"ANO ba kasi ang nangyari? Bakit tinatanong ni Mia sa akin kung bakit mo raw siya ini-blocked?" mga tanong ni Rain. Nakaupo si Renny sa couch ng patio nang makita siya ng kapatid. Nilapitan siya nito at kinausap. Kapansin-pansin kasi ang matamlay na kilos niya at malalim ang iniisip. "Totoo ba na binlock mo na si Mia sa account mo?" ulit ni Rain nang hindi pa rin siya umimik. Napapayuko siya habang nilalaro ng mga daliri ang cellphone. Hindi mapakali si Rain na nananahimik lamang siya. Lumapit pa ito at umupo sa arm ng single couch na kinauupuan niya. Naramdaman niya ang pagdampi ng palad nito sa likod niya. "Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko, Kuya. Nakiusap si Mia na gawin ko ito," garalgal ang tinig niyang sabi sa kapatid. Pilit niyang pinipigilang hindi mangilid ang mga luha

