Rio's POV
Last minute check para sa mga gamit ko na gagamitin sa trabaho. Wala na naman akong nakalimutan na bilhin kaya all set na ako bukas para sa pagpasok. Alam ko na rin kung san ako pupunta pagdating sa company at kung san ang pick up point ng shuttle. Medyo inorient na rin naman ako ni Dad. Miss ko na yung mga tukmol kong kaibigan, hindi ako naka- attend sa aming Saturday night out kagabi kaya 1 week ko na silang hindi nakikita.
Pagtingin ko sa orasan 8pm na pala kailangan ko ng matulog kasi 4am dapat gising na ako. Ang shift kasi ng mga bago ay 6am to 2pm. Mabilis naman ako kumilos pero syempre hindi ako pwedeng makampante kasi baka malate ako sa unang araw ko sa trabaho. Yun pa man din yung isa sa pinaka- ayaw ko yung nale- late. Goodnight na guys, tutulog na ako.
KINABUKASAN
Mga 4:15am ako nagising ngayon. Cereal lang kinain ko bago ako maligo. Need ko pumunta sa pick up point ng shuttle before 5:30am baka kasi maiwan ako eh. Bawal pa man din ako magdala ng sasakyan.
5am natapos na ako sa lahat ng seremonyas ko sa buhay kaya bumaba na ako ng condo at naglakad papuntang shuttle. Pagdating ko dun medyo mahaba rin pala ang pila. Since malapit naman ito sa 7/11 bumili muna ako ng tinapay at inumin kasi hindi ako nabusog sa kinain kong cereal. Pagpasok ko nakita ko si Mira, yung uniform niya ay katulad nung akin. Yuuun tulad pala kami ng pinagta- trabahuhan. Sana magka- tulad din kaming ng department.
Kumuha na ako ng pagkain at nagbayad sabay balik sa pila. Kumakain na ako sa pila kasi bawal kumain sa loob ng shuttle bus. Nakita ko naman si Mira sa may likuran ng pila, may kasama itong isang babae. Maya- maya lamang ay dumating na ang shuttle pero hindi ako umabot sa first bus kaya sa kasunod na lamang ako.
MIRA's POV
Monday na naman guys. Work day again, pero wala naman magagawa need kumayod para magka- pera. Kailangan ng pang chicha. Hahahaha! 6am to 2pm ang shift ko ngayon sana magka- ot ako. Gipit ang lola niyo ngayon kaya humihiling ng ot. Lol. Nandito na ako sa pila ng shuttle, nagbili na rin pala ako ng pagkain ko kasi hindi ako kumain bago umalis ng apartment dahil na late ako ng gising kaya medyo madalian ang aking paga- ayos kanina.
Hindi ako umabot ng first shuttle bus kaya sa kasunod na lang. Pahuli na kami sa pila kaya magkahiwalay kami ni Anna ng upuan. Una si Anna sa upuan kaya mas madali siya makahanap ng pwesto nung ako na yung kasunod ay isa na lamang yung pwesto na meron, pagkatingin ko si Kuyang Pogi yung nandun.
" OhmyG!!! Hala hala. What isxcz da meaning of thiszxc!! "
" Dito ba siya nagta- trabaho? Bat ngayon ko lang siya nakita? Baka naman bagong pasok pa lamang siya? Hala halaaaa, what to do? " nagpa- panic na ako sa loob loob ko guys pero wala akong choice kundi umupo sa katabi niya.
" Emegeeeeeddd!!! Pag- ibig na kaayaaa!! Chaaar " landi natin Mira ah. Kalma gurl wag pahalata na bet mo siya.
Umupo na ako sa katabi ni Kuyang Pogi at naglagay na lamang ako sa tenga ng earphone para naman kumalma ako. Akting- aktingan peg natin ngayon guys para hindi halata na natatandaan ko siya at kinikilig ako ngayon. HAHAHAHA!
Halos 20 mins kaming magkatabi kasi medyo traffic ngayon. Sige lang kuya, tagalan mo pa ang byahe para matagal ko pa siyang katabi. HAHAHAHA! Landi first before work. Chaaar.
Nung nakarating na sa company, tinanggal ko na yung seatbelt ko para mag- prepare bumaba since nasa medyo dulo pa kami kaya huli pa kaming bababa.
Pagkababa ko ng shuttle nandun pa si Anna at inaantay ako para sabay na kami pumasok at pumunta sa locker. Hindi ko na rin nakita ulit si Kuyang Pogi kung san nagpunta. Kung bago pa lang yun dito sa company for sure 2 weeks mahigit na 6am to 2pm shift nun bago i- deploy sa kanyang department. Sana makasabay ko siya araw araw.
Habang nasa locker kami ay nagsalita naman si Anna.
" Baks, ang gwapo nung katabi mo kanina sa bus ha? " Shuta 'tong si Anna oh!! Parang may pagnanasa pa ata aa baby love ko ah. Chaar. Kapal din talaga ng mukha ko eh.
" Bagay kayo gurl. " dagdag naman nito. Ayaaan, ganyan tamang attitude Anna kaya love na love talaga kita eh.
" Para kang sira. May makarinig sayo dito uy. " pabebe ko namang sagot.
" Aysus, wag mo kong lokohin dyan baks, kilala kita alam kong bet mo yung lalaking katabi mo. Charot charot ka din eh. " sabi nito sakin. Sarap din talagang pektusan nito eh. Spoiler eh.
" Pangit mo ka bonding. Hilig mo mang spoil ng moment baks. Pero sana makasabay ulit natin ano? HAHAHAHA! " kinikilig kong sabi dito.
" Landi landi rin eh. Dami mo pa eme, bet mo din naman talaga. "
" Pero feeling ko baks, bagong salta pa lang yun dito. Ngayon ko lang yun nakita eh tsaka mukhang bago lang talaga. Pag bago pa lang yun for sure the whole week makikita mo yun. " dagdag na chika naman ni Anna. Same lang kami ng calculation ni Anna. Kung bago talaga ito for sure araw araw ko siya makikita.
" Pagdasal mo na lamang baks na hindi ka mauna sa shuttle or hindi siya mauna, kasi pag ganun yung magiging scenario hindi kayo magkikita. Kaya magdasal ka na sa lahat ng santo at mag- alay ng manok. Hahahaha! Charot " may point din naman itong babaeng ito.
" Tara na gurl, mamaya na ulit tayo mag- chikahan. Kailangan pa natin mag- in sa attendance. " panga- akit naman nito. Lumabas na kami at nag- in na ng attendance. Nakita namin yung iba naming kasama sa trabaho at naki- umpok naman kami sa kanila. Chika chika muna ng kaunti bago pumasok sa production. Kadalasan kasi 10 mins before our shift dapat nasa loob na kami ng production para hindi naman hassle saming lahat. Nakaka- haggard naman kasi na kaka- start pa lamang ng shift mo nagmamadali ka na agad.