Nang nasa Hospital na sila ay agad silang nagpunta sa ward na kinaroroonan ng Kapatid niya
"Mano po Nay, mano po Tay!" pagbibigay galang nito sa mga magulang.
"kaawaan ka ng diyos Anak" sagot ng Nanay at Tatay ni Cherry!
"Magandang araw po sa inyo may dala po kaming pasalubong na mga prutas! para po sa inyo sabay abot ng tatlong basket ng iba't ibang klaseng mga prutas"
sambat naman ni Daniel.
"MAgandang araw din sayo iho, abay salamat at ang dami naman nitong dala mo!" at inilapag sa mesa ang mga dalang prutas.
"Nay, tay! si Daniel ho pala nobyo ko!" sabi ni Cherry.
"Siya pala yung Nobyo mo na naikwento mo sa amin! maupo ka iho, salamat nga pala sa mga dala mo at ang sobrang dami"
sabi ng tatay niya!
"Walang anuman ho iyon! kumuzta naman po ang kalagayan ng Anak niyo? " tanong ni Daniel sa mga magulang ni Cherry!
"Palala ng palala na ang kondisyon ni Macmac kailangan na niyang ma operahan agad kaso kulang pa ang nalikom naming pera para sa operasyon niya"
sagot ng Nanay ni cherry.
"Hayaan niyo ho Inay at may trabaho na po ako simula bukas makakatulong na po ako para madagdagan ang perang kailangan natin"
sambit ni Cherry sa Ina.
"Talaga Anak! mabuti naman kung ganun," sabi ng Nanay niya.
"Magkanong halaga pa ho ba ang kailangan niyo?
pwede ko po kayang pahiramin ng pera!" sabat ni Daniel sa usapan ng mag-ina.
"Daniel hwag na"
pigil ni Cherry sa Nobyo!
"Kaya na namin to diba napag-usapan na natin ang tungkol dito?"
At walang nagawa si Daniel at tumango na lamang siya dahil alam niyang may paninindigan ang nobya at hindi niya ito mababago.
At ngumiti naman si Cherry sa kanya dahil sumang ayon ito sa gusto niya at hindi na nakipag talo!
Pagkatapos nilang bumisita sa hospital ay nagpaalam na sila sa mga Magulang ni Cherry na mamasyal sa plaza dahil ngayon kasi ang ceremonial lighting ng christmas tree sa kanilang lungsod dahil malapit na ang pasko.
Nang nasa lungsod na sila nakita nila ang kaibigan ni Cherry na si Robe kasama ang Nobyong niyang si Charlie katulad nila ay namasyal din ito doon para saksihan ang ceremonial lighting ng christmas tree.
"Robe!"
tawag ni cherry sa kaibigan
"Oy! Cherry at Daniel nandito din pala kayo"
sabay beso beso sa kaibigan.
Magkaibang-magkaiba sina Cherry at Robe,
masyadong maikli at sexy manamit si Robe yung tipong halos kita na ang kaluluwa! at lagi itong nka make-up.
mahilig din ito sa night life! medyo may kaya rin kasi ang pamilya nito!
Samantalang si Cherry naman ay bukod sa matalino napaka simple lang nito manamit yung walang ka arti arte yung kahit anong ipasoot mo sa kanya ay siguradong babagay sa kanya.
Hindi ito mahilig sa night life at may magandang pananaw sa buhay kaya ko siya nagustuhan,
pamilya at pag-aaral ang lagi niyang inuuna di katulad ni Robe na parang happy go lucky!
Iwan ko kung paano sila nagkakasundo hindi naman sila pareho ng hilig! mga katagang naglalaro sa isip ni daniel!
"hey! daniel ok ka lang bah? huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako".
biro ni Robe sabay pukaw sa malalim niyang iniisip! sabay tawa.
"Sorry may iniisip lang ako"
biglang napakamot.
"Ano ka ba joke lang yun"
sagot ni robe.