TAKANG-TAKA si Mia nang suriin niya ang social media account niya. Ni hindi na niya makontak si Renny. Hindi siya makapaniwala na pati ang pamilya nito ay naka-blocked na. Balisang paulit-ulit na inusisa niya ang account niya, ganoon pa rin. "How come? Bakit ganito? Hindi ko naman sila ini-blocked. Papaanong nangyari 'to?" Hindi siya mapakali sa kaniyang kuwarto. Binuksan pa niya ang laptop niya para tingnan ang account niya roon at baka nagloloko lang ang cellphone niya. "Oh no! Bakit nagkaganito ang account ko?" Nalito siya habang iniisa-isang inusisa ang account niya sa laptop. Pareho ang nilalaman niyon sa cellphone. Dali-dali niyang itiniklop nang marinig ang katok sa pinto. Nagbukas ito. Hinayaan niyang lumapit ito sa kaniya. "Anak, aalis muna kami ng daddy mo. Mag-aral kang

