Unang araw ng eskwela

2430 Words
Tulad ng nakagawian ay maagang nagising si prey upang hindi mahuli sa unang araw ng pasukan, pagkatapos maligo nag saing muna siya at nag pirito ng babaunin, matapos nun ay nagbihis na siya, papaalis na siya ng gisingin niya ang kanyang lola clara upang mag paalam dito, pag labas nya ng bahay ay madilim pa ang kalangitan, kaya naman dumeretso na siya mag lakad palabas ng gate, nagulat na lang siya ng may tumawag sa pangalan niya, nawala kasi sa loob niya ang usapan nila ni crade. " Good morning prey". Masayang bati nito sa dalaga. " Good morning". Masayang tugon nito kay crade. At dahan-dahan na itong sumakay sa likod ng bike ni crade, pag dating sa eskwelahan ay mangilan-ngilan pa lang ang estudyanteng pumapasok, ipinarada muna ni crade ang bike niya at ikinadena nitong mabuti, pagkatapos ay sinamahan siya nito sa magiging classroom niya, sa tabi lang din nito ang magiging classroom ni crade, puro basket ball at volley ball player ang mga kaklase nito, may mga iba ring table tennis player, pinag isa lang lahat ng mga pambato ng kanilang eskwelahan, upang hindi daw mahirapan ang mga ito sa pag papa alam sa mga guro pag may kompetisyon ang mga itong sasalihan sa iba't ibang eskwelahan. " Mamaya sabay tayong mag lunch". Masayang paalam ni crade sa dalaga at hinatid na nito si prey sa tapat ng pinto ng classroom nito. Gaya ng napagusapan ay sinundo ni crade si prey sa classroom nito upang makasabay mag lunch break. " Lets go prey". Ani crade sa dalaga. " Ano kasi crade, may baon akong kanin eh!!". Nahihiyang turan ni prey sa binata. " Lika sa baba na natin kainin yang baong mong kanin, dagdagan na lang natin yan ng kanin at ulam mukhang masarap pa naman yang baon mo". Masayang yakag nito kay prey. Sa loob ng canteen ay marami ng estudyante ang kumakain, nahihiya man si prey sa dalang baon ay wala na siyang nagawa kundi doon ito kainin, bumili na lang siya ng inumin sa canteen, mag isa lang siyang nakaupo sa lamesang napili ni crade para sa kanila dahil kasalukuyan itong bumibili ng kakainin nito, maya-maya ay may grupo ng kalalakihan ang lumapit sa kanya kasama niyo ang dating kaklaseng si gerlin, matilda at hilda. " Ohhh, look who's here?, himala yata at sa canteen na kumakain ang nerd na si prey". Nagtawanan naman ang mga kasama nito, hindi pa ito nakuntento at sinubukan pa nitong palayasin si prey sa kinauupuan nito. " Hindi kaba nakakahalata prey??, wala na kasing maayos na mauupuan pwede bang lumipat ka nalang dun sa sulok, para maitago mo ng mabuti yang sarili mo sa mga tao". Pagpapaalis pa nito kay prey. Akmang tatayo na sana si prey ng hawakan siya ni crade sa braso, hindi niya namalayan ang pag dating nito dahil okupado ni gerlin ang isipan niya. " Excuse me, nauna kami dito maliit lang naman ang pwestong nakuha namin bakit hindi kayo maghanap ng pwesto na kakasya kayong anim". Matapang at ma awtoridad na saad nito, na ikina gulat ng grupo nila gerlin. Nanglalaki naman ang mga mata ng mga lalaking kasama ni gerlin ng makilala si crade. " Captain ikaw pala yan". Anang lalaking kasama ni gerlin, at napakamot ito sa batok sa pagkakahiya sa ginawa ng kasama. " bakit hindi kayo mag hanap ng malawak na pwesto doon, may nakita pa akong bakante doon sa dulo, saktong-sakto yun sa inyong anim".ani crade sa mga ito, habang naka tongin kay gerlin. " O.. oo nga naman guys doon na lang tayo tahimik pa doon, for sure makaka kain pa tayo ng maayos dun". Anang kasama nila gerlin at nag paalam na ang mga ito sa kanila. " Bakit ganun yung mga babaeng yun sa iyo?". Alalang tanong ni crade kay prey. " Huh!!, dati ko kasi silang mga classmate, sa akin lang kasi sila dumedepende sa exam at assignment, dahil na una akong mag bayad kaya hindi kona sila naging classmate, kaya ganun siguro sila". Paglalahad ni prey. " Kasi nga pinamihasa mo sila, hayaan mo mula ngayon hindi kana nila ma aapi". Ma prinsipyong pag kakasabi nito, at nag patuloy na sila sa pagkain. " Lagi ka bang nag babaon ng kanin?". Usisa pa nito sa dalaga. " Oo lagi akong nag babaon ng pagkain, para maka tipid ako, kaya maaga akong nagigising". Ani prey. " Mag babaon na din ako ng pagkain para may kasabay kang kumain, mas busog pa pagkainin ang baon". At ngumiti ito sa dalaga, parang natunaw ang pakiramdam ni prey ng mga oras na iyon, maganda ngumiti ang binata hindi man ka pani paniwala na ito ang kusang lumalapit at kumakausap sa kanya, dahil sa taglay nitong ka gwapuhan siguradong maraming mga babae ang mag hahabol dito bukod pa sa angkin nitong kagwapuhan ay mabait at matalino din ito, kaya nag tataka sya kung bakit panay ang lapit nito sa kanya. Matapos nilang kumain ay nag pahinga lang sila saglit at umakyat na din sila, gaya ng pag sundo nito sa bahay nila ay hinatid din siya nito sa bahay nila. Lumipas ang ilang buwan na ganoon ang naging daily routine nila tuwing may pasok, naging palagay nadin ang loob ni prey kay crade hindi na siya masyadong nahihiya sa binata at madalas na ito lang ang kasama niya. Tuwing byernes ng hapon at lingo ay halfday si prey sa karinderya at buong araw ng sabado naman ay nag tatrabaho siya sa karinderya upang makakuha siya ng pang baon niya sa buong lingo at pang dagdag niya sa gastusin sa eskwelahan, upang makatulong sa kanyang lola clara, nag tatrabaho kasi ito bilang kasambahay at taga luto sa mga imperial, matagal na itong na ninilbihan sa mga ito, dati itong stay in ngunit ng mag hiwalay ang mga magulang ni prey at iwan ito kay lola clara ay nagpasya na itong mag uwian tuwing gabi, at kasalukuyan silang nakikitira sa pinsan nitong nasa ibang bansa, kaya sila na ang nag silbing caretaker ng bahay nito. Kasalukuyan si prey na gumagawa ng assignment ng biglang may kumatok sa bahay nila, sinilip nya muna ito sa may bintana upang makita kung sino ang kumakatok, laking gulat niya ng makilala kung kung sino ito, kaya naman dali-dali niyang tinungo ang pintuan para buksan. " Crade, anong ginagawa mo dito?". Ani prey dahil sa pagka bigla, nabigla siya sa pagdating ng binata pero natutuwa naman siya sa pagdalaw nito. " Hi prey, dinalhan nga pala kita nito". At itinaas nito ang dalang mga pagkain at maliit na cake. " Pasok ka!!, pasensya kana dito sa bahay medyo luma na kasi ito, nakikitira lang kasi kami dito". Ani prey. Pasimpleng pinagmasdan ni crade ang lugar na tinitirhan ni prey, maayos naman ito may kalumaan nga lang. At walang masyadong gamit kaya maaliwalas ito tignan. " Sinong may birthday?". Tanong nito kay crade. " Ahhh, birthday kasi ng mommy ko madami kasi silang niluto kaya naisipan kong dalhan ka, dinagdagan ko na din ito para masabayan na rin kitang kumain dito, may softdrinks na din akong binili panulak natin, hehehehe". Isa-isa niyang nilabas ang laman ng dala nitong paper bag, may bake mac pepperoni , chicken cordon bleu, kare-kare at beef caldereta, may dala din itong cake at softdrinks. " Salamat huh!!, andami nito". Ani prey, at nag labas na ng mga plato kutsara at baso upang mapagsaluhan na nila ang mga pagkaing dala ni crade. " Ang sarap naman ng mga ito". Masayang komento ni prey kay crade. " Masarap kasi magluto si Mommy". Pasubali nito sa dalaga, ang katunayan niyan ay ang taga luto nilang si nana clara ang nag luto ng lahat ng handa ng mommy niya, matagal na nila itong taga luto mula ipinanganak siya ay ito na ang kinagisnan niyang taga luto sa bahay nila, madalas kasing wala ang mga magulang niya kaya siya lang ang naiiwan sa bahay nila kasama ang ibang mga kasama sa bahay. Matapos nilang kumain ay ang assignment naman ni prey ang hinarap niya, mabuti na lang at tinulungan siya ni crade kaya mabilis niyang natapos ang mga asignatura niya. " Sinong kasama mo rito?". Ani crade sa dalaga. " Ahhh!!, kami lang ng lola ko ang andito". Tugon naman ni prey. " Wala dito yung parents mo? Kapatid ?wala ka bang kapatid?". Muling tanong ni crade. " Wala akong kapatid, yung mga magulang ko naman hindi kona sila nakita, two years old pa lang ako ng iwan nila ako sa lola ko, sabi ni lola naghiwalay daw kasi sila mama at papa matapos nun ay iniwan na ako ni papa sa nanay niya, wala na kaming balita sa kanila eh!". Paglalahad nito kay crade. " Sorry, hindi kona dapat tinanong pa yun". Hinging paumanhin naman nito sa dalaga. " Ok lang yun, masaya naman ako kahit wala akong magulang, mabuti nga at may lola pa ako!!, yung iba dyan walang magulang sa lansangan lang nakatira kaya maswerte parin ako". Ani prey na nakangiti na. " Sabagay tama ka dyan". Pag papalubag loob ni crade sa dalaga, maya-maya pa ay hindi na nila namalayang madilim na pala sa labas, mukhang wala pang balak umuwi si crade kaya nag saing na siya at dinagdagan niya na upang doon na din maghapunan si crade. " Dito kana mag hapunan itong dala mong kare-kare na lang at kaldereta ang ulamin natin". Masayang paanyaya nito sa binata. " Naku hindi ako tatanggi dyan, masaya kaya ang may kasabay kumain". Ani crade, matapos maluto ang sinaing ay nag sandok na din siya at nag hain na upang maka pag hapunan na sila. " Buti hindi ka hinahanap ng mommy mo? Diba sabi mo birthday niya ngayon?" Usisa nito kay crade. " Busy yun sa mga bisita niya, ayoko kasing maki halubilo sa mga bisita ni mommy, marami nanamang ipapakilala saakin yun, pati yung mga kaibigan niya panay reto ng mga anak nila". Hinanaing nito sa dalaga. " Ayaw mo nun??, siguradong magaganda at mayayaman mga kaibigan ng mommy mo". Tanging naitugon ni prey sa binata. " Oo magaganda nga sila, pero hindi ko kasi gusto mga ugali nila, mga ma aarte yung mga anak nun". Anas naman ni crade. " Ahh! Ganun ba, may karapatan naman kasi yata silang mag inarte". Ani pa ni prey. " Hindi din, mas maganda yung simple lang mas nagagandahan ako sa ganun". Natigilan naman si prey sa tinuran ni crade. " Marami ka pa namang makikilalang ganun sa school, hindi naman lahat ng tao dun ma aarte". Ani prey kay crade. " Hindi kona kailangan mag hanap, masaya na ako kung anong meron ako ngayon". Makahulugang saad nito sa dalaga. Matapos nilang kumain nanuod muna sila ng balita, mag aalas otso na ng umalis si crade sa bahay nila, bukod sa dala nitong mga pagkain ay may dala pa itong pasalubong galing ibang bansa, may lotion,pabango,mga chocolates at maliit na wallet ang laman ng paper bag na binigay nito, galing kasing ibang bansa ang mommy nito kaya naman nag pasabay na daw ito ng mga pasalubong upang ibigay sa dalaga, ayaw pa nga sanang tanggapin ng dalaga ang binibigay nito ngunit pinag pilitan ito ni crade ayon dito pinabili nya daw talaga ang mga ito sa mommy niya upang ibigay sa kanya, lihim na kinilig ang dalaga dahil sa ginawa ng binata, sa isiping mas pinili pa nito na makasama siya sa mismong kaarawan ng mommy nito kesa makiharap sa mga panauhin ng mommy nito. ****** Nang makauwi si crade ay lasing na ang mga panauhin ng mommy niya, maging ang mga magulang niya ay ganun din, didiretso na sana siya sa silid upang makapag pahinga na, ngunit nakita siya ng kaibigan ng mommy niya at tinawag siya upang makausap nito. " Hi Crade saan ka galing? Kanina kapa hinahanap ng mommy mo, kasama ko nga pala si francine, francine anak". Tinawag pa nito ang anak upang pumunta sa gawi nila. " Ayan mag usap kayo ni crade, alam mo crade maraming nanliligaw dito sa anak ko, pero sabi ko hindi pwedeng ligawan ito, dahil may na una na sa kanila, kaya crade bilisan mo na ang panliligaw dito, ikaw lang ang gusto ko para sa anak kong ito". Anang kaibigan ng mommy niya. Ayaw nya namang maging bastos kaya hindi na siya sumagot pa, hayagan kasi ang pagka gusto ng dalaga sa kanya, kaya ayaw niya rito, bukod pa doon ay maarte at sosyal na naturang babae, hindi ito katuld ni prey na simple na ay maganda pa, may pagka taklesa kasi ang anak nito at matapobre sa mga kawaksi sa bahay, minsan niya na kasing makita kung paano nito tratuhin ang kasambahay ng mga ito ng sinama siya ng mommy niya sa bahay ng mga ito, binuhusan nito ng malamig na tubig ang kasambahay nito ng di sinasadyang mapatid ito sa paa ng dalaga habang nag sisilbi sa pagkaing inihahain sa kanila, nabigla si crade sa inasal ng dalaga kaya naman nadismaya siya sa asal nito, dahil laging wala ang mga magulang ni crade ay sa kasambahay na nila siya lumaki at nanay perla niya na ang nag alaga at nag palaki sa kanya kaya naman ganun nalang ang turing niya sa mga kasambahay nila, para sa kanya ay pamilya nila ito. Napukaw ang pag iisip niya ng biglang mag salita si francine. " Hi crade i miss you". At humalik ito sa binata habang ang mga kamay ay mahigpit na naka kapit sa mga leeg niya, nais niya sanang tanggalin ang pagkaka kapit nito subalit nag aalala siyang ma out of balance sila at madaganan sya ng babae. Mabuti na lang at nakahalata ang kanyang nanay perla at nakuha nitong tumikhim ng malakas dahil nakaharang sila sa daraanan nito, kaya naman inalis na ni francine ang pagkaka yapos sa leeg niya. " Crade ayusin mo na muna yung nakatambak mong assignment at gamit sa kwarto mo, hindi ko tuloy maipalinis kay lulu ang kwarto mo, itabi mo na muna yun para hindi ka nag hahanap pag kailangan mona". Ani nanay perla at pasimple pa itong kumindat sa alaga, kaya naman nakahanap na siya ng paraan upang maka pag paalam si dalaga, akmang sasama pa sana ito ng tawagin ito ni nanay perla. " Aahhh ma'am francine tinatawag po ata kayo ng mommy nyo". Ani nanay perla na nakaharap kay francine, habang ang mga kamay nito sa likod ay minumwestrahan si crade na umalis na, kaya nag madali na siyang umakyat sa itaas at asinarado ang kwarto, pinatay niya na din ang ilaw ng silid niya upang akalain ni francine na tulog na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD