TAMANG-TAMA lang ang pagbalik ni Mia mula sa bahay ng pamilya ni Renny nang dumating ang mga magulang niya. Lumabas siya ng kaniyang kuwarto para salubungin ang mga ito sa living room. Hindi siya tiyak kung alam na ng daddy niya ang pagpunta niya sa tahanan ng mga Dequinio. Walang kamalay-malay ang mommy niya sa mga pinaggagawa niya. Inunahan na niya ng pagbati ang mga ito at masayang iginiya sa dining room. Inalam muna kasi niya kung nakapaghain na ang katiwala nila sa kusina bago siya nag-abang sa main door ng sala. Nagtataka lang sina Marta at Lora na pinagmamasdan siyang ini-entertain niya ang mga magulang niya. Marahil inisip ng mga ito na alam na niya ang madalas na oras ng pag-uwi ng mga magulang niya. "Mukhang masaya ang anak ko ngayon ah," nakangiting wika ni Leehan habang pap

