Kabanata 7 #haliksapisngi

1140 Words
Althea's POV: Katatapos lamang naming magdasal para sa 3 o'clock habit at heto nandito ako sa paborito kong lugar dito sa bahay ampunan... sa garden. Napakaraming namumulaklak na mga halaman dito kaya naman nalilibang ako sa katitingin sa mga ito. Nakakawala rin ng stress ang ganda ng paligid. Tahimik akong nakatulala sa isang bulaklak nang may marinig akong yapak na paparating. Napalingon ako at nag taka ako kung bakit nandito na naman ang lalaki na ito!? Parating palang sya ngunit kita ko na na tila lumaki yata ang kaniyang katawan. I mean macho na s'ya dati pero bakit parang mas naging macho yata s'ya ngayon at parang pagod na pagod ang itsura niya but still guwapo at yummy pa rin! Ooppsss! "Hi, Althea! For you!" bati ni Angelo sa akin sabay abot ng bulaklak. Napakunot naman ang aking kilay at hindi ko kinuha ang binibigay niya. "Para saan iyan? Madre ako, remember?" mataray kong saad. Tila nadismaya naman ni Angelo sa sinabi ko at nakita ko ang lungkot na gumuhit sa kaniyang mukha. "As friends?" tila nahihiya pang saad nito. Huminga muna ako ng malalim at nag isip bago ko tinanggap ang roses na binibigay niya. White roses iyon kaya naman na touch ako. Parang sincere nga ang pakikipag kaibigan niya. "Thanks!" maikli kong saad saka ko siya nginitian. Hindi naman siguro masama na makipag kaibigan. Nakita ko naman na nag liwanag ang kaniyang mukha. Kita ko ang saya sa kaniyang mga mata nang tanggapin ko ang bulaklak. "Thank you din sa pag tanggap," masayang tugon nito. "Pangungunahan na kita Angelo. Madre ako at hindi ako pwedeng mag entertain ng mga lalaki dahil bawal sa amin ang makipag relasyon. Pero nakikita ko naman na malinis ang hangarin mo na pakikipag kaibigan kaya tinatanggap ko at hanggang doon lang sana tayo. Ok?" paliwanag ko dito. "Malinis ang hangarin ko Althea. Aaminin ko na nadismaya ako nang malaman ko na madre pala iyong babae sa painting na minahal ko. Pero wala akong magagawa dahil siguro hindi nga tayo itinadhana. Kaya kahit kaibigan man lang ay ok na sa akin basta makasama lang kita," malungkot na saad nito. "Marami pa namang babae diyan na pwede mong mahalin eh! Na sa'yo naman na ang lahat ng katangian na gugustuhin ng isang babae kaya makakahanap ka rin ng mas higit sa akin," seryoso kong saad. Kung hindi lang sana ako nasaktan noon baka pwede pa. Natatakot na kasi ako na mabigo muli! Ayoko nang masaktan pa! "Hindi na muna siguro. Basta sa ngayon masaya ako na pinayagan mo na ako na maging kaibigan ka!" nakangiting anito "Maiba tayo Angelo. Bakit parang malaki ang pinag bago ng katawan mo? Bakit parang pagod ka ngayon?" curious kong tanong. "Ha? Ah! Eh! Nag gi-gym kasi ako. Kagagaling ko nga lang ngayon sa gym eh. Wala kasing mapag libangan," sagot nito. "Ahh!" tugon ko naman habang tumatango-tango ako. Pero bakit parang may part sa isip ko na ayaw maniwala sa sagot niya. Pilit kong inaalam kung bakit pero ewan ko ba? Praning lang siguro ako. "Pwede mag tanong?" ani Angelo. "Oo naman! Ano iyon?" sagot ko naman. "Ahm. Bakit ka nag madre?" tanong nito na ikinagulat ko. "Ha? Eh! Wala lang! Parang ito lang iyong tinitibok ng puso ko. Parang mas gusto kong mag lingkod sa Panginoon at gusto kong makatulong dito sa ampunan," pag sisinungaling ko. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kaniya ang totoong rason kung bakit ako pumasok sa kumbento. "Matagal ka na dito?" I mean matagal ka nang naging madre?" tanong ulit nito. "Mag dadalawang taon na. Pagkagraduate ko ng college pumasok na ako dito," tugon ko. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil baka makita niya na nag sisinungaling ako. "Sayang! Hindi man lang tayo nag kita bago ka naging madre. Nahuli pala ako!" anito. "Ganoon talaga! Hindi lahat makukuha natin! Ibig sabihin lang noon ay talagang hindi tayo pwede!" sagot ko naman. Bakit ba kasi hindi talaga kami nag kita noon? Hoy self! Bakit parang nanghihinayang ka rin? "Mag pari na rin lang kaya ako?" pabirong anito. "Huwag!!" sabay-sabay na saad nina Kylie, Daisy at Marivic na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. "At anong ginagawa n'yo diyan?" maldita kong saad sa mga kaibigan ko na akala mo ay hindi madre kung kumilos. "Ha? Ah! Eh! Wa-wala!" natatarantang ani Daisy. "Oo nga! Eh nag hahanap lang kami ng walis. Oo tama! Mag wawalis kasi kami!" palusot namang saad ni Marivic. "Siya nga Althea! Inutusan kasi kami ni Mother Superior na mag walis dito. Oo! Tama! Dito! Dito daw kami mag walis kasi ang dami daw langgam!....Aray! Oh! Ayan! Kinagat na nga ako eh!" natatawa namang sagot ni Kylie at kunwari ay kinakamot ang binti na kinagat daw ng langgam. Pero kilala ko ang mga buladas ng mga ito kaya hindi ako naniniwala. Alam ko na talagang nanonood sila sa amin ni Angelo. "Hay naku! Kayo talaga! Eh kung pag hulihin ko kaya kayo ng langgam at ipakain ko sa inyong tatlo! Huwag ako oy! I know you! Alis!" natatawa kong saad. Natatawa naman si Angelo sa tatlo na hindi alam kung paano mag papalusot. Napatingin ako sa relo ng makaalis ang tatlo. Mag aalas singko na pala! Kailangan kong pumunta ulit sa mansiyon dahil may kailangan akong kunin. "Ahm, Angelo! Sa sunod naman tayo mag usap, pwede? Kailangan ko na kasi pumasok dahil baka mapagalitan na ako ni Mother Superior eh!" pag sisinungaling ko. My God! Masyado na akong maraming kasalanan. Marami na aking kasinungalingang nasasabi kay Angelo! "Ah! Ganun ba? Sige!" ngumiti ito habang nakatitig sa akin. Na guilty naman ako! Alam ko na walang masamang intension sa akin si Angelo pero kailangan kong itago muna ang totoo kong pag katao hanggat hindi ko pa natatapos ang mga kailangan kong gawin. "Salamat sa pag dalaw ah!" sabi ko. "Thank you so much din dahil tinanggap mo ang pakikipag kaibigan ko!" anito. "Ok lang iyon! Alam ko naman na mabuti kang tao!"tugon ko naman. Napangiti ito saka tumayo." Sige! Alis na muna ako dahil baka mapagalitan ka na ni Mother Superior. Sa susunod ulit!" anito saka ako ginawaran ng halik sa pisngi na ikinagulat ko. Hindi na ako nakaimik pa at tiningnan na lamang si Angelo na lumakad paalis. Nang mawala na ito ay saka ko hinaplos ng aking palad ang pisngi ko na hinalikan ni Angelo. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ang mga labi niya sa aking pisngi. "Oyyyy!" "Tulalaley after mahalikan?" "Sarap naman noon!" Saad ng mga kaibigan kong malakas mang asar. Nanonood pa rin pala ang nga ito kahit pinaalis ko na kanina. "Kayo talaga!" saad ko. Kaniya-kaniya namang takbo ang tatlo habang tumatawa. Napailing na lamang ako sa mga ito. Ano itong nararamdaman ko? Bakit kinikilig ako sa simpleng halik sa pisngi na ginawa ni Angelo!? Hindi maaari ito! Ayoko nang mag mahal ulit! Ayoko nang nasaktan ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD