CHAPTER 33 Kinabukasan ay nagising ako na mugto ang mga mata.Napailing ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Wasted. Napangiti ako ng mapait sa nakita kong itsura ko.Napalingon ako sa kwarto ko ng makita ko si tita Maria. "nabalitaan ko ang nangyari kagabi kay Izrael..yan ba ang dahilan ng pagkamugto ng mga mata mo?"nag iwas ako ng tingin sa kanya. "ok lang ako tita.."anas ko. "hanggang kailan mo papasanin ang mga ito iha?hindi naman talaga ikaw ang--" "tama na tita..nangyari na tapos na ang bagay na yun though nagtataka ako bakit hindi nila ako pinadampot sa pulis noon.."mapait na wika ko. "ginawan ng paraan ni senyora Mildred.."lalo akong napangiti ng mapait sa nalaman. Paano pa ako tatanggi sa kasal na ito kung utang na loob ko pala kay lola ang kalayaang tinatamasa ko nga

