Ngayon ang enrollment sa saint dominique kaya naman lahat ng tao ay matyagang naka pila, sinadya ni prey na maagang pumila para makapag enroll sa school, dahil sa ilang taon na pamamalagi niya sa saint dominique ay batid niya ang dami ng studyanteng nag e-enroll taon-taon.
Ngunit pag punta niya sa cashier ay hindi pala siya ang na unang dumating kaya naman hindi na siya umalis sa pwesto upang hindi masingitan sa pagbabayad ng enrollment fee nila, hindi full time ang scholarship ni prey, dahil rumaraket sya sa karinderia ng kaibigang si elise, mabuti na lang at pumayag ang eskwelahan nila, dahil dalawa lang ang upuan sa labas ng cashier ay nag desisyon na lang siyang tumayo, buong buhay nya kasi sa eskwelahang iyon ay panay iwas sa mga tao ang ginagawa niya, natatakot kasi siyang bulihin ng mga ito, naranasan na kasi niya ang mabully noong nasa grade school pa siya, kasalukuyang ginagamot ang astigmatism niya ng mga panahon na iyon kaya naman nakasuot siya ng malaking salamin at dahil hiwahiwalay ang mga ngipin niya ay pinalagyan siya ng lola niya ng brace upang magpantay daw ang mga ngipin niya at hindi na mag hiwahiwalay, kaya betty la fea ang tawag sa kanya ng mga classmate.at school mate noya, ang lola clara nya ang nag paayos ng ngipin niay at ito lang ang niya ang tanging meron siya dahil maagang nag hiwalay ang mga magulang niya, dalawang taon pa lang siya ay ang lola clara niya na ang mag isang bumuhay sa kanya, kaya naman bilang ganti ay pinag iigihan niya ang kanyang pag aaral.
" Ohh andito na pala si prey eh!!, ohh prey alam mo na huh!!". Anang kaklase niyang si gerlin, si gerlin ay klasmate niya noong nasa elementary pa lang siya, madalas siya nitong ipahiya at utus-utusan may mga kasama din itong mga bully sila matilda at hilda ang kambal na kampon ni gerlin.
" Oo nga prey, ito yung reg form namin oh!!, ikaw na bahala diyan huh!!, pag hindi ka pumayag humanda ka samin". Ani hilda kay prey, naagaw naman ang atensyon nila ng magsalita ang lalaking nasa unahan ni prey.
" Opps bawal singit mga miss, hindi na tumatanggap si cashier ng multi transaction saka nakakahiya naman sa mga kanina pa naka pila sa likod, umaga palang andito na sila tapos kayo kararating nyo lang gusto nyo kayo agad ang nasa unahan hindi naman yata tama iyon". Anang lalaki sa unahan ni prey, dahil sa lakas ng pagkakasabi nito ay nag react na din ang mga nasa likod ng mga ito.
" Oo nga hindi pwede yung ganyan, na una pa kami sa inyo dito, naku!! miss wag kang papayag ma mimihasa yang mga yan.". Anang babae sa likod ni prey, labag man sa loob ni prey ang nais ng mga kaibigan ay pumayag na siyang mag paubaya sa pila niya.
" Ok lang sila na lang palit sa pila ko, ako na lang pipila sa likod". Ani prey.
" Hindi naman ako papayag niyan miss, knina pa tayo dito naka pila halos ugatin na nga yang mga paa mo kakatayo mula kanina, tapos mag papaubaya ka lang sa kanila". At kinuha nito ang papel na hawak ni prey at ibinigay sa cashier upang ma una na sa pagbabayad.
" Ate paki una ito, na una po itong pumila saakin kaanina, kaya paki una na po ito". Anang lalaking maamo ang mukha, wala ng nagawa pa ang magkakaibigang gerlin, matilda at hilda kaya naman pumunta na ito sa likod upang pumila, at dahil late na itong dumating ay sa pinaka huli na ito napunta.
Matapos maka pag bayad ay ibinigay na ng lalaki ang papel ni prey sa kanya.
" Next time miss wag mong hahayaang kayan-kayanin ka ng mga iyon, kaya dumadami ang mga bully eh!, dahil hinahayaan niyong mabully kayo". Anito kay prey, wala naman nagawa ang dalaga kundi ang mag yuko nalang ng ulo nito.
" By the way im crade nga pala, ikaw si preyius diba?". Masayang pagpapakilala nito sa dalaga, nag angat na ito ng tingin at ngumiti sa lalaking kaharap.
" Paano mo nalaman?". Ani prey, itinuro naman ng binata ang hawak na register form nito.
" Same lang ba tayo ng section?". Ani crade kay prey.
" Section 1 ka rin ba?". Balik na tanong naman ni prey kay crade.
" Hindi eh!!, pero magkatabi lang tayo ng room, at pareho tayo ng oras, dahil varsity player ito kaya kasama din nito ang iba pang mga varsity player ng eskwelahan nila.
" Tara kain na muna tayo prey, kanina pa kasi tayo nag hihintay mag bukas ang cashier eh!!, kaya nagutom na ako, dont worry its my treat". Anang binata nagulat pa si prey ng bigla itong umakbay sa kanya papunta sa labas ng gate, may mga kainan na masarap sa labas ng school nila, meron din ice cream parlor at may mga pizza at pasta din, dun siya dinala ni crade sa ice cream parlor at doon sila umorder ng carbonara at milk shake na may ice cream on top.
" Diba sa saint terese ka nag elementary?". Anang lalaki kay prey.
" Yes, doon ka din ba?". At tumango naman si crade, dahil hindi naman sila naging mag classmate doon kaya hindi alam ni prey na schoolmates sila since grade school.
Panay lang ang titig ni crade sa mukha ni prey, mababakas sa mukha ng binata ang kuryosidad, sa kung anong meron sa mukha ni prey.
" Pwede makita kung gaano kataas ang grado ng salamin mo?". At kinuha na ni crade ng walang pasabi ang salamin sa mata ni prey, ngunit nag taka siya ng makita na wala namang grado ang salamin ni prey, sinuot pa nito kunwari at nag panggap na nataasan sa grado ng mata nito, kinakaban namang ngumiti si prey sa kaharap na si crade, ang totoo kasi ay wala namang grado ang mata niya, pinili nya nalang magsuot ng salamin upang mag mukha siyang nerd para iwasan ng mga tao, hindi kasi siya sanay na maki social life, sa katunayan niyan ay isa lang ang kaibigan niyang lalake, at dalawa lang din ang kaibigan niyang babae, maliban pa sa staff ng school nilang si janeth ay wala na siyang maituturing na malapit na kaibigan.
Bago ibalik ni crade ang salamin ni prey ay pinakatitigan na muna niya ang dalaga, lalo itong gumanda ng matanggalan ng salamin, simple lang itong manamit walang kulorete ang mukha pero sadyang mapupula ang mga labi nito, binalik na ni crade ang salamin ng dalaga upang hindi nito mapansin ang pagka tulala niya sa kagandahan nito.
" Saan ka nga pala nakatira baka kasi nadadaanan ko lang ang bahay mo at pwede na kitang isabay sa bike ko. Since pareho naman tayo ng oras ng klase.
Nagdadalawang isip si prey kung sasabihin niya ang address sa binata, naisip din nya na baka iba ang way nito at hindi nito madadaanan ang bahay nila kaya sinabi niya na rin sa binata.
" Sa may harison compound kami nakatira, ikaw ba?". Balik na tanong niya sa binata.
" Sa road 5 lang kami, kita mo!! pwede kitang isabay sa pag b-bike ko may angkasan naman yun sa likod eh!!, medyo malayo din pala ang bahay mo, tamang tama ". Biglang pinag pawisan ng malamig si prey sa isiping iisang direksyon lang pala ang bahay nila, mas lamapit nga lang siya ng kaunti kesa sa bahay nito, akala pa naman niya ay mahihindian niya ito dahil sa pagkaka iba nila ng dereksyon ng uuwian.
" Sa monday huh!!, dadaanan kita sa bahay niyo ahh!!, para hindi kana mag lalakad pa nakakatakot pa naman umalis ng bahay sa umaga, lalo na babae ka pa naman". Ani crade sa kanya kaya naman kahit labag sa loob niya ang inaalok nito ay pumayag na din siya, isang beses kasi siyang may naka salubong na lasing sa daan, naglalakad siya papasok sa paaralan nila, akala niya ay gegewang gewang lang ito dahil sa kalasingan yun pala ay sa direksyon niya ang puntirya nito, at akmang hahawakan na siya ng lasing sa dib-dib, mabuti na lamang at may lalaking tumulak dito palayo sa kanya kaya napa subsob ito sa daan, kaya sinamantala niya na ang pagkakataon na iyon at hindi na nagawang lingunin ang lalaking tumulong sa kanya upang mag pasalamat dali-dali na siyang kumaripas ng takbo.
" O..ok si..sige". Pilit niyang tugon dito, nag tataka naman siya kung bakit mabait ito sa kanya gayung halos lahat ng mga schoolmate niya ay iwas na iwas makipag usap sa kanya.
Pag uwi ay isinabay na din siya ni crade sa likod ng bike nito, natuwa siya ng maisip ang palabas na endless love na koren novela, ganito din ang bike ng bidang lalaki sa likod nito naka angkas ang bidang babae.
Nang malapit na sa bahay nila ay pinahinto nya na ito upang bumaba na siya, iniiwasan niya kasing may makakita sa kanilang kapit bahay, baka kasi mag sumbong ito ng mali sa lola niya at maging dahilan para pagalitan siya ng lola niya, usapan kasi nila ng lola niya na mag aaral muna siya at magtatapos ng college bago mag boyfriend.
" Dito na lang ako, maraming salamat nga pala sa meryenda at sa pag hatid mo sakin dito, pasensya kana kung hindi na kita ma aanyayahang pumasok sa bahay namin mga chismosa kasi mga kapit bahay namin dito eh!". Ani prey kay crade at naintindihan naman ito ng binata kaya hindi na din ito nag tagal at nag paalam na para umuwi.
Dahil ilang araw na lang ay magpapasukan na kaya naman binasag na ni prey ang alkansya niyang biik, simula noong bakasyon ay hinuhulugan niya na ito ng perang kinikita niya sa pagiging serbidora sa karinderya ng kaibigan niyang si elise, isa ito sa maituturing niyang kaibigan maliban kay jon at janeth, tuwing bakasyon ay dito siya nag tatrabaho upang makaipon ng pangdagdag sa pambili ng kailangan niyang gamit sa eskwelahan, dahil 150 ang sahod niya sa pagiging serbidora ay hinahati niya ito upang ihulog sa alkansya niyang biik, ang naipon niyang 3,750 ay ibibili niya ng gamit sa eskwelahan, ang natitirang 3,750 naman ay ibibili niya ng uniporme at ang iba ay ipang babaon niya sa eskwelahan sa pasukan.
Matapos makuha lahat ng laman ng alkansya ay nag paalam muna siya sa kanyang lola clara upang mamili ng mga notebook at ballpen na gagamitin niya sa pasukan, matapos niyang maligo at magbihis ay humalik na siya sa abuela, pag labas ng gate ay matyaga na siyang nag hintay ng jeep na sasakyan papunta sa mall na malapit sa kanila, ilang saglit lang at may huminto na sa tapat niya at agad naman siyang sumakay dito.
Makalipas ang ilang minuto ay narating niya na ang entrada ng mall na pag bibilihan ng mga gamit na kailangan niya.
Pag pasok ay agad niyang tinungo ang national bookstore, nag paikot-ikot muna siya sa loob upang mag hanap ng murang mga kwaderno at ballpen, kumuha din siya ng plastic cover at pentel pen, pati narin ng colored paper na ipang cocover niya sa color coding ng notebook nila.
Matapos ma kompleto ang mga kailangan ay umakyat naman siya sa itaas na bahagi ng mall upang tumingin ng sapatos at medyas na puti.
Sa dami ng tao ay halos hindi siya makadaan ng maayos, dahil kumpulan sa mga lugar na may naka display na sale, dahil sale din ang hanap niya kaya naman nakipag siksikan din siya sa kumpulan, matapos makuha ang disenyo ng sapatos na gusto niya ay agad niya naman tinungo ang mga medyas na sale, may nakita siyang buy one take one, pag sinuma nya lahat ng medyas ay magiging walo lahat ng pares na iyon, kung tutuusin ang dalawa lang naman ang nais niyang bilhin upang idagdag lang sa mga medyas niya, kinuha nya ang buy one take one upang silipin ang presyo ngunit laking gulat niya ng mahawakan niya na ito ay may iba ding napahawak dito, nanlaki ang mga mata niya ng pagkatitigan ang isa pang nakahawak dito, nagtaas na lang siya ng tingin ng marinig niyang tinawag nito ang pangalan niya.
" Prey!!". Anang boses lalaki.
" Ohh!!, crade ikaw pala yan".
" Kukunin mo ba itong socks na ito?". Ani crade sa dalaga.
" Ha!!, eh!! Ang mahal eh!!, dalawang pares lang naman ang kailangan ko eh!!," ani prey kau crade.
" Mura na ito 8 pairs pa oh!!". Pag pipilit pa ni crade.
" Ha!!, eh!!!". Tanging tugon ni prey.
" Oh!! Kukunin ko na ito ahh, pero sa iyo na yung take one nito, para matchie-matchie tayo". Tuwang tuwang turan ni crade na parang binabae kung gumalaw, kaya naman wala ng nagawa si prey kundi ang tumango na lang, dahil 400 ang halaga ng nasabing medyas ay makikihati na lang siya sa presyo, kaya naman ng babayaran na nila ay inabutan niya si crade ng 200 pesos.
" Ohh!!, para saan ito?". Kunot noong tanong no crade.
" Ahhh!!, para sa medyas iyan diba sabi mo, saakin yung take one". Nakangiting saad ni prey.
" Yes, pero hindi mo na kailangan bayaran pa yun". Ani crade.
" Huh!!, bakit hindi ko babayaran?? Nakakahiya yung ganun". Ani pa ni prey, at panay panay iling ng ulo at kamay nito.
" Ok lang yun!! Diba sabi ko nga gusto ko matchi-matchi tayo". At inulit nanaman nito ang kilos baklang galaw.
" Si...sige na nga ". Matapos nilang bayaran ay isinilid na ni crade ang naturang bagay sa mga dala ni prey at si crade na ang nag buhat, nahihiya man si prey ay wala na siyang ginawa dahil mapilit si crade kaya naman nag patianod na lang ito sa binata.
" Nabili mona ba lahat ng kailangan mo?" Ani crade.
" Oo ok na ito, sa susunod na lang yung iba". Ani prey.
" Bakit ano pang kulang mo?" Kuryosong tanong nito sa dalaga.
" Ahhh, wala na, ok pa naman yung mga shorts at panloob ko eh!!". Ani prey sa binata at nag yuko na ng ulo.
" Kung kulang ang mga kailangan mo, pwede naman kitang pahiramin ng pera, bahala kana kung kailan mo bayaran". Alok nito sa dalaga na lalong nag payuko sa ulo ng dalaga.
" Wa.. wala na talaga akong ibang kailangan ok na ito". Pasubali ni prey sa alok ni crade, pwede pa naman niya pag tyagaan ang mga panloob niya, sa susunod na lang siya bibili pag nakaipon na siya ulit.
" Ok sige sasusunod na lang din ako bibili para may kasabay kang bumili". Nakangiting saad nito at niyakag na si prey upang kumain ng tanghalian, nahihiya man si prey pero gaya ng dati ay wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang pagkaing inilibre sa kanya ni crade, matapos kumain ay inaya naman siya nitong manood ng sine, tulad parin sa pagkain ay ito parin ang nag bayad kaya naman wala ng nagawa si prey kundi ang samahan itong manuod ng sine.
Sa loob ng sinehan ay maraming nakitang nag lalampungan si prey, hindi man niya gusto ang nakikita ay wala naman siyang magawa kaya buong atensyon niya na lang pinanood ang palabas.
Dahil nakatuon ang atensyon ni prey sa pinanonood ay malayang napag mamasdan ni crade ang magandang mukha ni prey, kung maganda ito sa malayuan ay mas maganda pala ito sa malapitan, hindi hadlang ang malaki nitong salamin sa mata upang makita ang kagandahan nitong taglay.
Maya-maya pa ay hindi na namalayan ni prey na nakatulog na pala siya, marahil sa sobrang pagod nito, araw-araw kasi itong maaga gumigising upang maagang maka pasok sa karinderyang pinapasukan nito tuwing bakasyon.
Hinayaan lang ni crade na makapag pahinga si prey, madalas kasi nitong nakikita ang dalaga sa karinderia ng kaibigan niyang si elise, si elise ang best friend niya na kasalukuyan nililigawan ng kababata niyang si jon na ka team mate niya sa basketball sa school nila.
Pagkatapos nilang manuod ay namalayan na lang ni prey na may mga matang naka masid sa kanya, kaya naman nag mulat na siya ng mga mata, namalayan na lang niya na naka bukas na ang ilaw ng sinehan at iilan na lang ang mga tao sa loob.
" Sorry, nakatulog pala ako". Ani prey kay crade.
" Ok lang yun, ang cute mo nga matulog eh!!". Ani crade.
" Tara na uwi na tayo, baka hinahanap na din ako ni lola clara". Yakag nito kay crade.
Sumabay na siya kay crade sa pag uwi, si crade na din ang namasahe sa kanya pauwi, mag boboluntaryo pa sana itong ihatid siya sa bahay nila pero tumanggi na siya, ito kasi ang mauunang bumaba ng sasakyan kaya pina una niya na itong bumaba, at nakatanaw lang ito sa kanya hangang maka alis ang kinalululanan niyang jeep.