HULING buwan na ng pag-aaral ni Mia Chang ng senior high school sa San Roque International School sa Imus, Cavite. Eighteen years old na siya kapag tumungtong siya sa kolehiyo. Mia looks so radiant on her checkered maroon and white skirt na above the knee. Pinarisan ng white blouse with linings na katulad sa palda niya. Suot niya ang black ankle boots.
Kabababa niya mula sa back seat ng itim na Montero sports na minaneho ng family driver nila na si Andoy. Hinahatid-sundo siya nito dahil sa utos ng mga magulang niya na parehong abala sa negosyo. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng malaking paggawaan ng school supplies at house wares sa Cavite.
Agaw-pansin ang tila pang-beauty queen na lakad niya sa walkway patungo sa malaking gusali ng eskuwelahan. May tangkad siya na 5’7” at nagmana siya sa matangkad niyang ama. Filipina ang mother niya, namana naman niya rito ang kaseksihan at kagandahan nito.
Dose anyos pa lang kasi siya nang lumitaw ang magandang bulas ng pangangatawan. ‘Chinita’ ang madalas itawag sa kanya ng mga nakakakilala sa kaniya dahil sa likas na kasingkitan ng mga mata niya. She also encourage others to smile because she have the beautiful set of teeth na nagpapatamis sa mga ngiti niya.
Inaayos niya ang necktie ng blusa niya habang naglalakad. Pati ang ID na nakasabit sa leeg ay inayos din niya. Marami ang kasabayan niya sa paglalakad. May nag-uunahan, may magkaabay, at may nagchichikahan. Mixed of boys and girls.
Tumunog ang first alarm ng campus, tanda ‘yon para sa pagsasara ng malaking gate. Kapag late ay wala nang pinapapasok na mag-aaral, maliban na lamang kapag emergency.
“Mia!” Hiyaw na narinig niya buhat sa likuran niya.
Hindi siya kaagad na lumingon. Kabisado niya ang baritonong boses na ‘yon. Hinay-hinay lang ang paglalakad niya para makasabay niya ito. Nilampasan siya nito saka huminto sa harapan niya. Natigilan siya at tumitig sa mukha nito.
“Akala ko late na ako,” hingal na wika nito.
Binilisan kasi nito ang paglalakad para maabutan siya nito.
“Good morning!” she greeted with a smile.
Pinisil nito ang matangos na ilong niya saka kinuha ang shoulder bag na nakasukbit sa kanang balikat niya. Ganito sila tuwing magkasama.
He was Renny Dequinio, anak ng mag-asawang doktor. Kapitbahay lang niya ito sa La Vida village, sa Buhay na Tubig. Limang buwan lang ang tanda nito sa kanya at mas matangkad ng dalawang pulgada.
“How's your heart?” tanong ni Renny.
Nag-aalala kasi ito dahil inatake siya ng sakit sa puso kahapon. Madalas natataon na si Renny ang kasama niya tuwing naninikip ang dibdib niya. Mabuti na rin ang ganoon kaysa sa iba na hindi siya kaagad matutulungan.
“Still beating! Baka mamaya matuluyan na,” biro niya ngunit hindi nito ikinatuwa.
“Don’t say that again. Ilang taon mo nang pinapakaba ang dibdib ko. Mabuti na lang at wala akong condition like yours,” seryosong saad nito.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Kaklase niya si Renny since high school. Sa China kasi siya nag-aral ng primary school. Matalik na kaibigan niya ito. Pero hindi sila nagpapakita sa mga magulang niya ng ganoong kalapit nila sa isa’t isa.
Inaakala kasi ng mga magulang niya ay si Renny ang dahilan kung bakit siya sinusumpong ng sakit sa puso. Madalas lang naman na natataon na magkasama sila kapag nangyayari iyon.
“I’m sure, ako na naman ang sinisisi ng mom at dad mo,” anito saka bumuntong-hininga.
“As usual, hindi pa rin sila naniniwala sa akin. Palagi kong ini-insist sa kanila na wala kang kinalaman sa nangyayari sa akin. They hoped medicine can save my life. But, they don’t even asked me how I feel,” pagmamaktol niya. “Ikaw lang naman ang nakakaintindi sa akin. Pero sila…”
Kumibit-balikat na lamang siya.
Naramdaman niya ang pag-akbay nito sa balikat niya. Ang alam ng lahat ay magkasintahan na sila dahil malambing sila sa isa’t isa. Magkaibigan pa lang naman.
Tumunog na naman ang pangalawang bell. Hudyat iyon na magsisimula na ang klase. Nakaakyat na sila sa fourth floor sakay ng elevator. Nilalakad na lamang nila ang hallway papunta sa Room-A.
Wala pa ang adviser nila nang makapasok sila sa loob ng kuwarto. Kanya-kanyang ingay ang mga kaklase nila habang sila ay deretso sa kanilang upuan. Magkatabi lang din ang steel armchair nila.
“May short quiz pala tayo mamaya sa math. Nakapag-review ka ba?” paalala at tanong ni Renny sa kanya.
Isinasabit nito ang back-pack sa likod ng upuan na nasa unahan nito.
“Nope! Maaga akong nakatulog kagabi,” sagot niya, may hinahanap siya sa loob ng bag niya.
“Anong hinahanap mo?” tanong nito nang mapansin siya.
“My beta-blocker,” payak na sagot niya.
Tinutukoy niya ang gamot na iniinom niya kapag may kakaiba siyang nararamdaman sa dibdib niya. Si Renny na ang nagpatuloy sa paghahanap sa bag niya.
“As I always reminding you, dapat sa visible and easy to find lang ang paglalagyan mo ng gamot mo,” sermon nito sa kanya.
Napakagat siya sa ibabang labi. Hindi nagtagal ay nahanap nito ang mini-medicine kit niya. Ito na rin ang nag-alok sa kanya ng naka-bottle na tubig mula sa bag nito. Uminom muna siya ng isang tableta.
“Thank you!” wika niya rito pagkatapos.
“Don’t mention it,” tugon nito matapos abutin ang isinauli niyang bote ng tubig.
Gustung-gusto niya ang pag-aasekaso nito sa kanya. She love the way he look at her. Magkaibigan sila nang mahabang panahon pero natatakot siyang aminin ang matagal na niyang nararamdaman para rito. Takot siya baka magbago ang tingin nito o masaktan lang niya dahil walang katiyakan kung gagaling pa ba siya.
Matagal nang naghahanap ng donor ang mga magulang niya para sa heart transplant niya. Pero wala pang nagma-matched. Dinudugtungan na lamang ng medisina ang buhay niya.
“Wala pa rin ba talagang nahanap na qualified donor mo?” tanong nito.
Kumibit-balikat siya. “Wala eh. Para na ngang manananggal sina Mom at Dad na nag-aabang ng kamamatay na tao para makahanap ng puwedeng maging donor ko.” Napangisi ito sa sinabi niya.
Lumitaw ang mapuputi’t pantay na mga ngipin nito. Hindi niya maiwasang titigan ang mga labi nito. Lalo na kapag nagkagat-labi ito ay parang sinasalakay ng kaba ang dibdib niya.
“Marami namang heart center dito sa bansa, bakit hindi sila pumunta roon?”
“They did. Ewan ko ba kung anong mayroon sa akin. Marami ang gustong magdonate kaso hindi compatible sa organ ko. Kaya nahihirapan ang parents ko. Aside from AB ang blood type ko, may rare condition pa na dapat ma-meet ng donor para mag-match ang organ namin, ‘yon ang narinig kong usapan nina Mom at ng doktor ko.”
Bahagyang lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Nagtataka naman siya at napangisi habang nakatitig sa mga mata nito.
“Ako na lang kaya ang magiging donor mo,” nakangiting sabi nito.
Sumimangot siya at inirapan ito. “No! It’s a big NO! Walang donor na buhay, ano ka ba!” nayayamot na saway niya rito.
“Why not? Handa akong mamatay para lang mabuhay ka,” anito.
Wala sa loob na nasampal niya ito. Ngunit kaagad niyang kinabig at niyakap. Walang pakialam ang mga kaklase nila sa nangyayari sa kanila.
“I’m so sorry! Hindi ko sinasadya, Ren,” nabalisang paghingi niya ng tawad.
Hinila nito at idinikit sa upuan niya ang upuan nito. Niyakap din siya nito at siya pa ang inalo. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Ayaw niyang ipakita na nangingilid ang mga luha niya pero alam nito.
“Ako ang dapat na mag-sorry. Alam kong sumama ang loob mo sa sinabi ko,” mahinahong saad nito.
Hindi siya makakibo. Magmula nang matuklasan na may karamdaman siya sa puso ay madali na siyang masaktan at nagiging sensitibo. Kaya ganoon na lang kadaling nasabi ‘yon ni Renny sa kanya dahil alam niyang malaki ang chance nito para maging donor niya.
Pareho sila ng blood type ni Renny at may Chinese blood ang ina nito. Hindi rin nagkakalayo ang edad nila. Sa tagal ng pagkakaibigan nila, napapadalas din ang pamamasyal niya sa bahay nina Renny. Welcome siya sa pamilya nito at nakakausap niya ang mga magulang nito pati ang kuya nito na si Rain.
“I understand, alam kong dala lang ng damdamin mo,” anito at tinutukoy ang pagsampal niya rito.
Saka lang nagkalas ang mga yakap nila nang marinig ang boses ni Misis Smith, ang adviser at math teacher nila. Kaagad silang pinakuha ng papel dahil magbibigay ito ng quiz tulad nang sinabi nito kahapon.
Kinakabahan siya habang isinusulat ng guro sa white board ang dapat nilang sagutin. Seryosong teacher si Misis Smith kaya para silang santong nananahimik at ingat na ingat na makagawa ng anumang ingay. Nahihirapan siyang sagutan ang panghuling solving problem sa chemistry kaya panay ang sulyap niya sa papel ni Renny. Alam niyang magaling ito basta math ang pag-uusapan.
BREAK time na. Magkasabay pa rin silang tumungo sa school refreshing area. Parang dampa type na may international cuisine dahil iba’t ibang lahi ang nag-aaral roon. Pumwesto sila sa tapat ng Chinese booth. May mga lamesa at upuan sa labas niyon.
Si Renny na ang nanglibre sa kanya. Ipinaubaya na niya rito kung ano ang mimeryendahin nila dahil sanay naman siya na ito ang nagpapasya. Bumalik ito sa upuan dala na ang magkaparehong set ng order, ang paborito nilang choco-pudding milk tea at chicken dumplings.
“Thank you for this,” nakangiting sabi niya pagkatanggap ng tray na may lamang meryenda niya.
“As always, hindi ako magsasawang pagsilbihan ka,” nakangiti rin na wika nito.
“Dahil ba may sakit ako?” pagsi-self pity niya.
Umiling ito. “Nope! Dahil special ka para sa akin.”
Uminit ang mga pisngi niya’t parang may nangingiliti sa puso niya nang marinig ang sinabi nito. Tulad niya, may kasingkitan ang mga mata nito at namumungay na tila nasisilaw sa liwanag kapag tumitig. Matagal na niyang nararamdaman ang tuwa kapag kasama niya ito. Tuwa na halos ayaw niyang may ibang makararanas tulad ng nararamdaman niya.
“Kumain pa tayo. Alam kong wala kang ganang kumain sa bahay n’yo kasi lagi kang alone sa long table n’yo,” sabi nito.
Napangiti ulit siya. “Kabisado mo na talaga ang buhay ko. ‘Buti ka pa, masaya kang kasalo sa hapag-kainan ang pamilya mo,” aniya.
“Very close kaming pamilya. Kahit busy sina Mom at Dad, bumabawi sila sa ibang araw.”
Tuloy lang ang pagkain nila.
“Pansin ko nga. Sana, naging magkapatid na lang tayo,” hiling niya.
“No! Hindi ako makapapayag!” biglang tutol nito.
Natigilan siya sa pagnguya at napatingin sa mukha nito. Kunwari’y hindi siya nito pinapansin habang nagsisipsip ng milk tea.
“Why?”
“Mawalan ako ng chance kapag ma-realized ko na gusto kitang ligawan,” hindi makatingin na sabi nito.
She grinned. Sa loob-loob niya ay gusto niyang tumalon sa tuwa dahil sa sinabi nito.
“Alam ko namang wala kang balak gawin ‘yan,” aniyang binawi ang pagkatitig niya sa mukha nito.
Ito naman ang napabaling ng tingin sa kanya. Hindi na niya alam kung gaano ito ka seryosong sumusulyap sa mukha niya. Abala siya sa paghiwa ng dumpling na isusubo niya.
“Sabado bukas, wala tayong pasok. Makararating ka ba sa planet natin?” tanong nito.
‘Planet’ kasi ang tawag nila sa lihim na tagpuan nila sa likod ng bakuran ng bahay nila. Napalibutan ng matataas na pader ang parehong malaking bahay. Sa likod niyon ay may kakahuyan at batis na naging pasyalanat tambayan nila.
“Oo naman. Nakaka-bored naman talaga ang maghapon ko na nasa loob lang ng bahay. Hindi rin naman ako maka-relate sa mga kasama ko sa bahay. May mga edad na sila at ako lang ang nakababata.”
“Hihintayin kita bukas.”
Walang alinlangan na wika nito. Masaya na tumango siya.
Katulad ng dati, tuwing weekend ang pagtatagpo nila sa planet na sinasabi nila. Half day lang ang pasok sa isang araw. Hindi kagaya sa mga probinsiya na maghapon ang pag-aaral. Para kay Mia, mas gusto niyang maghapon siya sa school dahil mas matagal niyang makakasama si Renny.
Ito lang kasi ang nagpapasaya sa kanya. Maghapon na wala sa bahay ang mga magulang niya at gabi na kung umuwi. Nakatulog na siya kung dumating at tulog pa siya kapag umaalis ang mga ito.
Natapos na naman ang half-day class nila. Magkasabay sila ni Renny na naglalakad papunta sa parking area. Doon naghihintay ang mga sundo nila.
“Huwag mong kalimutan ang napag-usapan natin. Hihintayin kita sa planet bukas,” anito nang huminto sila.
Nasa tapat na kasi siya ng sasakyang susundo sa kanya. Lumabas si Andoy mula sa driver’s seat at binuksan ang pinto sa likod kung saan siya papasok. Hindi ito nakaka-relate sa usapan nila.
“Promise! I’ll be there,” masayang tugon niya.
Akmang papasok na siya sa sasakyan nang mapakapit ang kaliwang kamay niya sa pinto sabay kusot ng kanang kamay sa dibdib niya. Nag-alala at tarantang lumapit si Renny nang makitang kumusot ang mukha niya.
“Mia!” hiyaw nito habang tumatakbo palapit sa kanya.
Hindi na niya ito napansin dahil may matinding kirot sa loob ng dibdib niya. Humina ang pandinig niya at nahilo siya.
“Huwag na, Ren! Ako na ang bahala sa kanya,” pigil ni Andoy kay Renny. Kilala na ito ng driver.
Nawalan na siya ng malay. Dali-dali siyang ipinasok ni Andoy sa loob ng sasakyan at pinahiga sa upuan. Wala na rin siyang malay sa labis na pag-aalala ni Renny na naiwan at walang nagawa. Isinugod siya kaagad sa hospital.