Engkwentro
Tila ba’y pinagsakluban ng langit at lupa si Ana dahil sa lalim ng kanyang iniisip, di niya mawari kung saan ba nanggagaling ang mga prutas at bulaklak na nakukuha niya sa kakahuyan, iniisip niya nab aka isa lamang sa mga nagkakagusto sa kanya sa kanilang lugar ang gumagawa nito sa kanya.
Biyernes ng gabi pauwi si Ana galling sa isang pamilihan sa kalapit bayan upang manghikayat pa ng mamimili at lumawak pa ang kanilang bentahan ng bigas, nagawi nanaman siya sa kakahuyan ng may makasalubong siya na isang isang makisig at gwapong lalaki na may balabal sa ulo na tila bay may tinatago, “ikaw ba si Ana….” Tanong ng lalaki, “oo ako nga, sino ho sila? Ano po ba maipaglilingkod ko sayo.” May kaba at takot na tugon ni Ana, ngunit natigil ang kanilang usapan ng may marinig na paparating ng lingunin nya ito upang tingnan bigla nalamang nawala ang kanyang kausap na lalaki.
Hating Gabi. Mahimbing na natutulog si Ana ng biglang may kumatok sa kanilang bintana malapit sa kanyang hinihigaan, nagising siya upang silipin at ng kanyang matanaw nakita nya ang isang bulaklak na may kasamang liham at ang sabi “Ana, ako yung lalaking nakausap mo kanina sa gitna ng kakahuyan nais kong puntahan mo ako bukas kung saan lagi mong nakukuha ang prutas at bulaklak upang lubos akong makapagkakilala, paumanhin kung di ko magawang pumunta sa iyong lugar dahil natatakot ako nab aka hindi mo ako magustuhan.” Pinuntahan ni Ana ang lugar na nakasaad sa liham ngunit may dala itong itak bilang kanyang proteksyon sakali mang may masamang mangyari sa kanya, labis ang kanyang takot ngunit nilakasan nalamang nya ang kanyang loob upang matapos nadin ang agam-agam sa kanyang isipan. Nang lumaon ay dumating na ang lalaking kanyang nakausap nung isang gabi, “Ana alam ko di mo pa ako lubos na kakilala, kaya magpapakilala ako sayo pero sana ipangako mo na hindi ka matatakot dahil di naman ako nananakit, madaming tao ang hinuhusgahan ako at natatakot sakin kaya ako nagtatago ditto sa kakahuyan,” wika ng lalaki, sabay tinanggal nito ang kanyang balabal, laking takot nalamang ni Ana ng makita niya ang isang paikot na sungay sa lalaki na mistulang sungay ng kambing, “ikaw…….i---kaaaw yung ….Faunus…?” nanginginig na tanong ni Ana, “sandali Ana wag kang matakot, isa akong tao na sinumpa dahil sa aking kalupitan sa mga hayop nuon ngunit nagbago na ako nasaksihan ko kung paano maging isang hayop at maltratuhin ng tao, doble pa sa ginawa ko ang narasan ko kaya sana wag kang matakot, ako si Angelo, nais ko lamang makipagkaibigan sayo.” Lumalim ang kwentuhan nila Ana at ng faunus na si Angelo sa kagustuhan nadin ni Ana na malaman pa ang tunay na kwento sa likod ng Faunus. May kakayahan ang mga Faunus na gumawa ng isang trahedya sa mga taong gagawa ng masama sa kalikasan at may kakayahan din siya na gawing sagana ang isang kabuhayan kung maganda at mainggat ang pagaalaga nila sa nasasakupang kalikasan.