
π I'm a Single Mother π
Written by :Bermejo
ππππππππ
"KANIN BABOY KAYO RIYAN!!" Sigaw ko habang dumaraan sa mga kabahayan. Nakita kong nag sipag dungaw naman ang mga tao sa kanilang pintuan at bintana. "Oy,Lina buti naman at napadaan ka. Ito oh ang dami kunang kaning baboy." Sabi ni aling iada.
"Pasensya na ngayong lang naka punta. Nag kasakit kasi ang bunso ko e." Sagot ko naman habang sinasalin sa balde ang kaning baboy na binigay nito.
"Ganoon ba? Nako ingatan mo ang mga anak mo ha? Usong uso pa naman ngayung ang mga trangkaso." Turan naman nito. "Sige po mauna na po ako." Paalam ko naman sa kanya. At marahang itinulak ang kariton kung nasaan nakasakay ang tatlo kong anak. Habang bitbit o naman ang baldeng may lamang kaning baboy.
Ako nga pala si Lina Mendoza, labing walong taon at may tatlong anak. Iniwan ako ng kinakasama ko at itinakwil pa ng sarili kong mga magulang. Kaya naman mag isa kong binubuhay ang tatlo kong maliliit na anak.
Tanging pa ngangalakal, pag titinda ng mga gulay, pag kukulikta ng kaning baboy ang trabaho. Kung misan ay nag tumatanggap din ako ng labada. Para kumita ng perang maipang bibili ko ng gatas at pag kain naming mag ina. Labing apat na taon lamang ako ng mabuntis ako at kasabay noon ang pag takwil sa akin ng mga magulang ko. Kaya naman sumama ako kay peterson na ama ng mga anak ko. Pero kasamaang palad ay iniwan ako nito at ipinag palit sa iba. Kaya mula noon ay mag isa ko nalamang na binubuhay ang mga anak ko.
πππππππ
Sana po magustuhan nyo ang story ko.
Salamat. π
