INAKALA ni Mia ay bumangon na siya dahil inangat niya ang kalahating katawan. Napaupo siya at nakita lahat ng mga nasa paligid niya. Subalit nang mahalatang hindi siya pinapansin ng mga naroon sa silid ay nagtaka na siya. Bumaba siya mula sa kinahihigaan niya at nilapitan si Renny. Nagpapansin siya ngunit parang wala lang at may iba itong tinitingnan. Lahat ay malungkot na iisa lamang ang tinutuunan ng pansin. "Ano'ng nangyayari? Bakit parang hindi sila mapalagay? Ni hindi man lang nila ako pinansin?" mga tanong niya sa siya lamang ang nakaririnig. Hindi siya mapakali kung kaya ay dahan-dahan niyang nilingon ang binabalingan ng pansin ng lahat. Saka niya nahumalata nang mapako ang tingin niya sa sarili niyang katawan na nakahiga pa sa kama. Kinapakapa niya ang sarili habang nakasulya

