1

739 Words
CHAPTER 1 Naglakad ako sa veranda at di sinasadyang natanaw ko ang greenhouse mula doon.Malungkot na dumaloy ang alaala ko sa lugar na yun. Magdedebut na ako kaya busy ang lahat sa paghahanda habang ako ay nakatanaw lamang sa iisang lalaki.Izrael Ventura.Napapalunok ako habang pinagmamasdan syang nagbubuhat ng mga kakailanganin sa debut ko. Anak sya ng abogado ng pamilya namin mapagkumbaba sya sa mga trabahador namin kaya mas lalo ko syang nagustuhan. "someday.."anas ko sa sarili ko. Pagtungtong ko sa tamang edad ay magtatapat ako sa kanya ng pag ibig.Nakita ko ang paglingon nya sa veranda kung saan ako naroon.He smiled.Namumulang tumango lamang ako sa kanya bago ako umalis dun. "oh..bakit umalis ka doon hindi ba't crush mo yun?"si tita Maria ang nagsalita sya ang kapatid ng ina ko na hindi ko na nasilayan pa dahil sa namatay ito ng bata pa ako ang sabi nila ay naaksidente daw ang mama ko. "tita naman!"tumawa lamang sya at nag asikaso muli para sa kakailanganin bukas. "Mika.."napalingon ako sa likod ko at napangiti ako ng makitang si Allen ang tumawag sa akin.Kaklase ko sya sa unibersidad na pinapasukan ko. "o napadaan ka?"bati ko sa kanya. "gusto ko lang sanang ibigay ito sayo.."nahihiyang inabot nya sa akin ang bulaklak na halatang bagong pitas. "mukhang may aakyat na agad na manliligaw sayo pagtuntong mo ng 18 ha!"tukso sa amin ni tita Maria. "sinong manliligaw?"napalingon kaming tatlo sa paparating na si Izrael..pawis na pawis sya ngunit mabango parin sya. "itong si Allen..kaya pala laging nandito may balak palang manligaw kay Mikaela.."napayuko ako ng tignan ako ni Izrael. "bata pa si Mika para dyan..Allen kapag nakapagtapos kana doon mo lang maaring ligawan si Mika nagkakaintindihan ba tayo?"tumango lang si Allen sa kanya at nahihiyang nagpaalam sya sa akin. Mas matanda sa amin ng tatlong taon si Izrael kaya kung ituring nya kami ay parang nakababatang kapatid nya. "halika Mika.."nauna ng naglakad si Izrael kaya napatingin ako kay tita na tumango naman.Tahimik na sumunod ako kay Izrael. Pumunta kami sa hardin ng mansyon.Pinagmamasdan ko lang ang seryoso nyang mukha hanggang sa tumigil kami sa mga halamanan sa greenhouse. "anong sasabihin mo Iz..?"kinakabahang tanong ko sa kanya. "gusto mo ba si Allen?"nanlaki ang mga mata ko sa diretsahang tanong nya. "kaibigan lang ang turing ko sa kanya.."mabilis na sagot ko. "good..kung liligawan ka nya yan ang sabihin mo para hindi na sya umasa pa ok?"tumango ako sa kanya. Napigil ang paghinga ko ng hawakan nya ang baba ko at iangat ang mukha ko. "b-bakit?"kinakabahang tanong ko. "you're beautiful Mika..at ayokong dahil dyan ay maloko ka..gusto kong yang mga mata mo ay ako lang ang laging tinitignan maliwanag ba?"nagtataka man ay tumango ako sa sinabi nya. Lumabas na kami sa greenhouse at hinatid nya lang ako sa mansyon bago sya nagpaalam na aalis na. Dumating ang araw ng debut ko at lahat sila ay manghang nakatingin sa akin. "gosh Mikaela you're so pretty!"masayang salubong sa akin ng bestfriend kong si Carmina. "Mina ikaw din.."masayang puri ko. "nagkita naba kayo ng prince charming mo?"umiling ako sa tanong nya. "nakita ko sya papunta sa greenhouse.."saad nya na kunot ang noo. "ganun ba?o sige tignan ko dun paghinanap ako sabihin mo nagretouch lang ako ha?"bilin ko. "akong bahala.."sagot nya sabay kindat. Nagmamadali akong pumunta sa greenhouse para makita si Izrael nang buksan ko ang pinto ay napatda ako sa nakita. "Iz.."naiiyak na sambit ko sa pangalan nya. Nakita ko ang pagpigil nya sa pinsan kong si Leticia at humarap sila sa akin.Pansin ko ang pag igting ng panga nya habang ang pinsan ko naman ay deadma. "the debutant..bat andito ka?go with your friends busy kami dito.."she mocked. Tinapunan ko naman ng tingin si Izrael na puno ng kalat na lipstick ang labi kaya di ko na sya magawang titigang muli. "ok.."sagot ko sa nanlalamig na kamay at puso ay umalis ako sa greenhouse. Kanina ay nagmamadali akong pumunta dun dahil sa kasabikan pero ngayon ay nagmamadali ako makaalis dahil sa puso kong nasaktan. "care to tell me whats on your mind?"napabuntong hininga ako at nilingon ko si lola. "you look sad.."she commented. I am lola. "no..I'm just adjusting..alam mo naman la na matagal akong nawala sa Pilipinas. Tumango lamang sya at muling pinagmasdan ang itsura ko. "I'm sorry kung hindi kita napagtanggol noon.."nilingon ko sya at marahang ngumiti. "its ok la..matagal ng nangyari yun.."pang aalo ko sa kanya. "no..I will make you happy iha..you suffered enough.."naluluhang pinagmasdan ko sya. "Thanks la.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD