"ANO ba ang ginagawa mo sa garden? Kanina pa ako tawag nang tawag, hindi mo man lang sinagot. Paano kung bigla kang sinumpong ng sakit mo at walang ni isang makaalam?," galit na sermon ni Mariel. Pinanindigan na ni Mia ang pagsisinungaling sa mommy niya. Mas titindi ang galit nito kapag sinabi niyang nakipagkita siya kay Renny. Mabuti na lamang at hindi siya nito pinuntahan sa lihim niyang labasan. Walang nakakita sa kaniya nang pumasok siya sa bakuran. "Sorry po, Mommy. Hindi ko po kaagad narinig ang tawag n'yo." Dumilim ang mukha niyang napayuko. "Naiwan ko po kasi ang cellphone ko sa garden table at naglakad-lakad po ako sa mga flowering plant. Nag-enjoy po kasi ako habang nagpapahangin. May importante po ba kayong sasabihin?" tugon niya. Tila hindi nagustuhan ng mommy niya ang nag

