Angelo's POV:
Maaga akong nakatapos ng mga kailangan sa office kaya naisipan kong pumunta sa hacienda Sebastian. Medyo na miss ko kasi ang hacienda eh pati na sina mommy at daddy. Nabungaran ko si daddy na galit na galit habang kausap ang kaniyang mga tauhan.
"Damn! Masyado nang nag Diyo-Diyos-Diyosan ang mga Buenavista na iyan! Talagang inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan para masira ang ating bayan!" galit na galit na saad ni daddy habang nakakuyom ang kamao nito. Kitang-kita ang gigil at galit sa mukha nito para sa mga Buenavista.
Si Raymond Buenavista ang Gobernador ng aming probinsiya dito sa Quezon. Sila ang nag hahari-harian dito kaya nagkaisa ang mga tao na kumbinsihin si daddy na pasukin ang pulitika. Alam kasi ng tao na si daddy lamang ang may kakayanan na kalabanin at pigilan ang kasamaan ng mga Buenavista. Nasisira na kasi ang kagubatan dahil sa illegal na pag putol ng mga kahoy. Ibinabyahe pa sa ibang lugar ang mga troso kung saan malaki ang kita dito dahil napakamahal ng mga kahoy na ito. Kalat na rin ang mga addict at pusher sa amin dahil sa pag laganap ng drugs. Kaya naman kabilaan ang p*****n at rape na ikinakatakot ng lahat lalo na ang mga kababaihan. At sa lahat ng ito ay isa lamang ang itinuturo ng lahat na may kagagawan... Ang pamilya Buenavista! Kaya naman napilitan na rin si daddy na lumaban bilang congresaman at nanalo nga ito. Samantalang gobernador naman ang nilabanan ni Raymond Buenavista dahil alam niya na hindi niya kayang talunin si daddy sa pagka congresaman. Sa kasamaang palad nga dahil sa pera ay nagawa pa rin nitong manalo bilang isang gobernador. Isa kasi ang mga Buenavista sa pinaka mayaman dito sa aming lugar. Sila ang nag mamay-ari ng isa sa pinaka malaking hacienda dito sa bayan ng Lucban Quezon ang Hacienda de Buenavista.
"Dad! Relax! Ano na naman ba ang problema?" bungad ko sabay yakap at halik kay daddy.
"Angelo!"saad ni daddy saka huminga muna ito ng malalim na tila ba pilit na pinapakalma ang sarili."Isang truck ng troso na naman ang ibinaba ng mga tauhan ni Buenavista mula sa bundok! Nauubos na ang mga matatandang kahoy sa bundok na siyang pumoprotekta dito at sa atin mula sa landslide at baha!" inis na saad ni daddy.
"Talagang sagad na kasamaan ng mga Buenavista! Wala na silang pakialam sa nga mamamayan kahit ikapahamak pa ng lahat! Para sa pera ay wala siyang pakialam sa lahat!" inis ko na ring saad.
"Kaya nga noong minsang umulan ay bumaha na sa may mababang parte dito sa atin na noon naman ay hindi binabaha. Paubos na kasi ang malalaking punong-kahoy sa gubat! Kailangan ko nang maaksyunan ang lahat ng ito.
"Dad, just be safe, ok?! Alam kong hindi basta-bastang tao ang mga Buenavista!" paalala ko kay dad. Alam ko na halang ang bituka ni Raymond Buenavista dahil masyado siyang gahaman sa pera. Handa itong ibenta kay satanas ang kaluluwa nito upang manatili ang yaman at kapangyarihan nito sa aming bayan.
"May plano akong naiisip anak at kailangan ko ang tulong mo!" seryosong ani dad.
"Ano iyon dad?"
"Bubuuin ko ulit ang samahan na minsan ko nang binuwag. Kailangan ko ito upang magkaroon ng malakas na pwersa laban kay Raymond Buenavista. Kailangan kita upang pangunahan ang laban kong ito anak. Tulungan mo akong pamunuan ang samahan. Isasabak kita sa training na pinag daanan ko noon sa lolo mo para ihanda ka sa lahat ng laban na susuungin natin. Kailangan mo ang training na iyon upang maging malakas. Alam kong demonyo ang kakalabanin natin kaya kailangan nating maging handa!" ani daddy.
Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Alam ko na hindi basta-basta ang training na pinag daanan niya noon at nalagay sa panganib ang buhay niya habang nag titraining.
"Huwag kang mag alala anak! Ako ang mag tuturo sa iyo!" ani dad.
Napahinga ako ng malalim pero wala akong magagawa dahil hindi ko naman pwedeng pabayaan si daddy sa laban na ito.
"Ok, dad! Maaasahan mo ako sa laban mong iyan. alam ko naman na hindi lang ito laban ng pamilya natin kundi laban na din ito ng ating bayan! Handa ako sa lahat dad!" saad ko naman. May pag aalinlangan man ngunit hindi ko dapat hayaan na madaig ako ng takot. Kailangan kong maging matatag dahil walang ibang tutulong kay dad kundi ako!
"Thank you son! Alam kong maaasahan kita!" ani dad saka ako tinapik sa balikat.
"Seryoso ka Edward? Ipaparanas mo sa anak natin ang hirap na naranasan mo noon?" tila galit na bungad ni mommy. Hindi na namin namalayan na nakikinig na pala si mommy sa aming usapan dahil sa sobrahan seryoso ng aming pag uusap ni daddy.
"Mom!" saad ko saka ko siya nilapitan. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi bilang pag lalambing sa kaniya.
"Diane, babe! Sana ay maintindihan mo ako. Ito ay hindi lamang para sa atin kundi para sa buong bayan ng Quezon!" paliwanag ni daddy.
Iyon ang nagustuhan ko sa aking mga magulang. Kahit tigasin si daddy ay may takot siya kay mommy. Iyon ay dahil sa respeto at pag mamahal niya dito.
"Edward! Alam mong delikado ang training na iyan! Maaaring malagay sa panganib ang buhay ni Angelo! Natatakot ako para sa kaligtasan ng anak natin, Edward!" nag aalalang saad ni mommy.
"Alam ko mahal pero mag tiwala ka sana sa akin. Ako mismo ang mag titraining kay Angelo! Hindi ko hahayaang mapahamak siya. Kailangan niyang matutunan ang lahat nang natutunan ko noon sa lolo mo upang maging matatag siya at malakas sa anumang pagsubok na pag dadaanan niya lalo na ngayon na kailangan naming supilin ang kademonyohan ng mga Buenavista!" nag sisiguro namang saad ni daddy.
"Pero Edward...." nag aalala pa ring saad ni mommy kaya nilapitan ko ito ulit at niyakap.
"Mom, kaya ko po! Nakahanda ako sa lahat! Dapat lamang na dumaan ako sa ganoon upang makaya ko kayong iligtas sa kahit na ano pati na ang ating bayan na unti-unti nang sinisira ng mga Buenavista!" nakangiti kong saad kay mommy.
Naiiyak niya akong tiningnan at hinawakan ang aking pisngi.
"Alam mo naman anak na baby ko pa rin kayo ni Angela hindi ba? Kaya ayoko sana na makita ka o kahit sino sa inyong dalawa ng kakambal mo na nahihirapan o nasasaktan dahil mas doble ang sakit at hirap na nararamdaman ko eh!" umiiyak nang saad ni mommy.
Napangiti ako at lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
"Thank you so much mommy! That's why na mas gusto kong matuto dahil gusto kong alagaan kayo at ipag tanggol sa kahit na ano. Alam ko kasi na hindi basta-basta ang susuungin namin ni daddy eh. Mag tiwala ka na lang sa amin mom! Promise hindi ako papayag na mapahamak ako para sa inyo!" saad ko at itinaas ko pa ang aking kamay na parang nanunumpa.
Napahinga si mommy ng malalim sa sinabi ko.
"Sige na nga! May tiwala naman ako sa inyo eh. Basta Edward, huwag na huwag mong hahayaan na mapahamak ang ating anak ah!" ani mommy.
"Promise! Gagawin ko siyang matapang at malakas at ligtas na matatapos ang training!" nakangiti namang saad ni daddy.
Nag alinlangan man ay kailangan ko na rin lang mag tiwala kay daddy lalo na sa aking sarili.