CHAPTER 6

1042 Words
Mira's POV Nandito ako ngayon sa company na pinagta-trabahuhan ko at breaktime ko ngayon. Bigyan ko lang kayo ng background about sa schedule ng pasok ko dito. Tri- shift ang pasok dito 6am to 2pm, 2pm to 10pm at 10pm to 6am. Ngayon ang shift ko ay 2pm to 10pm pero baka makapa- over time ako ngayon kasi yung kapalitan ko hindi pumasok. 5pm na ngayon kaya first break ko na, kakain akong kanin para hindi agad ako magutom kasi mga 11pm pa ulit ako makakakain eh. Flex ko lang guys may meal allowance kami dito, pang first break and ot meal may allowance kami kaya konti na lang idadagdag namin sa pagkain namin. Medyo nakakapag- ipon talaga ako dito kasi may meal allowance na kami tapos free shuttle pa.     " Baks, ano kakainin mo ngayon? "      " Sh*tainamers ka!! " napasigaw talaga ako sa biglang pagsulpot nitong kaibigan ko. Si Anna yung nagtanong / nanggulat sakin. Isa sa best friend ko dito sa trabaho.      " Napaka- oa mo gurl. Biglang bigla talaga? "  nanga- asar pa na sabi sakin ni Anna    "  Huwaw ha? Kakahiya sa panggugulat mo baks. "  Halos lagi kaming magka- shift ni Anna kaya rin kami naging close. " So, ano ngang kakainin mo baks? " pangungulit pa rin sakin ni Anna     " Magka- kanin ako ngayon tsaka yung porkchop at bihon siguro. "     " Dami mo naman kakainin. Gutom yarn? "     "  Baks, mamaya pang 11pm ulit ako makakakain kaya kailangang damihan. "     " Ay sige, ganun na lang din pala sakin "  Lakas din talaga ng trip nitong babaeng ito eh. Aasar asarin ako gagayahin din pala yung kakainin ko. Pwede ba sumapak ng kaibigan?     " Lintis ka talaga, gaya gaya lang? Btw baks, overtime ka ba ngayon? " nagbabakasakali akong ot rin siya para naman may katabi ako sa shuttle, siya lang kasi sa department namin yung kasabay ko sa shuttle kasi sa ibang lugar yung mga ibang katrabaho namin.      " Di ko pa sure gurl. Hindi pa sinasabi ni TL eh. Pero baka ot din ako kasi hindi ata papasok si Thel. "  ( A/ N: TL is Team Leader ) Si Thel naman ay yung isa pa naming ka close din kaso kadalasan hindi namin ka shift. Nagkakila- kilala kasi kaming tatlo nung naga- apply pa lang kami sa company na ito kaya sobrang close talaga namin.     " Sana ot ka para naman may kasabay ako. HAHAHAHA! Para na rin may gigising sakin mamaya. "  Habit ko kasi matulog sa byahe since halos 20mins away kasi yung company hanggang bahay eh.    " I feel used na naman. "  pagkukunwaring tampo sakin ni Anna    " Lol. " kumuha na ako ng tray at untensils since malapit na ako sa may unahan. Sinilip ko pa kung may iba pa akong ulam na magugustuhan pero wala na talaga. HAHAHAHA! Ako na yung kasunod sa pila kaya umorder na ako.     " Ilang rice saiyo? " tanong sakin nung nagsa- sandok.     " 1 rice lang po. "    " Ulam? "    "  Isang porkchop po tsaka yung bihon. "  Natapos na magsandok si ate kaya sa cashier naman kasunod. Inihanda ko na din yung meal stab ko para hindi na hassle pati na rin wallet ko baka kasi may bayaran since madami akong order. Nasa cashier na ako at may nakita akong yakult kaya bumili na rin ako at isang beng beng.    " Magkano po? " tanong ko dun sa cashier.     " 35 pesos na lang babayaran mo. " Kumuha na ako ng pera at inabot kay ateng cashier tapos nagpasalamat muna ako bago umalis. Pumunta na ako dun sa usual naming pwesto pag nakain, buti na lamang ay wala pang tao dun. Maya maya lamang ay nakita ko na si Anna at umupo na rin siya kasabay nung iba pa namin ka -trabaho. Since madami na silang nandun ay tumayo muna ako at kukuha ng tubig. Pero pagkatayo ko pa lamang ay nagsalita si Anna     " Gurl, ako din kuha mo ng tubig. Thank you. I love you "  panlalambing sakin ni Anna.     " Oo na. Ikukuha kita. " Dalawa kami nung kasama namin sa trabaho ang kumuha ng tubig. Pagdating namin dun kumain na rin ako. Halos 20 mins lang naman inabot yung pagkain ko, so may 30 mins pa akong vacant time para mag- phone. Habang nagse- cellphone ako nagu- usap usap din kaming magkaka- trabaho. Pamapalipas lang ng oras. After 30 mins dumiretso na kami sa aming locker room para kunin ang aming toothbrush at toothpaste. 10 mins na lang kasi natitira namin kaya medyo kailangan namin magmadali. Hindi naman pwede magmake up so talagang brush brush lang talaga ng ipin ang gagawin namin pero dahil sa pagke- kwentuhan namin hindi namin namalayan na 3 mins na lang pala meron kami. Sa baba pa yung department namin kaya kailangan na tumakbo. Habang natakbo ako, nakita ko sa peripheral vision ko si Kuyang Pogi sa club pero hindi ko na yun halos pinansin dahil male- late na ako / kami sa trabaho madadali kami ng magne- next break pag over break kami. Nakarating na nga ako sa production ng hindi nale- late. Nang medyo nakahinga- hinga na ako tsaka ko lang naalala yung nakita ko kanina.    "  Hindi naman siguro si Kuyang Pogi yun ano?  Baka namamalikmata lang talaga ako. " pagkausap ko sa sarili ko.    " Ano naman gagawin niya dito diba? Mukha naman siyang hindi employee dito. Aissst. Bakit naman kasi hindi mo tiningnan ng maigi Mira eh. Hindi ka sana nagi- isip ngayon. " paninisi ko sa sarili ko " Sige, kung tiningnan mong maigi yun mayayari ka naman mamaya. Award ka na naman dahil sa over break mo. " pango- ngontra ko naman sa sarili ko. Haay naku. Munt@nga na ako dito oh!! Hindi ko lang basta kinakausap sarili ko kino- kontra ko din.    " Hoooy Mira, tulala ka diyan " pagtawag sa atensyon ko nung kasamahan ko.    "  Ay sorry, bakit ba? "    " Tara na, meeting daw. " Lumabas muna kaming lahat saglit dahil may meeting kami. Halos every shift guys may meeting talaga kami para ma- raise namin yung mga concern namin. Pero ngayon halos regular meeting lang, pina- alalahanan lang kami ng mga TL namin as usual.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD