CHAPTER 5

1112 Words
Rio's POV Hindi ko na talaga alam gagawin ko kung pupunta ba ako o hindi. Alas tres na ng hapon pero hindi pa din ako nakakapag- bihis man lamang. Maski ligo nga ay hindi ko pa nagagawa. Napag- desisyonan kong pumunta na rin sa company namin para matapos na rin yung usapan namin ni Dad. 4pm na ako natapos mag- prepare nang sarili. Lumabas na ako ng condo at nag- drive papuntang company. Inabot ako ng halos 1hour sa byahe kaya mga 5:15pm na ako nakarating sa company. Bago ako makarating sa office ni Dad nadaanan ko pa yung cafeteria sa company. Dito halos kumakain yung mga employees pag breaktime nila, and may meal allowance naman na binibigay company namin kaya less gastos na rin sa kanila. Habang nagmamasid ako sa cafeteria ng company, may isang babae na nagmamadali na tumakbo pababa ng hagdan.    " Hala, hindi ba si Mira yun? "  bulong ng isip ko. Ganun ko na ba ka gusto makita si Mira kaya feeling ko siya yung nakita ko? Inalis ko na muna sa isipan ko si Mira at dumiretso na sa office ni Dad. Pagdating ko sa floor ng office ni Dad, secretary niya yung nandun    " Si Dad? "  paangas kong tanong sa secretary ni Dad. Hindi talaga ako ganito makitungo sa tao, para lamang matakot ng kauntian sakin kaya ganto pananalita ko sa secretary ni Dad     " Naku po sir, may board meeting pa po si Sir Rico. Maya maya pa po yun matatapos, mga 30 mins pa po. " natatarantang sagot sakin nung secretary. " Antayin ko na lang si Dad sa loob ng opisina niya. Pwede naman siguro ako pumasok ano? "   " Opo sir, pasok na po kayo. Baka po may gusto kayo inumin? Coffee, juice, water? "    " Get me an orange juice and cookies. "     " Sure sir. " Pumasok na ako sa office ni Dad at nahiga sa sofa dahil alam kong mamaya pa naman dadating si Dad. Medyo inaantok na ako at balak ko sanang umidlip muna pero maya maya lamang ay may kumatok sa pinto.    " Istorbo naman oh!! "  sabi ko sa sarili ko   " Come in!! " sigaw ko Pumasok na nga yung secretary ni Dad dala dala yung cookies at juice na inutos ko.      " Sir eto na po yung inutos niyo. May ipagu- utos pa po ba kayo? "       " Wala na. Thank you!! "      " Sige po sir. Nasa labas lang po ako pag may kailangan pa po kayo. " Haaay naku, nawala na yung antok ko. Ano namang gagawin ko dito sa office ni Dad? Kaboring naman oh! Dapat nasa condo ako ngayon eh naglalaro ng valorant. Habang nagba- browse ako sa facegram ko naisipan kong hanapin kung may account ba si Mira sa facegram, pero kahit anong browse ko wala akong makitang account.    " Baka naman hindi talaga Mira name niya? Nickname lang niya siguro yun kaya wala akong makita na account niya " AFTER 45 MINUTES OF WAITING dumating na nga si Dad. Agad ko naman itong sinalubong.     " Dad, bakit mo ako pinatawag? "      " Kaya kita pinatawag para pag- usapan ang pagpasok mo dito sa company "     " Hindi ba pwedeng as office staff na lang ako dito dad? Para naman may connection pa din sa course ko. "  pagtatanong ko kay Dad. Malay ba natin baka magbago na ang isip nito.     " No. I want you to enter as a production worker. And that's final!!  "  ma- awtoridad na sabi ni Dad sakin. Pag ganito na ang tono ng pananalita ni Dad wala ka na talagang magagawa kundi sundin kung ano man ang gusto niya.    " Okay okay dad, *I'm just trying my luck lang naman eh* pabulong kong sabi, paktay tayo diyan pag narinig.    " So kailan ako magi- start dad? " dagdag kong sabi kay Dad.   " Next week, Monday. "    " Okay. Bye Dad "  nagpaalam na kaagad ako pero bago pa ako makaalis ay tinawag na naman ako nito.    " At san ka pupunta little boy? "    " Uuwi na po Dad "    " Hindi pa tayo tapos mag- usap. "     " Akala ko ba tapos na dad? Sabi mo next monday. "     " Don't you want to hear the details for your work? "     " Fine. "  nag- upo na lamang ako ulit sa sofa ng office ni Dad. Hay naku, akala ko pa naman makakauwi na agad ako.    "  As I state the rules, you can't intervene me until I am done. Understood? "  Tumango na lamang ako kay Dad at hindi na nagsalita. Wala na rin naman ako magagawa kundi sundin.    " These are the rules that you need to follow: First: You can't bring a car. So you need to ride our shuttle bus " Shuta unang rules pa lang hassle na agad sa life. Pinagpatuloy na ni Dad ang pagsasabi ng kanyang " RULES "     " Second: You need to move out from our house since there is no shuttle bus there. I already arranged your new house. Its in Kinetic Condominium, the shuttle bus is 3 minutes away only in your condo. "  Kagaling naman ni Dad, dun yung condo ko na tinutuluyan eh.    " Lastly, people can't know that you are my son. Are we clear? " As if naman may balak akong ipagsabi na anak mo ako. HAHAHAHA!     " Yes dad, but I have a question. Firstly, why can't I bring a car? I'm more comfortable to ride the car than taking the shuttle bus. Second, I already have a condo unit in the same building that you want me to stay, so my condition is just pay for my monthly bills like electricity, water, security pay ang wifi. " Need natin mambudol guys. HAHAHA! Para tipid tayo sa bayarin baka kasi hindi ako bigyan ni Dad ng allowance pag sumahod na ako bilang production worker eh.     " Kaya hindi ka pwedeng magdala ng sasakyan kasi makaakit ng atensyon ito sa tao baka malaman nila agad na anak kita. And for your condition, fine I'll pay for your monthly bills. " Yun buti na lamang pumayag si Dad. Makakatipid tipid ako nito     " So are we done dad? Can I go now? "  nagmamadali kong tanong kay Dad. Antok na antok na talaga ako.      " Fine, nga pala nak. Pumunta ka dito sa office ko ulit para sa iyong uniform. Sige na umalis ka na "    " Okay bye dad " Umalis na nga ako sa office ni Dad para umuwi na. Medyo malapit lang naman itong company kaya makakauwi agad ako. Magte- take out muna ako ng pagkain ko para hindi na ako magluluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD