Chapter 1
MAVI
Nagsisimula na ang party sa estate ng mga Narvaez sa Batangas pero wala pa rin ang asawa ko.
Kung hindi lang dahil sa kaibigan kong si Karen ay kanina pa napanis ang laway ko.
"Nasaan na ba kasi 'yang asawa mo?" pasimpleng bulong niya sa akin.
"Ang sabi niya kanina, papunta na s'ya rito at dito na lang kami magkita. Hindi ko rin alam kung bakit wala pa s'ya. Tinawagan ko na at tinext pero hindi naman nagreply. Hindi kaya nasiraan ng kotse?"
Rumolyo ang mga mata ni Karen.
"Paano masisiraan ng kotse 'yon e latest model ng Mercedes Benz ang gamit? Baka kamo nagsideline."
"Karen naman. You're not helping."
"Sorry, na-stress pa kita pero alam mo namang may reputasyon 'yang asawa mo."
"That was before I married him. Wala na bang chance magbago ang tao?"
Hindi na sumagot si Karen kaya nag-excuse ako para kumuha ng juice.
"Hello, Victoria," bati ni Auntie Lorena. Nagpalinga-linga at parang may hinahanap. "Nasaan ang asawa mo?"
"Na-traffic lang po. May inayos lang po sa opisina kanina."
It was a lie but what else am I going to say to her? Hindi ko nga alam kung nasaan si Franco.
"But it's a Saturday. Walang opisina ngayon. Napakasipag naman ng asawa mo at talagang sumaglit pa sa office."
Tumikhim s'ya at tumingin ng matiim sa akin.
"Alam mo, matagal na rin kayong kasal. Hindi naman sa nanghihimasok ako pero wala pa rin bang laman?"
I was being pressured to get pregnant. Mahalaga sa kanila na may tagapagmana.
We are not using contraceptives pero hindi pa rin ako mabuntis.
"Bakit hindi na lang kayo mag-adopt? Alam mo 'yong iba kapag nag-aampon mas mabilis mabuntis. Sige ka, kapag nainip 'yang si Franco e baka maghanap ng iba."
"What are you guys talking about here?" tanong ni Mama Francia nang makalapit sa amin. S'ya ang biyenan kong babae.
Bago pa ako nakapagsalita ay naunahan na ako ni Auntie Lorena.
"Gaya pa rin ng dati, tinatanong ko kung buntis na ba s'ya. Kasi naman Francia, dalawang taon na silang kasal ni Franco e hindi pa rin nakakabuo." Tumingin sa akin si Auntie. "Hindi kaya baog ka, Victoria?"
Ngumiti ako ng bahagya at pinanatili pa rin ang composure.
"I am pretty sure I am healthy, Auntie. Nagpacheck up na kami sa doctor. Pero katulad ng sabi niya, may mga mag-asawa talaga na hindi kaagad binibiyayaan ng anak, lalo na raw po kapag may pressure."
Tumaas ang isang kilay niya habang si Mama ay tumingin sa akin ng matalim.
It was her way of telling me to stop talking.
"Excuse me po."
Iniwan ko na silang dalawa at nagtungo ako sa garden nang makasalubong ko si Franco.
"Where have you been? Kanina ka pa hinihintay dito," tanong ko sa kanya.
"I'm sorry, hon. I was on my way here but one of my friends needed help."
"What help?"
"Nasiraan sa highway. Kaya tinulungan ko muna. Mas matagal kasi kapag naghintay pa ng mekaniko. As for the people looking for me, hayaan mo na sila. Nagpunta lang naman ang mga 'yan para sa pagkain at para magpicture." Tumawa si Franco.
Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Everything else okay?" tanong niya nang hindi ako magsalita.
He stopped walking so I did too.
"Tinatanong ka na naman ba tungkol sa baby?" Tumango ako. "Don't mind them. Kung si Auntie Lorena rin lang, huwag mo ng pansinin."
"Sanay na ako roon. Kaya lang minsan hindi ko maiwasan mainis dahil iniisip nilang baog ako. Bakit ako ang iniisip na may diprensy'a?"
Napatawa si Franco. "Gusto mong sabihin ko na ako na lang because I will if that will make you feel better." He kissed my neck. "I have a better idea."
Nasa tagong lugar kami ng garden ngayon at naglilikot ang mga kamay niya.
"Franco, baka may makakita sa atin dito. We should go back inside."
Kahit pinipigilan ko s'ya, hindi naman tumatanggi ang katawan ko. Bahagya ko pang inanggulo ang leeg ko para bigyan s'ya ng access.
"Come with me."
Hinila niya ako papunta sa likod ng bahay at doon dumaan papunta sa dating kwarto niya.
Pagkasarang pagkasara ng pinto ay hinalikan niya ako ng mariin. Uhaw na uhaw. Wala akong magawa kung hindi ang hayaan s'ya.
He turned me around to face the door at itinaas ang laylayan ng damit ko. Iginilid niya ang panty kong yari sa lace at pinaraanan ng daliri.
"How long have you been wet for me?" bulong niya sa tainga ko habang nilalaro ng daliri ang p********e ko.
"Long enough."
That's what Franco was waiting for. Lumuhod s'ya sa likod ko at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking gitna nang paghiwalayin niya ang mga hita ko.
Even though what we had was a whirlwind romance at may mga bagay na hindi pinagkakasunduan, pagdating sa kama ay wala kaming problema.
Unang haplit pa lang ng dila niya ay halos mawala na ako sa katinuan.
Sumasabay ang paggalaw ng balakang ko sa galaw ng dila niya, at halos mabaliw ako nang dagdagan niya ng daliri.
I came in no time and Franco got up to kiss my shoulder.
Narinig ko ang pagbaba ng zipper niya at pagbagsak ng pantalon niya sa sahig.
He positioned himself behind me. Franco was rock hard.
Isinubo niya sa akin ang daliri naglalaro sa p********e ko kanina kasabay ng pagpasok ng p*********i niya.
We found our rhythm while I suck his finger, tasting my essence.
"f**k, you're still tight."
"I love you, Franco."
Instead of saying it back to me, kinabig niya ako para muling halikan nang mariin hanggang dalhin niya ako sa langit at makalimutan na ang paghihintay na sabihin niyang mahal din niya ako.
Nang matapos kami ay may ngiti s'ya sa labi. We cleaned ourselves quickly at panakaw-nakaw pa s'ya ng halik sa akin.
"Franco, isa."
"Dalawa," biro niya.
Inirapan ko s'ya. "We really need to go back to the party or your mom is going to give us more trouble."
"Gusto nila ng apo, 'di ba? Ginagawan na natin ng paraan. Gusto mo ng isa pa?"
Mahina ko s'yang hinampas sa braso.
"Halika na nga. Kung ano-anong kalokohan na naman ang naiisip mo."
Nasa labas na ako ng pinto nang magring ang cellphone niya. He checked it at napansin ko ang pagngiti niya.
"Hon, let's go."
"Mauna ka na. Susunod ako."
"Who called?"
"Ah, si Neil. May tinatanong lang tungkol sa resort na huling pinuntahan natin."
He was clearly lying pero hindi na ako nagtanong pa. The last resort we went to was more than a year ago at iba na. rin ang management nito.