bc

Taong Kambing

book_age4+
2
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
twisted
mystery
magical world
multiple personality
mxm
sacrifice
crown prince
like
intro-logo
Blurb

Habang binabagtas ni Ana ang kakahuyan pabalik sa bukirin “kalian ko kaa masasabi kay Ana na mahal ko siya, iilang araw nalang ang meron ako, dapat di ko ipakita sa kanya na nanghihina ako baka magalala siya, eh kung maglaho nalang kaya ako at tuluyan na maging kambing upang di na siya msaktan pa sa kanyang malalaman” pagiisip ni Angelo habang kumakaway kay Ana.

chap-preview
Free preview
LIHIM NA PAGTINGIN
    Noong unang panahon, sa isang saganang bukirin sa Nueva Ecija, may isang pamilyang araw-araw na nagsasaka bilang kanilang hanap buhay. Si Mang Erning ang syang tagapamahala ng bukirin at katuwang niya ang kanyang dalaga at napakagandang anak na si Anastasia tunay ngang kinaigigiliwan ng lahat ng kalalakihan sa kanilang lugar ang kagandahang taglay ni Ana. Si Ana ay araw-araw umaalis upang pumunta sa bayan upang maghanap ng mga mamimili ng kanilang mga aning palay, binabagtas nya ang mga kakahuyan na puno ng mga malalaking puno ng balite na usap-usapang pinamamahayan ng isang engkantong nagpoprotekta sa kakahuyan na ang tawag ay Faunus. Tuwing aalis si Ana ng bahay ay lagi siyang pinaalalahanan ng ama na mag-iingat sa daan lalo na sa kakahuyan dahil usap-usapan nga na ang engkanto ay nahihilig sa mga dalagang birhen at nagnanais na mapangasawa ang sino mang makursunadahan nito. Tuwing uuwi si Ana ng disoras na ng gabi, sa tuwing dumadaan siya sa kakahuyan ay nakakaramdam siya ng kilabot dahil sa mga kwentong bayan na kanyang naririnig lalo pang lumagom ang kanyang takot ng may makita siyang isang makisig lalaking nakatayo na tila ba’y minamasdan siya sa kanyang pag-uwi, nilakasan niya ang luob at tinangkang lapitan ang lalaki, ngunit ng papalapit palamang siya ay bigla itong tumakbo ng mabilis na tila ba’y isang kambing, napakaripas ng takbo ang dalaga sa pagaakalang baka ito na ang sinasabi nilang Faunus. Kinaumagahan habang nagkakape sa kubo natanaw ni Ana ang isang kambing sa bukid at naalala niya ang nakita niya sa kakahuyan kagabi ngunit nagalinlangan siyang ikwento ito sa ama na kanyang katabi lamang na nagkakape na pagkinuwento niya baka di na siya papuntahin pa sa bayan, umalis na muli si Ana para maghanap muli ng mga mamimili ng aning bigas sa bayan, habang binabagtas niya ang kakahuyan sinubukan niyang maging mapagmatyag sa paligid at sinubukang hanapin ang nakita niya kagabi ngunit sumagi sa isip niya na baka isa lamang iyong kambing na nakaligaw at pagalagala lamang saa kakauyan kaya’tnagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad. Inabot nanaman ng gabi si Ana sa daan, sa kanyang pagbabagtas muli sa kakahuyan isang basket ng Hinog at malalaking prutas ang nakuha niya sa daan, at kanyang labis na katuwaan sa nakita ay inuwi niya ito, pagdating sa kanilang tahanan tinanong siya ng mga kasama niya sa bukid kung saan niya nabili ang mga purtas na tila ba’y nakukuha lamang sa paraiso dahil sa kagandahang taglay nito, “Nakuha koi to sa gitna ng kakahuyan nung ako ay papauwi” tugon ni Ana, “Naku, Ana di moa lam kung kanino yan baka mayroon nagmamay-ari niyan o baka naman nagpaparamdam na sayo ang faunus baka nakukursunadahan ka na nito.” Sagot naman ng kapatid ni Mang Erning na si Mang Isko, sumagi muli sa isip ni Ana ang nakita niya sa kakahuyan noong isang gabi ngunit hindi niya ito muling iminungkahi sa mga kasamahan upang di na madugtungan pa ang katatakutan, “ano ba kayo lagi nyo nalang akong tinatakot, hindi totoo yun kwento kwento lang yun, halina kayo pagsaluhan natin tong mga prutas” sabi ni Ana.       Dumaan pa ang mga araw, at sa tuwing uuwi si Ana ay nakakakuha siya ng mga prutas o kaya naman ay mga rosas  na mapupula ngunit itinatago ito ni Ana upang di na kumalat pa ang usap usapan ngunit siya ay may halo ng kaba at takot sa nakikita niya na tila ba’y totoo nga ang kwento. Sa kanyang ika-dalawamput isang kaarawan may simpleng pagsasalo ang naganap sa lugar nila ngunit tuloy parin ang trabaho, muli nanamang binagtas ni Ana ang kakahuyan at sa kanyang paguwi ay sinalubong siya ng isang makisig at gwapong lalaki na may balabal sa ulo na tila bay may tinatago, “ikaw ba si Ana….”   Ito na kaya ang sinasabi nilang Faunus? At  ano kaya ang isang matinding  pagsubok na kakaharapin ni Ana at ang mga kasama nito? Abangan ang susunod na kabanata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook