Kinakabahan man si prey ay nilakasan niya na lang ang loob niya, ngayong araw kasi ang naka takdang pag susulit para sa mapipiling ilalaban para sa math quiz bee, taon taon ang labanan na iyon, na nilalahukan ng ibat-ibang eskwelahan, noong nakaraang taon ay tinipon lang sila sa isang silid at pinag exam doon na din bumase ng mananalo, ang may pinaka mataas na iskor na makuha ang siyang idedeklarang panalo, pero ngayon taon na ito ay tapatan na silang mag lalabanan ng iba pang mga kalahok, kaya naman puspusan ang pag aaral niya at pag babalik tanaw sa mga aralin sa math, binalikan niya ang mga tinuro sa kanya mula first year to fourth year, dahil siya ang may pinaka mataas na nakuhang marka ay siya ang ilalaban, pero dahil tapatan nga ang magiging labanan ay dalawa silang lalahok.
Na una na siyang pumasok sa silid na pag dadausan ng patimpalak at hindi parin maalis ang kaba sa kanyang dib-dib.
Maya-maya pa ay isa-isa nang nagdaratingan ang mga kalahok sa patimpalak, habang nag hihintay ay muli niyang binalikan ang lahat ng tinuro sa kanya ng kanilang guro at pumikit muna siya upang umusal ng isang panalangin, pag dilat nya ng kanyang mga mata ay animo'y namamalikmata siya ng makita ang katabi niya sa upuan.
Mataman siya nitong tinignan habang naka ngiti sa kanya, gustuhin niya man magising kung panaginip ba ito ngunit pinili niya nalang muli ang ipikit ang kanyang mga mata, baka sa pag dilat niya ay wala na ito.
Bakit ko kaya siya na iisip, ganoon ko na ba siya ka miss? Kahapon lang naman kami huling nag kita, anang isip niya, nitong mga sumunod na araw kasi ay okupado na ang oras ni crade dahil sa pag eensayo nito ng basketball, kaya bihira na silang magkasabay nito sa pag uwi, at pag may pagkakataon na makasabay siya nito sa lunch break ay pinupuntahan siya nito upang sabayan siyang kumain, minsan naman ay sa classroom na ni prey si crade nakikiupo upang makasalo siya sa pag kain.
Pagdilat ni prey ang maamong mukha parin ni crade ang nasilayan niya, nakangiti lang ito sa kanya, at matamang naka tingin.
" Hi". Bati i crade kay prey.
" Crade??, ikaw talaga yan?, nalilitong tanong nito sa binata, kaya naman tumawa lang ito sa sinabi ng dalaga.
" Ako nga ito, kanina ka pa ba?". Ani crade.
" Oo hindi ko pa nga nakikita si ms. Fernandez eh!!, ikaw ba ang makakasama ko?". Masayang turan ni prey na halata ang kaba sa kilos.
" Relax ka lang, galingan natin para sa school natin". At ginaya ni prey ang ginawa nito.
" Para sa school natin". Ani prey.
" Dapat ipanalo natin ito, para sa karangalan ng school natin, kailangan ko talaga itong ipanalo para sa half scholarship ko, kaya galingan natin huh!!". Ani prey.
" Ano naman prize ko pag nanalo tayo?". Makahulugang tanong ni crade kay prey.
" Huh!!, eh, ililibre kita ng pagkain pag nanalo tayo". Ani prey kay crade.
" Kung ganito na lang prey". Tumigil muna ito sa sasabihin at nag isip bago nag patuloy sa sasabihin.
" Pag nanalo tayo, papayag kaba na ligawan kita?". Ani crade na ikinamula ng mga pisngi ni prey.
" HUH??, BA..bakit ako??, hindi mo ako katulad crade, ma..mahirap lang ako". Ani prey na nagugulumihanan sa tinuran ni crade.
" SO WHAT KUNG MAHIRAP KA??, ikaw ang gusto ko prey, diba sabi ko nga sa iyo ayoko sa babaeng maarte gusto ko sa simple lang, sayo ko nakita lahat ng gusto ko sa babe prey, pls.. pumayag kana". Pagmamakaawa pa nito sa dalaga.
Napaisip si prey sa pag lalahad ni crade ng damdamin para sa kanya, natatakot siya na pag hindi niya ito pinagbigyan ay ito pa ang maging dahilan ng pagka wala ni crade sa focus at maging dahilan ng pagka talo nila, kaya naman kahit hindi pa sigurado ay pumayag na siya sa nais ni crade.
" Oo.. ok sige pumapayag na ako pag nanalo tayo, pero pag hindi friends parin tayo ahh!!". Ani prey na ikinatuwa naman ng binata, kaya ngumiti ito ng ubod ng laki na, animo'y nanalo ito sa lotto.
Ilang saglit pa ay nagdatingan na lahat ng kalahok, may babaeng lumapit kay crade na animo'y pusang hindi mapaanak sa kaartehan nito, ayon kay crade ito daw si francine na anak ng kaibigan ng mommy niya, panay ang tingin nito sa gawi nila at panay ang taas ng kilay nito at irap kay prey.
Kaya naman hindi na ito pinag aksayahan pa ni prey ng pansin at nag focus na lang sila sa kompetisyon, may mga tanong na mahirap sagutin dahil hindi naman related sa math dahil hinaluan nila ng logic ang nasabing kompetisyon, mabuti na lang at nasasagot ni crade ang mga ito, marahil inspirado ito dahil sa pag payag niya na manligaw ito sa kanya.
Dalawang tanong na lang ang kailangan nilang masagot at sila na ang tatanghaling kampeon, na sagot ni prey ang isang tanong, nag aalangan siya sa sagot niya kaya naman hinawakan ni crade ang kamay niya upang maka pag relax siya, matagal bago sabihin ng hurado kung tama ba siya sa sagot niya kaya naman binalikan niya ang tanong, alam niya sa sarili niya na hindi naman siya ganoong kagaling sa math masipag at matyaga lang talaga siyang mag aral, para narin hindi siya maging pabigat sa lola clara niya.
Ilang sandali pa ang lumipas ay butil-butil na ng pawis ang lumalabasa sa gilid ng ulo ni prey, dahil sa pinaghalong kaba at tensyon.
" Dont worry prey, mag tiwala ka lang sa sarili mo, basta ako tiwala akong mananalo tayo". Ani crade at nanatili lang ang pag hawak nito sa mga kamay niya, naka hinga siya ng maayos ng i anounce ng hurado na tama ang sagot niya.
At ang pinaka huli ay ang tanong na napunta kay crade, parang wala ito sa kompetisyon dahil hindi ito mababakasan ng kaba, at buong puso nitong sinagot at huling tanong sa kanila, gaya kanina ay binitin muna ang pag anounce ng tamang sagot, at may nag perform na kalahok, umawit muna ito at habang umaawit ay panay ang tingin nito kay crade, at masamang tingin naman ang pinupukol nito kay prey.
" Wag mong pansinin si francine, malakas kasi tama niyan sa ulo kaya yan ganyan" dahilan upang matawa silang dalawa.
Napuna naman ng mga hurado ang pagtatawanan nila.
" Mukha ngiting tagumpay na ang ngiti ng saint dominique ahh, alam nyo naba ang resulta?". Anang isa sa hurado at host ng patimpalak.
Matapos ang pag papaunlak ng isang kanta, ay natapos na din si francine sa pag awit.
" Ok thank you ms. Francine sa isang napaka gandang pag tatanghal".
" GUSTO NYO BANG I ANOUNCE NA ANG WINNER OR GUSTO NYO NA MUNANG KUMAIN??, Pag papa bitin pa ng hurado sa pag aanunsyo.
Nag sigawan naman ang mga estudyante at nag kaisa silang i anounce na ang result upang matapos na ang paghihintay nila.
" Ok dahil gusto nyo ng malaman ang nanalo kaya ito na, ang pang 3rd place ay ang grace school montesory".
"Ang susunod naman na babanggitin ay ang second place, ang second place natin ay ang saint dominique highschool".
" Eto na ang pinaka hihintay ng lahat, ang first at ang winner ay walang iba kundi.... ang kapitag-pitagan at ka galang-galang, ito ay galing sa ika apat na baitang ng holy... angels integrity high school". Agad naman nag tayuan ang mga estudyante ng holy angels integrity at nag palakpakan.
Tumayo naman si crade at lumapit sa host ng patimpalak, ang mga hurado naman ay nag kaka diskusyunan na at nag tatalo-talo.
Kinuha ni crade ay mic ng host, pati ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng silid.
" EXCUSE ME EVERYONE!!, PAY ATTENTION PLEASE". Natigil naman ang mga tao sa pag iingay at bumalik ang iba sa kinauupuan.
" Mawalang galang na po, maaari ko po bang makita ang resulta ng nanalo?". Ani crade sa host ng patimpalak, bigla namang nanlaki ang mga mata nito, at mababakas sa mukha nito ang kaba na nararamdaman, ayaw pa sana nitong ibigay ang papel na nag lalaman ng resulta ngunit sinang ayunan na si crade ng ibang mga hurado, binasa pang muli ng host ang nilalaman ng resulta at humingi ito ng paumanhin dahil di umano sa pag kakamali nito.
" Hindi maganda yan sir, hindi porket sa eskwelahan nyo ginanap ang patimpalak ay dadayain niyo na ang resulta nito, pare pareho kaming mga estudyante na nag sunog ng kilay para lang pag handaan ang araw na ito, ang iba samin ay nagtiis na hindi matulog para lang mag aral ng mabuti, naturingan pa naman kayong guro, dapat kayo ang ehemplo naming mga estudyante upang maging mabuti at kaaya-aya kaming tao." Pangaral ni crade sa guro na nag sisilbing host ng patimpalak.
Kaya naman binasa niyang muli ang nilalaman ng sulat, ayon sa resulta ng patimpalak ay ang saint dominique ang nanalo at hindi ang holy angels.
Kaya pala ganun na lang ang pagkakagulo ng mga hurado dahil hindi tama ang binanggit ng host ng patimpalak.
" So..sorry ". Tanging nasambit ng host ng patimpalak, at bumaba na ito upang lisanin na ang lugar.
" Pano ba yan prey, nanalo tayo ibig sabihin papayagan mona akong manligaw sa iyo". Saad nito habang nasa harapan ng entablado at nakalagay pa ang mic sa bibig nito, kaya naman nag hiyawan ang mga tao at tinukso silang dalawa.
Pulang pula ang mukha ni prey sa kilig at kahihiyan ng mga oras na iyon, kaya naman nag yuko lang siya ng mukha, upang itago ang pamumula ng mukha niya.
Nagulat na lang siya ng biglang hatakin ni crade ang kamay niya at dalhin siya nito sa harap ng entablado, kasama ang guro ng paaralan nila ay sinuotan sila nito ng gintong medalya.
Matapos nun ay nagtungo sila ni crade sa mall na malapit sa eskwelahan, kumain sila bilang celebrasyon sa pagka panalo nila.
Nagulat pa siya ng hatakin siya ni crade sa amusement park, ang una nilang nilaro ay basketball, dahil varsity ito ng paaralan nila ay nakarami ito ng shoot kaya naman maraming ticket ang lumabas sa machine.
Sunod nilang pinuntahan ay ang claw machine ng mga stuff toys, mukhang kabisadong kabisado ni crade kung paanong galaw ang gagawin sa makina kaya naman nakuha nito ang malaking stuff toys na kulay brown na teddy bear.
Tuwang tuwa naman si prey ng ibigay ni crade ang stufftoys, may nakuha pa silang maliit na teddybear na kulay brown din ang kulay.
Matapos nila sa amusement ay inaya naman siya ni crade sa photo shop, para magpakuha ng picture bilang remembrance sa pagka panalo nila.
" Masaya silang nagpakuha ng picture, habang suot ang nakuha nilang gintong medalya sa patimpalak na sinalihan nila.
May kuha din silang magka akbay, at naka tingin si crade kay prey, ang huling post na ginawa nila ay ang wacky post naka nguso sila habang naka tingin sa isat-isa, na animo'y mag lalapat ang kanilang mga labi.
Pagkatapos nun ay nakuha din agad nila ang mga kopya nila, at nag desisyon na din silang umuwi na, pag uwi nila ay hinatid muna siya ni crade, dahil opisyal na itong nanliligaw sa kanya.
" Ahhhmm prey, can i get your number now?, para matatawagan kita bago ako matulog and to checking on you na rin.". Ani crade kay prey, ayaw man sana ni prey ibigay ang cell number niya dahil nahihiya siya sa gamit niyang telepono, sina una kasi iyon at sira pa ang casing.
Dahil mapilit si crade ay ibinigay niya na ang number niya sa binata, agad namang nilabas ni crade ang mamahaling cellphone nito, latest phone iyon.
Matapos ay nag paalam na si crade kay prey, dahil hinihintay na din ito ng mommy nito upang batiin sa pagkaka panalo nito.
Pagdating sa bahay nila crade ay masaya siyang sinalubong ng mommy at daddy niya, may simpleng handaan din, at andun din ang kaibigan ng mommy niya at ang anak nitong si francine, marahil ito ang nag balita sa mga magulang niya.
" Congrats my son". Masayang bati ng mommy ni crade ganun din ang daddy niya.
[ ] " Ang galing po talaga ng anak niyo tita celine, siya po ang nag papanalo sa kanila wala nga po halos naisagot ang kasama niyang babae eh!!, pabigat lang kay crade yung babaeng yun". Paglalahad ni francine na may halong kasinungalingan.
" Mom team mate kami, kaya kaming dalawa ni prey ang nag papanalo sa school namin, siya nga po ang naging inspirasyon ko kaya po kami nanalo". Masayang paglalahad nito sa ina.
" Naku mukhang may nagugustuhan na ang unico iho ko" masayang saad ng mommy ni crade.
" Naku tita, nerd naman po yung babae na yun, ang laki ng salamin naka brace pa, parang si betty la fea". Anas naman ni francine.
" Naku panget pala yung babaeng yun crade, si francine ko na lang ang ligawan mo, payag na ako tutal naman nextyear college na kayo eh!!". Sabat naman ng ina ni francine.
Hindi na nag salita pa si crade, nginitian niya na lang ang mga ito, at tahimik na nilang pinag saluhan ang mga naka handang pagkain sa lamesa.
Matapos kumain ay nag paalam na si crade sa mga magulang upang makapag pahinga, dahil bukas ay maaga niyang susunduin si prey sa bahay nito.
Susunod pa sana si francine sa kwarto ni crade pero pinigilan ito ng nanay perla ni crade.
" Ayy ma'am pasensya na po kayo, pero ayaw po kasi ni crade ang maistorbo sa pag aaral niya eh!". Mahinahon nitong saad.
" Anong istorbo? Hindi ko naman siya iistorbihin eh!, kakausapin ko lang siya". At hinawi nito ang ginang.
" Ahhhmm, ma'am ayaw po kasi ni crade na may babaeng pumapasok sa kwarto niya." Pag dadahilan pa nito.
" Kilala naman ako nila tita at nag paalam naman ako eh, bakit ba panay bawal mo sakin, eh!!, chimay ka lang naman dito!!". Mataray na usal nito sa ginang.
Nagulat na lang sila ng biglang may mag salita sa likod ng ginang, " What did you said?". Anang galit na tinig ni crade
" How dare you to said those stupid things to my nanay perla??, yes they are my servant, but for us they are family, hindi mo ba alam na si nanay perla at nanay clara ang nag palaki saakin, kaya wag mong mahamak-hamak ang nanay perla ko". Tiim bagang saad ni crade sa dalaga.
Wala naman nagawa si francine kundi ang mag yuko ng ulo dahil sa kahihiyan.
" Im..So.. sorry crade". Hinging paumanhin nito sa binata, ngunit hindi ito tinanggap ni crade dahil, di umano sakanya nagkasala si francine kundi sa nanay perla niya.
" Wagka sakin mag sorry france, sa nanay perla ko ikaw mag sorry". Nangunot naman ang kilay nito at nag isip muna, bago humingi ng tawad, ngunit halatang napilitan lang itong manghingi ng tawad sa nagawa.
Matapos nun ay muli ng umakyat si crade sa silid niya at tinawagan si prey.
" Good evening my prey, na istorbo ba kita?". Anito sa kabilang linya.
" Good evening din, hindi naman katatapos ko nga lang mag linis eh!". Ani prey sa binata.
" Kumain kana ba?". Ani crade.
" Oo katatapos ko lang kumain". Tugon naman nito.
" Ano naman kinain mo?". Ani pa ni crade.
" kanin at tuyo". Tugon naman ni prey.
" Wow ang sarap naman ng ulam mo". Ani crade.
" Naku pang mahirap nga yun eh!!, baka ikaw itong masarap ang ulam". Baling naman ni prey kay crade.
" Masarap kaya yung tuyo, nag uulam din ako niyan eh!!". Ani crade, kuryoso naman nag tanong si crade kay prey kung sino ang kasama nito, ayon sa dalaga ay mag isa lang ito sa bahay at kasalukuyan itong hinihintay ang lola clara nito.
Kaya inaantok man ay hindi parin binababa ni crade ang telepono upang masigurong maayos lang ang lagay ng dalaga sa kabilang linya, sa pamamagitan nun ay malalaman niya kung safe ba ang dalaga sa kabilang linya.
Pinutol lang nito ang tawag ng marinig nito na dumating na ang lola clara ng dalaga, at pinatulog niya na rin ito upang maaga silang magising bukas.