CHAPTER 32 Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa sarili kong kwarto naabutan ko nalang ang sarili ko na tulalang nakatingin sa harap ng salamin. Masuyo kong pinunasan ang luha na patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko.Napapapikit parin ako sa tuwing maririnig ko ang mga nababasag na gamit sa kabilang kwarto. "iho!iho!"napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni dad na mukhang kinakatok na ang kwarto ni Izrael.I bit my lower lip in pain. Makaraan ang ilang sandali ay tumahimik ang paligid at narinig ko ang pagbukas ng kabilang kwarto.Nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko na kayang pakalmahain ni dad si Izrael tulad ng dati.I smiled bitterly on that thought. Naalala ko tuloy ang nakaraan ang lahat ng nangyari ng araw na yun. Umaga nun at natagpuan ko nalang ang sarili ko

