CHAPTER 4

904 Words
RIO's POV Nakita ko si Mira na nahihirapan na abutin yung garbage bag kaya naglakas loob na akong tulungan siya at magpakilala. Pagkatapos ko itong abutin bigla na lang itong naglaho pagkatapos magpasalamat. Sa susunod makakapagpakilala na rin ako sayo Mira. Oh diba maka- Mira ako. HAHAHAHA! Feeling close ka Rio? Pinagpatuloy ko na ang paggo- grocery ko pero hindi na para ipagluto yung mga kaibigan kong tukmol. Hahahaha! Pang- stock ko na lang sa condo ko kasi feeling ko magtatagal ako doon lalo na sa sitwasyon ko ngayon. HAHAHAHA! Ipagte- take out ko na lang ng pagkain ang mga kaibigan ko para naman hindi sila lalo magalit sakin. Natapos na akong mamili. Halos 3000 ang binayaran ko kahit hindi naman ganun kadami mga pinamili ko. Pamahal nang pamahal na talaga ang bilihin ngayon. Random fact about me guys, hindi ako masyadong magastos kahit na sabihing mayaman kami, alam ko kasi na pinaghirapan pa rin yun ng aking mga magulang. (A/N: Oh diba? Kita niyo kuya niyo Rio. HAHAHAHA Ivaaaahh deen.) Bago pa maging seryoso ito lalo ay dumiretso na ako sa pinakamalapit na fast food chain para bumiling brunch naming magkakaibigan.    " Good Noon sir, May I take your order? "     " 2 bucket of chicken both are spicy, 6 sundae, 6 jumbo fries and 6 burger "     " Anything to add sir? Drinks? "    " No, thank you. That'll be all. "    " Your total is 1760 sir. " I gave her 2000 pesos, I told her that the change is her tip. Sobrang hirap maging cashier ngayon guys o kaya mag- trabaho sa mga fast food chain, kaya kung may sobra kayo wag kayo mag- atubili na mag bigay din. After mga 15 minutes nakuha ko na yung order ko. Dumiretso na ako sa condo ko kasi baka maunahan ako ng mga reklamador kong mga kaibigan.      " Booooo!! "  panggu- gulat sakin nung mga kaibigan ko. Naunahan na nga ako ng mga ito dito sa condo ko. Baka magtaka kayo paano nila nabuksan condo ko alam nila password at alam namin ang bawat password ng aming condo.      " Katagal mong dumating kanina pa kami dito. Halos 45 minutes na kaming nagi- intay saiyo " sabi ni Sancho     " Ay pasensiya na po kayo mga mahal na hari. Namili pa po kasi ako ng mga pagkain po para may maipakain po ako sainyo. Nakakahiya naman po kasi sainyo eh.  Tang*na niyo. " sabay hagis ko sa kanila ng grocery ko at lapag naman ng mga pagkaing binili ko sa mini table sa living room ko.    "  Dapat lang na mahiya ka samin. Bawal magutom ang mga pogi. " makapal na mukhang sabi ni Migz. Nagmake face na lamang ako at hindi na ito sinagot. Kinuha ko na ulit yung mga grocery ko para iayos sa shelves habang ang sina Franz, Sancho at Jake naman ay hinahanda ang aming mga kakainin. Sina Migz at Axel naman ay napag- tripan na mag- timpla ng kape para saming lahat. Umabot ng halos 10 minutes bago natapos ang aming paga- ayos ng pagkain pati na rin nang aking mga grocery. Naglabas na rin ako ng tinapay pangdagdag lang sa aming mga pagkain. Lahat kami ay nakaupo na sa living room at handa ng kumain.    " So, anong problema mo kagabi at naglasing ka? " panimulang tanong sakin ni Axel.    " For sure naman nasabi na sainyo nina Migz at Jake kung bakit ako naglasing kahapon. "     "  Pero gusto pa din naming marinig galing sayo. Kaya sabihin mo na bago ka pa namin masapak "  nagjo- joke na sabi naman ni Sancho sakin.     " Yun nga kasi, gusto ni Dad na maging production worker sa company namin. Ni hindi ko man lamang alam kung bakit!! Para saan pa yung paga- aral ko ng business diba kung hindi ako ia- appoint agad bilang kapalit niyang CEO. "     " Baka naman may rason si Tito " pagsangat na sabi ni Migz     " Alam ko namang may reason si Dad kung bakit pero hindi niya sinasabi eh. Okay na maski hindi CEO agad ibigay sakin ni Dad. Sana man lamang office staff sa company namin. "     " Ano ng plano mo? " tanong ni Franz. Si Franz ang pinaka- tahimik sa amin.     " Dito muna ako mananatili sa condo since hindi alam ni Dad ito. Para na rin makapagisip- isip ako kung tatanggapin ko ba yung offer ni Dad sakin "    " Wala ka rin namang choice " singit na sabi ni Jake sakin. Tunay naman ang sinabi nito na wala akong choice kundi sundin si Dad pero papalipas muna ako ng ilang araw para ma- absorb ko naman ng kauntian ang aking magiging kapalaran. Tuloy tuloy lang kami sa pagkain hanggang sa maubos namin at isa- isa na silang nag- paalam na uuwi na. KINABUKASAN Tanghali na ako nagising kaya nagpa- deliver na lamang ako ng pagkain dahil tinatamad na akong magluto. Maya- maya lamang ay dumating na ang aking pagkain. Habang nakain at nanonood ako ng tv ay may nag- text sakin, pagkatingin ko ay yung secretary ni Dad ang nag- text.        " Good Day sir Rio, pinapatawag po kayo ng iyong Dad. Pumunta daw po kayo sa office niya sa company ngayong hapon 4pm. May mahalaga daw po kayong pagu- usapan. "  Yan yung laman ng text nang secretary ni Dad.   " Aiiissssstt!! Mukhang tapos na ang maliligayang araw ko. " bulong ko sa sarili ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD