HULING nasilayan ni Mia si Renny sa rooftop at pagkatapos niyon ay wala na siyang matandaan. Nagkamalay siya sa isang maliwanag na silid. Nasilaw siya sa liwanag ng ilaw na nasa kisame. Napagtanto na nakahiga siya sa purong puting kama. May mga aparatus na nakakabit sa kung saang bahagi ng katawan niya. Hindi na siya nanibago sa ganoong senaryo. Tuwing susumpong ang sakit niya sa puso ay nagiging bedridden siya ng ilang mga araw. Nakalukungkot na naman para sa kaniya dahil matatagalan na naman ang pagkikita nila ni Renny. Hindi na niya inalam kung sino ang kasama niya sa silid. Hinagilap niya ng tingin ang relo na alam niyang isinuot niya sa kaniyang braso. "Huwag kang mag-alala, itinago ko muna ang relo mo. Tinanggal kasi kanina dahil nilapatan ka ng mga aparatus." Inunahan na siya n

