CHAPTER 2

884 Words
Kunabukasan maaga gumising si Cherry para sa kanyang interview, at maaga itong nakarating sa building na kanyang ina applyan. Ang hindi niya inaakala yung gwapong lalaking na naka bangga sa kanya, ang pamilya pala nila ang nag mamay-ari nang building na kanyang ina applyan. "What a small world" hindi ko akalain na magkukrus muli ang landas namin ng lalaking iyon, wika ni cherry sa sarili. buti nalang at hindi naman siya pinahirapan at natanggap agad siya sa trabaho. Bukas ay magsisimula na siya bilang assistant secretary ni Mr.Cruz! Tall Dark and Handsome c Mr. Cruz Yung tipong pinapangarap ng lahat ng mga kababaihan kaso mukha naman masungit at suplado. Mukhang hindi magiging madali ang trabaho niya sa unang kompanya na kanyang papasukan pero kinalailangan niyang maging masipag at habaan ang kanyang pasensya para sa kanyang pamilya at para maipagamot na agad nila ang kanyang kuya. Pauwi na siya ng biglang may himintong sasakyan sa tapat niya! bumukas ang pinto at ang nobyo niyang si Daniel ang nagmamaneho nito lumabas ito ng sasakyan. "Babe", sambit ni Daniel sa kanya! "Bakit bigla ka nalang huminto sa pag-aaral at wala ka man lang pasabi sa akin? inabangan kita sa labas ng school ninyo kanina kaso wala ka buti nalang nakita ko si Robe tinanong ko siya kung nasaan kah? dun ko pa nalaman na hindi kana pala pumasok! Anong nangyari?Akala ko ba gusto mong makapag tapos ng pag-aaral." wika ni Daniel na may halong pagtatampo! "Pasensya kana Babe biglaan kasi yung desisyon ko may problema kasi sa bahay kailangan ko munang e sakripisyo ang mga pangarap ko." "Bakit di mo agad sinabi sa akin kailangan sa iba ko pa malalaman! pwede mo naman sabihin sa akin ang mga problema mo! di ba sinabi ko sayo lage I'm always here for you". wika ni Daniel na parang batang nagmamaktol. "Bakit ano ba kasi ang problema? baka pwede naman akong makatulong!" "May sakit kasi si Kuya Macmac kailangan niyang ma operahan kaya kailangan kung huminto sa pag-aaral para makatulong kina Nanay at Tatay sa mga gastusin". "Bakit di mo agad sinabi sa akin i can help you regarding about money, pwede naman kitang tulungan at hindi mo na kailangang himinto sa pag-aaral." Mayaman din kasi sina Daniel may sariling kompanya at mga negosyo ang kanyang mga magulang sanay siyang nakukuha niya ang kanyang mga gusto at mga luho, hindi siya namomroblema pagdating sa pera. Ngunit sa simula pa lang ng kanilang relasyon ay tutol na ang Mama ni Daniel kay Cherry dahil malayo ang estado nila sa buhay, Mahirap lang sila Cherry isang simpleng empleyado lang ang kanyang Ama at ang kanyang Ina ay nagtatrabaho sa barangay." "Babe, huwag na! alam mo naman kong bakit diba? ayokong isipin ng Mama mo na pera lang ang habol ko sayo! at isa pa nkahanap na rin naman ako ng trabaho kanina at bukas magsisimula na ako sa bago kung trabaho". "Pero Babe pano yung mga pangarap mo? at saka paano naman tayo baka mawalan ka na ng oras sa akin" sagot ni Daniel. "Babe, ano ka ba pwede pa rin naman tayong magkita pagkatapos ng trabaho ko! Andito lang naman ako hindi naman ako aalis ng ibang bansa". Napatawa si Cherry sa kanyang sinabi at niyakap niya ang Nobyo, Ayaw na ayaw talaga niyang tumanggap ng pera galing sa Nobyo dahil gusto niyang patunayan sa mga Magulang ng Nobyo niya na hindi pera ang habol niya dito. Mahal niya si Daniel at mahal na mahal din siya nito. Gumanti ng yakap ang Nobyo at hinalikan siya sa Noo! Pagkatapos ay Sumakay na silang dalawa sa kotse at sasamahan niya ang Nobya papuntang hospital para dalawin ang kapatid nitong naka confine. Huminto sila saglit at Bumili ng mga prutas ang nobyo niya para pasalubong sa kapatid niyang may sakit. "Babe tama na yan sobrang dami naman ng binili mo," hindi naman mauubos ni Kuya lahat ng mga iyan!" saway ni cherry sa Nobyo. "Ano ka ba Babe konti lang naman to at saka yung iba para sa Nanay at Tatay mo siyempre unang beses ko silang makikilala kailangan magpa pogi points ako! sabay kindat sa nobya". Ito kasi ang kauna unahang pagkakataon na makikilala ng mga magulang ni Cherry ang kanyang Nobyo! Nababanggit niya ito sa kanyang pamilya ngunit ni minsan hindi niya kasi ito dinadala sa kanilang bahay kasi nahihiya siya dahil maliit lamang ito kompara sa mansiyon ng kanyang Nobyo! hindi naman maarte si Daniel kaso si Cherry talaga ang ayaw na pumunta ang Nobyo sa bahay kasi nahihiya siya dito, marami na kasing sira at tumutulo na pag umuulan ang kanilang bubong. kaya Gusto niya munang ipaayos ang kanilang bahay bago niya ito dalhin! yung desenting tingnan kahit maliit lang ito! kaya nga gustong gusto niyang makapag tapos at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD