CHAPTER 2
Habang nasa hapag ay puro tunog lang ng pinggan at kubyertos ang maririnig.Awkward para samin ang eksenang ito.
"Iha..may hindi ka ba nagustuhan sa luto ko?"napaangat ako sa tanong na yun ni tita Maria.
"act decent Mikaela wag kang bastos.."banta ni dad.
"Feliciano..hindi kita pinalaki para ganyanin ang apo ko.."sita ni lola bago sya humarap sa akin.
"iha hindi mo ba gusto ang nasa hapag?"nag aalalang tanong nya sa akin.
"its ok la..I'm already full.."anas ko.
"diet?"singit naman ni Leticia.
"you should eat..you're so thin.."nagulat ako sa pahayag na yun ni Izrael though nasa pagkain lang ang mga mata nya ay ako parin ang sinasabihan nya.
"eat iha..o kaya kung gusto mo sabihin mo sa kusinera bukas kung ano ang gusto mong food para makakain ka ng maayos.."napatango nalang ako kay lola.
Too much attention.
Nag uusap pa sila sa veranda pagkatapos kumain ngunit ako ay nandito sa hardin at tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin.
"getting too much attention wont do you any good.."napalingon ako sa nagsalita.
"yah..so please dont give me yours.."akmang aalis na ako sa lugar na yun ay pabalang nya akong isinandal sa pader napalingon ako sa kinaroroonan nila lola.
"they wont see us.."madiing wika nya dahil nabasa nya ang nasa isip ko.
"hindi bat yun ang lagi mong gusto yung palihim like what you did to me and my fa--"agad ko syang sinampal sa sinabi nya.
Nakita ko ang pag igting nya ng ngipin at sa nanlilisik na mata ay hinarap nya ako.
"hindi mo matanggap na ipamukha ko sayo lahat ng ginawa mong kababuyan?!"naiiyak na ako pero pilit kong pinatatag ang loob ko.
"ikaw ang hindi makatanggap sa nangyari kaya paulit ulit mo iyong binabalikan at sinusumbat sa akin.."malamig na wika ko sa kanya.
"hindi ko makakalimutan yun Mikaela lalo na at tuwing makikita kita ay nandidiri ako!"pabalya nya akong binitiwan bago sya umalis.
Napahawak ako sa balikat ko na sumakit gawa ng pagkakahawak nya sa akin.Napapikit ako at muling tumingin sa langit.
"anong nagawa kong mali?"naiiyak na tanong ko sandali akong nanatili dun at ng masigurong ok na ako ay pumasok na ako sa loob.
Nagkukwentuhan parin sila doon kasama na nila si Izrael.Nag iwas ako ng tingin sa kanila at dumiretso ako paakyat sa hagdan ng mapuna ako ni tita Maria.
"iha..nakalimutan kong sabihin na hinahanap ka ni Allen kanina..tanda mo paba sya?"sa nanunuksong tingin ay alam ko ang tumatakbo sa isip nya.Binalingan ko si Izrael na walang reaksyon ang mukha.
"paano nyang nalamang andito na ako?"I asked.
"I told him.."napalingon ako kay Leticia.
Napatango lang ako at pinagpatuloy ang pag akyat ng magsalita uli si tita.
"babalik daw sya bukas.."tango lang ang sinagot ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko.
Napahinga ako ng malalim ng makapasok ako sa kwarto ko.Napaigtad ako ng marinig ang phone ko na tumutunog.
"babe.."napangiti ako ng marinig ko ang boses nya.
"pinayagan ka ba na magbakasyon dito sa Pilipinas?"tanong ko agad.
"yeah..expect me tomorrow..and please no more boring outs..I want wild ok?"natawa ako sa sinabi nya.
"ok..just be here I will introduce you to my family.."I said.
"cant wait.."he commented bago natapos ang usapan namin at makatulog ako.