Kabanata 5 #SakitNgKahapon

1469 Words
Makalipas ang ilang araw, naisipan kong dalawin si Althea. Ipaparamdam ko sa kaniya na gusto ko siyang maging kaibigan. Hindi ko man matanggap ngunit hanggang doon na lang talaga siguro kami dahil hindi na siya pwede pang ligawan dahil isa na siyang madre. Malayo pa ako ay may nakita akong isang bulto ng tao sa pader na tila bumababa mula sa mataas na pader. Bumaba ako ng kotse at lihim akong lumapit sa tao na iyon dahil inaakala ko na isa itong mag nanakaw. Sakto nakalapit ako nang makababa siya at hinawakan ko siya sa braso. Mabilis kong nailagay ang dalawang kamay nito sa kaniyang likod. "Ahhh! What the?!" nasasaktan nitong saad. Nalaman kong babae ito nang ito ay mag salita base sa boses nito. "Ang lakas ng loob mong mang ak...." naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang mukha nito. "A-Althea?" nag tataka kong saad. "Angelo? Ano ba? Ang sakit noon ah!" masungit na saad nito. "Ano bang ginagawa mo? Bakit diyan ka dumadaan? Pwede namang dumaan sa gate ah?!" buong pag tataka kong tanong. "Dadaan ako doon para mapagalitan ako? Hindi mo ba nakikita na hindi ako nakasuot ng damit pang madre?" inis na sagot nito. "Bakit nga kasi ginagawa mo ito?" hindi makapaniwala kong tanong. "It's none of your business!" galit na saad nito habang nakabusangot. "Saka pwede ba bitawan mo ako! Nasasaktan na ako!" inis na inis nang saad nito habang nag kakawag. Binitawan ko naman ang kamay nito. Marahan niyang hinilot-hilot ang kaniyang braso. Namumula ang braso nito at bakat ang aking mga daliri. Nakadama ako ng awa ng makita ko iyon. "I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Akala ko kasi magnanakaw ka eh," nahihiya kong pag hingi ng paumanhin. Hindi ito sumagot at inirapan ako at saka ako tinalikuran. "Wait! Where are you going?" tanong ko dito habang hinahabol ang mabilis nitong pag lakad palayo. "Wala kang paki!" inis nitong sagot. Kakaibang madre naman ito! Ngayon lang ako nakakita ng madre na nagagawang umakyat sa mataas na pader ng bahay ampunan para lang makatakas! Nahihiwagaan ako sa babae na ito ah! "Ihatid na kita! May dala akong kotse!" alok ko dito ngunit parang wala itong narinig at tuloy-tuloy lang sa pag lakad "Hey! Althea! Are you deaf?" tawag ko dito habang patuloy pa ring sumusunod. Tumigil naman ito at nakapamaywang na humarap sa akin. "Look! Mr. Sebastian! May kailangan akong puntahan ngayon na napakahalaga! Mas mahalaga pa sa pakikipag usap ko sa iyo ngayon! Nasasayang ang oras ko! Alam mo ba? Kaya pwede tantanan mo na ako dahil hindi ako sasakay sa kotse mo!" galit nang saad nito saka tumalikod at patuloy na lumakad. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lamang siyang makalayo. Nahihiwagaan ako sa babae na iyon! Madre siya pero bakit ganoon ang ginagawa niya? Binalewala ko na lamang ang lahat at nag pasya na akong bumalik sa aking kotse at nag pasya na lamang na pumunta sa opisina. Althea's POV: Napahinga ako ng malalim ng makalayo ako kay Angelo. "Huh! Muntik na ako doon ah! Nakakahiya! Nakita niya pa talaga ako na umaakyat sa pader! My God! Hirap naman kasi ng kalagayan ko!" bumubulong-bulong kong saad habang patuloy na nag lalakad. Patungo ako ngayon sa aming hacienda sa kabilang bayan. Na mimiss ko na kasi sila mommy eh. Mag iisang buwan na rin ng huli ko silang makita mula nang pumasok ako sa bahay ampunan. Kami ang may ari ng pinaka malaking hacienda sa Tiaong Quezon na pangunahing nag susupply ng bigas sa buong Quezon. Halos kalahati ng aming hacienda ay palayan at ang kalahati naman ay niyugan. Kami ang nag mamay-ari ng hacienda Buenavista na kilalang-kilala sa buong Quezon. Nag iisa akong anak na babae, kaya nang mag pasya ako na mag madre at pumasok sa bahay ampunan ay ikinalungkot ito ng aking mga magulang ngunit wala silang magagawa dahil ito ang gusto ko mula ng mabigo at madurog sa una kong pag ibig. Napaluha ako ng maalala ko ang sakit ng ginawa sa akin ni Dylan, ang aking fiancee. Ang lalaki na nag paint sa akin. Naalala ko noong pinipaint niya ako. Flashback: Nakangiti siya habang pinipaint niya ako. Ako naman ay masayang-masaya dahil ako ang napili niya na ilaban sa isang pamosong contest ng mga artists. "Alam ko na ako ang mananalo honey!" masayang anito habang nakatutok ang mata sa canvass saka titingin sa akin. "Talaga? How did you say that hon?" kinikilig kong saad. "Dahil puso ko mismo ang gumagawa at ang nagpipaint. Dahil sa sobrang pag mamahal ko sa iyo! Alam ko na magiging perfect ang kalalabasan nito hon!" anito na tila ba kumikislap-kislap pa ang mga mata. Talagang kitang-kita ko na mahal na mahal niya ako. "Ayyyyy! Love mo talaga ako hon! That's why I love you too soooooo much!" naluluha kong saad habang nakangiti. Tumingin ito sa akin at ngumiti saka nag patuloy sa pag pipaint. Ilang oras ang lumipas nang matapos ang kaniyang painting ay namangha ako dahil talaga namang napakaganda ko sa painting at para bang buhay na buhay ang painting na iyon, lalo na ang mga mata na tila nangungusap. Napakaganda talaga. "Ang ganda hon! Ang galing mo talaga!" tuwang-tuwa kong saad saka ko siya niyakap ng mahigpit. Kagagaling niya lang sa labas dahil may kinausap siya sa telepono. Ngunit naramdaman ko na hindi niya ako niyakap at nakatayo lamang siya at walang imik. "May problema ba honey?" nag aalala kong tanong. Hindi siya makatingin sa akin at tumalikod pa siya at humarap sa bintana. "Althea," anito saka muling humarap sa akin at hinawakan ang aking kamay. I love you alam mo iyon!" anito na seryosong-seryoso. Kinabahan ako at nakadama ng takot dahil sa kakaibang ikinikilos niya ngunit nanatili akong walang imik habang nakatitig sa kaniyang mga mata na parang naiiyak. "May natanggap akong tawag kanina mula kay Bernadette. You know her, right?" tanong nito. Tumango ako dahil kilala ko si Bernadette. Siya iyong childhood bestfriend niya na kasama niya palagi at bestfriend niya pa rin hanggang ngayon na madalas kong pag selosan dahil sa sobrang sweetness nila sa isa't-isa. "She's pregnant and I...... I am the.....f-f-... I am the f-father," nauutal-utal nitong saad na tila hindi alam kung paano sasabihin. "Im sorry hon! Natukso lang ako! But I need to.... I need to m-ma-rry her para sa magiging anak namin!" naluluha nitong saad habang nakatungo. Halos pumutok ang aking tainga at maging buong pagkatao ko sa aking narinig. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko at dumapo iyon sa kaniyang pisngi. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko ngunit nanatili itong nakatungo na akala mo ay maamong tupa. "How dare you, Dylan! Bakit mo pa ako inalok ng kasal gayong siya pala ang mahal mo?" galit kong tanong. "No! Ikaw ang mahal ko Althea! Natukso lang ako saka lasing lang kami pareho ng mangyari iyon! Aksidente lang ang lahat! Mahal na mahal kita!" paliwanag nito "s**t na pag mamahal iyan! Kung mahal mo ako, mahal mo ako at hindi ka mag papadala sa kahit na anumang tukso! Ginusto mo iyon at hindi iyon isang aksidente lang! Nangyari iyon dahil ginusto n'yo! Huwag n'yo nang sisihin ang alak dahil wala siyang kinalaman sa kalandian ninyo! Bagay nga kayong dalawa kaya mag sama kayo! Mga hay*p kayo! Mag sama kayo sa impiyerno! Mga manloloko!" galit na galit kong saad saka ako mabilis na lumabas ng kuwarto at malakas na isinara iyon. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin ngunit bingi na ang tainga ko sa lahat ng kasinungalingan niya! Nang makalabas ako ay saka ko ibinuhos lahat ng sakit at luha dahil sa panloloko nila sa akin. Minahal ko siya nang higit pa yata sa sarili ko. Ang kulang ko lamang ay kailanman ay hindi ko binigay sa kaniya ang aking pag kababae dahil mahalaga pa rin iyon sa akin. Kaya siguro nag hanap siya ng iba na mag pupuno ng pag kukulang ko! Tama! Bagay nga silang dalawa dahil pareho sila! Puro kamunduhan lang pala ang mahalaga sa kanilang dalawa! End of flashback: "Miss ok ka lang?" tila nag aalalang tanong ng taxi driver sa akin. Nakita siguro nito ang pag iyak ko. Hanggang ngayon kasi ay talagang napakasakit pa rin ng ginawa nila sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang lahat dahil naniwala ako na mahal niya ako. "Ok lang po ako manong!" sagot ko dito. Nag patuloy naman si manong sa pag da-drive dahil medyo malayo pa ang aming hacienda. Mula noon ay nangako ako na hindi na mag mamahal at mag titiwala ulit kaya nag pasya akong mag madre para may pag tuunan ako ng pansin. Ilalaan ko na lang ang aking sarili sa Diyos at sa mga bata sa bahay ampunan. Isinara ko na ang aking puso para sa pag ibig na dumurog sa aking buong pagkatao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD