang lakad ko, tsk, baka mamaya r****t o holdaper pala yun. Sa pagdating ko sa bahay ay nag luto lang ako ng cup noodles, after nun ay humiga na ko sa kama ko. Habang nakahiga ay nakatingin ako sa labas ng bintana ng apartment ko at nakatitig sa mga bituin na nasa langit. "I hope na binabantayan mo ko" sambit ko, ipinikit ko ang mata ko at isang patak ng luha ang naramdaman ko sa pisngi ko. --- *Buzzer Alarm* *Yawn* umunat unat muna ko at pinatay ang maingay na alarm ng cellphone ko. Nakita kong may 2 messages ako at nakita kong galing sa kanya. From: Her [Are you coming home tomorrow?, I just want to remind you na death anniversary ng papa mo bukas, I hope na makapunta ka dito sa bahay to visit him] From: Her [I really miss you Samara] Nung mabasa ko ang messages nya pinatay ko na ang phone at bumangon na ko mula sa pagkakahiga ko. Kumuha ako ng cup noodles at yun na lang yung inalmusal ko. Mas gusto ko yung ganito, yung mga easy to cook, yung hindi mo na kailangan pang mag laan ng mahabang oras. Lumabas na ko ng apartment ko at nilock yun, lalakad na sana ako nung biglang nanlaki ang mata ko sa nakikita ko, Isang lalaki at babae ang naghahalikan sa tapat ng pintuan ng isang room na nasa tabi ng room ko. Tsk! Diba sila makatiis, bat sa labas pa - sabi ko sa isip ko. Yumuko na lang ako at diretsong naglakad paalis na parang walang nakita, aishhh! --- Nasa school na ko at habang naglalakad ay nakatingin ako sa cellphone ko, katext ko kasi si Cassie, mamaya pa ang pasok nya, mamayang 11 am pa, at mamayang 1 pm to 4 pm ay magkaklase kami sa general subjects. Patuloy lang ako sa paglalakad while using my cellphone ng biglang *bumped* naramdaman kong nauntog ako sa isang matigas na bagay na dahilan nag pagkatumba ko kaya naramdaman kong hindi lang noo ko ang masakit, kundi pati ang balakang ko?. Napapikit ako dahil sa sakit at nakarinig ako ng isang boses ng lalaki na kinagaan ng pakiramdam ko... "Sorry, okay ka lang?" Tanong nya. Mula sa pagkakapikit ay idinilat ko ang mata ko, tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko na sya ring nakabanggaan ko. Inilahad nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo, hinawakan ko iyon at napapikit akong muli nung maramdaman kong kumirot ang noo ko. Sa pagdilat ko ay nanlaki ang mata ko sabay agaw ng kamay ko mula sa lalaking tumulong sakin tumayo "IKAW!!!" Sabi naming dalawa in unison. "Sinusundan mo ba ko?" Tanong naming dalawa "HOY IKAW!!! MANYAK!!! BAT MO BA KO SINUSUNDAN" sigaw ko sa kanya sabay takip ng dalawang kamay ko sa katawan ko "Hoy hoy miss, kung inaakala mong sinusundan kita, HINDI!!! At hindi ako MANYAK!!! " sigaw nya at napatingin kaming dalawa sa paligid namin at nakita naming marami ang nakatingin samin. "Wow hindi daw manyak kaya pala nanghahawak ka ng de-" sabi ko pero di ko natuloy nung bigla nyang takpan ng kamay nya ang bibig ko. "Sinong manyak?" Tanong ng isang babae sa kasama nya "Bat ba kailangan mag-away ng mga mag jowa in public" sabi nung isang babae na ang sama ng tingin samin. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay nya sa bibig ko at umatras ako. "Hindi kami mag jowa" pasigaw kong sabi para lang malaman ng mga tumitingin samin na di ko jowa to. Yuck! "Okay miss, nung araw na nagkita tayo, yung araw na nahawakan ko yang ano mo" sabi nya sabay tingin sa dibdib ko na kinaatras ko at sinamaan ko sya ng tingin "Di ko sinasadya yung araw na yun" sabi nya "Di daw sinasadya, ang sabihin mo sadya talaga, kaya ka nga andito diba kasi sinusundan mo ko" sabi ko "Aishhh! I can't believe na may gantong babae na sobrang feelingera" sabi nya sabay kamot sa ulo nya "This is my ID" sabi nya sabay pakita ng ID nya at nakita kong Engineering student sya at Kiel Lee ang name nya. Tsk! "See? Nauna ako dito sa school na 'to kesa sayo, graduating na ko, at ikaw freshman ka, baka ikaw ang sumunod sakin dito" sabi nya "Wow kapal naman!" Sabi ko sabay taas kilay. "Parang ikaw" sabi nya na kinainis ko "Wait, how did you know na freshman ako?" Tanong ko "Ayan oh" sabi nya sabay turo sa ID na suot ko kung saan nakalagay ang word na FRESHMAN. "Bat ginawa mong ID yan? For student orientation lang naman yan" sabi nya "Pake mo ba? Para may discount sa jeep syempre" sabi ko "Aishhh makaalis na nga" sabi nya sabay lakad palayo sakin "Hoy, ayaw na kitang makita!" Pasigaw kong sabi at lumakad na rin. Tsk! Nakakahiya yung part na napag kamalan ko syang sinusundan nya ko. --- Nasa classroom ako. General subject na at inaantay ko si Cassie, kaso until now wala pa sya, *sigh* "Hey Hyeri, can I sit here?" Tanong ni Calvin sabay turo sa upuan na nasa tabi ko, na nakareserve para kay Cassie. "Hi, s-sige" nautal kong sabi. Nahiya kasi ako tumanggi. "Where's Chloe, Suzy at Jerwin?" Tanong ko "Present" sabi ni Suzy na kararating lang kasama yung magjowang sila Chloe at Jerwin. Umupo si Jerwin at Chloe sa vacant na nasa harapan namin ni Calvin at si Suzy naman sa likuran ko. "Asan si Cassie?" Tanong ni Calvin "Papunta na" sabi ko. Mayamaya pa ay dumating na rin si Cassie na kinangiti ko. "Hi Calvin" bati nya agad. Wow! Si Calvin talaga? "Hi Cassie, dito ka na maupo sa tabi ni Suzy" sabi ni Calvin "Huh? Ah eh" sabi nya sabay bigay ng look na AKO-DYAN-LOOK. I smiled at nagets ko na yung gusto nyang mangyari. "Nilalamig ako, ayoko sa tabi ng bintana" sabi ko sabay tayo at kuha ng bag ko "Huh? Palit tayo ng pwesto" offer ni Calvin "Hindi na, kay Suzy na lang ako tatabi" sabi ko at tuluyan ng tumabi kay Suzy "Dito na lang ako" sabi ni Cassie sabay upo sa inalisan kong pwesto which is sa tabi ni Calvin. "Hyeri, pansin ko lang huh, parang type ni Cassie si Calvin" bulong ni Suzy sakin at nag nod ako. "REALLY!?" Nanlaki ang mata ni Suzy sa response ko at nagulat ako kasi napalakas yung pagkakasabi nya ng REALLY!? "Bakit?" Tanong ni Chloe "May problema ba?" Tanong ni Jerwin "Huh? Ah eh wala, walang wala" sabi ni Suzy na kinataka ko "Bakit Suzy?" Tanong ko "Wala" sabi nya with a smile kaso parang hindi ko ramdam na sincere yung smile na yun........ Omg! Di kaya! No way! GUSTO BA NI SUZY SI CALVIN? sabi ko sa isip ko --- After ng last subject ko ay kinuha ko ang phone ko sa bag, at nakita kong may 6 missed call at 2 messages ako from her. Naka-silent kasi ang phone ko kaya di ko alam na tumawag pala sya at nagtext. From: Her [Are you coming home? Can you please answering my call?] From: Her [Tomorrow is your Dad's death anniversary, I hope na bumisita ka dito sa bahay. Why don't you go home today? I really miss you] I decided na replyan sya para naman di na mangulit. To: Her [Pupunta ko sa bahay mo bukas to visit him] Sent~ "Hyeri, uuwi ka na ba? Why don't you join us sa mall?" Aya ni Calvin "I'm sorry, I have a work" sabi ko "Nagwowork ka?" Tanong ni Chloe "Yeah, sa café nya" sabi ko sabay turo kay Cassie "Really? You own it?" Tanong ni Suzy at nag nod si Cassie "Wow! Ang cool, kasi may business ka na at the age of 19" sabi ni Jerwin "Actually I started my business when I was 16 or 17 years old haha di ko na tanda" nakangiting sabi ni Cassie "Wow!" Reaksyon ni Chloe sa narinig nya at napangiti si Cassie dahil dun. "Wait, why don't we go with them? Punta tayo sa café ni Cassie" suggest ni Calvin "G ako" sabi ni Chloe "Me too" sabi ni Jerwin "Okay" sabi ni Suzy na kinangiti ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD