BIGO na naman na magkaroon ng heart donor si Mia. Pakiramdam niya ay unti-unti nang nauupos ang buhay niya. Mabuti na lamang at gumanda ang pakiramdam niya matapos ang huling pagsugod sa kaniya sa ospital. Nadagdagan nga lang ang mga iinumin niyang mga gamot at mas humigpit ang siguridad sa kaniya. Bakasyon na pero limitado ang bawat galaw niya dahil sa labis na pag-iingat ng mga magulang niya sa kaniya. Pagkakasakal naman ang pakiramdam niya. Kung maaari na nga lang ay samahan siya ng Marta o kaya ay ni Lora sa banyo. "Na-Marta, hindi po ba puwedeng kapag dito sa kuwarto ay hayaan n'yo na akong mag-isa? Maayos naman po ang pakiramdam ko. Kaya lang naman ako inatake noong nakaraang linggo dahil sa sama ng loob ko kina mommy at daddy," reklamo niya nang mainis sa pag-aaligid ni Marta at

