Habol ko na ang aking hininga nang makarating ako sa kwarto. Dali-dali na sinara ang pinto at pabagsak ako na sumobsob sa kama.
“Ya! Nakakahiya ka talaga Kristine!” Hindi ko na mapigilan na batikusin ang aking sarili. Ewan ko ba at bakit sa tuwina na inaasar ako ni Sir Errol sa bilis kong kumain ay mas lalong bumibilis ang pagsubo ko ng pagkain. At ang nakakainis pa ay ang dighay ko na para akong baka!
Pinagsusuntok ko ang mga unan. Siguro kong tao ang mga ito ay baka nabatukan na ako sa kagagahan ko. Nang mapagod ako ay tumihaya na ako at tiningnan ang kisame. Gusto kong planuhin ang mga susunod kong hakbang.
Kung may go signal na si Ma’am Rosemarie plus may kasunduan pa kami ni Sir Errol ay nakikinita ko na mapapasaakin na talaga ang amo ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay gumawa ng paraan na manumbalik ang kakisigan niya.
Gusto kong umiyak pero naistorbo ang aking pag-e-emote nang may kumatok sa aking pinto. Tumayo ako at nakasimangot na binuksan ang pinto. Nang makita ko ang nakitang mukha ni Sir Errol, gusto ko siyang pagsarhan ng pinto pero maagap siyang humakbang at pumasok sa aking kwarto kaya hinayaan ko na lang siya.
“May sadya po kayo, Sir?” Diniin ko ang huling sinabi ko para malaman niyang nagtatampo ako sa kanya.
“What’s with the tone, Kristine?” Salubong ang kilay ni Sir Errol na nakatitig sa akin pero ilang sandali pa ay bumunghalit ito ng tawa.
Hinayaan ko siyang pagtawanan ako hanggang sa gusto niya. Nakatayo lang ako sa harapan niya at nakahalukipkip. Matapos niyang mamula sa pagtawa sa kakenkoyan ko kanina ay pumormal naman ang kanyang itsura.
“I have arranged the company’s team building at isasama kita. We will be heading out in two days. Kaya, mag-impake ka na. Konti lang ang dalhin mong damit at darating mamayang gabi ang mga in-order ko para sa’yo,” saad niya sa akin.
“In-order na ano Sir?” nagtataka kong tanong.
“Swimwear of course bilang ‘girlfriend ko ay dapat naka-attire ka naman kahit papaano. And please act your part lalo at pupunta si Gweneth.”
Lumambong ang ekspresyon ni Sir Errol nang mabanggit ang ex-girlfriend nito kaya napailing na lang ako at napangiti.
“Why are you smiling?” sita ni Sir Errol sa akin.
“Sir effort ka kasi masyado. Huwag ka na kasi mag-alala sa parte na kailangan natin pagselosin si Gweneth. Ako na ang bahala sa lahat basta sakyan mo lang talaga lahat ng trip ko at nakakasiguro akong hindi pa matatapos ang event ay kusang lalapit si Gweneth sa’yo.”
Nakangiti man ako kay Sir pero hindi ko maiwasan na magselos na kaagad kay Gweneth. Sinupil ko ang lungkot na gustong kumawala sa aking mga mata kaya mas nilakihan ko pa ang aking ngiti.
“Whatever, Kristine. Siya nga pala, I need a massage tonight. Sumakit bigla ang mga balikat ko eh. So, after we have dinner masahiin mo ako. Are we good?”
Isang pagsaludo ang sagot ko kay Sir Errol na ngayon ay lumabas na sa aking silid. Nawala ang ngiti ko at pumalit ang isang mapaklang ngiti.
Ano na Kristine? Kaya pa ba? Hindi pa nga kayo nag-uumpisa, nasasaktan ka na yata?
Gusto ko man magalit sa sarili ko na palaging umasa na sana isang araw ay ako na lang sana ang ibigin ni Sir Errol. Kaya, panghahawakan ko ang kasunduan namin ni Ma’am Rosemarie. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Sir Errol ang taksil niyang ex-girlfriend.
Tumayo na ako at nag-umpisa ng mag-empake. Mabuti na lang talaga at kahit papaano ay dala ko ang mga damit kong maayos. Kung hindi ay nakakahiya naman sa aking mga amo kapag nagkataon.
Nang matapos ko nang iempake ang mga gamit na dadalhin, lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Napangiti ako lalo at naroon si Ma’am Rosemarie na abalang nagbabasa ng magazine. May nakahilerang mga paperbag sa kanyang paanan na pawang mga branded na clothing line. Ang mga mayaman nga naman ay walang paglagyan ng mga pera kaya walang pakundangan na gumagastos ng kanilang pera. Napansin na ako ni Ma’am Rosemarie kaya sinara niya ang kanyang binabasang magazine at tumayo na.
“Kristine, these clothes are all for you. Kaya, halika at sasamahan kitang isukat ang mga napili ko para sa’yo,”
Halos lumuwa ang aking mata nang pasadahan ng tingin ang mga paperbag na naroon! Hindi bababa sa sampu iyon at malalaking bag ang mga naroon. May brand ng sapatos at swimswear pa akong nakita.
“Ay, hala si Ma’am nag-abala pa talaga!” Hindi ko na talaga naiwasan an maibulalas ang pagkabigla ko sa sorpresa niya sa akin.
“Ikaw ang magiging ‘nobya’ ng anak ko para sa tatlong araw na event. Aba! dapat lang na maayos ang iyong wardrobe. Tingnan ko lang kung hindi mangalaiti ang Gweneth na iyon kapag nakita kayong dalawa ni Errol. Kaya, Kristine, it's your time to shine!” saad ni Ma’am.
Pinulot ko na ang mga paperbag na naroon at magkasabay kaming umakyat sa aking silid. Nilapag ko ang mga paperbag sa carpetted na sahig at isa isa kong sinuri ang mga laman. Napangiwi ako nang unang tumambad sa akin ang mga lace bikini set na halos wala na yatang matatakpan kapag isinuot ko ang mga iyon.
Isang halaklak ang aking narinig at paglingin ko ay halos mamula-mula na si Ma’am Rosemarie na nakatingin sa akin. Tuloy, napakamot na lang ako sa aking ulo.
“Ma’am, pang- bold star naman yata ang mga underwear na ito. At saka magkahiwalay naman kami ni Sir Errol ng kwarto, hiondi ba?”
Pumormal bigla si Ma’am Rosemarie at mariin akong tiningnan. Humakbang siya palapit sa akin at ginagap ang aking mga kamay.
“Kristine, you and Errol will stay in the same room.”
“H-ha? Pakiulit po Ma’am!” Medyo tumaas ang pitch ng aking boses na saad kay Ma’am Rosemarie. Nabitawan ko ang kanyang kamay at tumalikod sa kanya
“Ang sabi ko sa iisang kwarto kayo mag-stay ni Errol.” Nakangiti lang si Ma’am Rosemarie sa akin.
Paroon at parito ako sa pahayag ni Ma’am Rosemarie. Oo nga at impotent si Sir Errol pero kinakabahan pa rin ako sa magiging set up namin. Naalala ko tuloy ang habilin ni Lolo Adolfo sa akin.
“Relax, Kristine hindi naman manyak ang anak ko. At isa pa impotent siya,baka nakakalimutan mo,” kaswal na wika ni Ma’am Rosemarie.
“Pero pangit pa rin tingnan Ma’am,” nakayuko kong saad.
“Hindi ko akalain na may mga conservative pa rin na babae sa panahon ngayon, Kristine. Please, pagbigyan mo na ang hiling ko.”
Tiningnan ko si Ma’am Rosemarie at bakas sa kanyang mata ang kagustuhan na tuluyan na idispatsa ang dating nobya ng anak.
“Eh, paano kung si Sir pala ang gapangin ko Ma’am?” biro ko sa kanya.
Humalakhak si Ma’am sa biro ko at tiningnan ako niya ng seryoso pagkatapos niyang mamula sa biro ko.
“Mas mabuti kong ganoon. Kristine. Mas magiging panatag ako kung ikaw ang magiging asawa ng anak ko kaysa sa Gweneth na iyon. Siya isukat mo na ang mga iyan at para makita ko ang mga bagay sa iyo.”
Kaya, ang maghapon na iyon ay naubos sa pagsusukat ko ng mga pinamili ni Ma’am para sa akin. Lahat naman ay kasya at parang sinukat nga ang mga iyon sa akin kaya nagtaka ako kung paano niya nalaman ang mga sukat ko.
“Ma’am, ang galing naman ninyo pumili ng mga damit!” puri ko sa kanya.
“No, it wasn’t me Kristine. Si Errol ang pumili ng mga iyan at pina-deliver na kaagad niya dito sa bahay. May sariling shopper kami na naka-assign kapag gusto naming mamili ng mga gamit,” sagot niya sa akin.
“Ay, ang galing naman ng shopper ninyo Ma’am at kuhang kuha ang mga sukat ko.”
“Eh, si Errol kasi ang may alam ng sukat mo.”
Sa narinig kong iyon, nabitawan ko ang isang lace camisole na kanina ko pa tinitingnan.