Biglang isinugod sa hospital si Macmac ng kanyang mga magulang dahil bigla nalang sumakit ang dibdib nito at nagsusuka.
"nay tay ano pa ang nangyari kay kuya Macmac?" tanong niya sa mga Magulang.
"Hindi pa namin alam anak nasa emergency room pa ang kapatid mo at tinitingnan pa ng mga doctor kinukuhanan pa siya ng mga laboratory para malaman ang sanhi ng paninikip ng kanyang dibdib"
"Doc! kumuzta po ang kuya ko? ano po ba ang sakit niya?".
"Hindi ba nasabi sa inyo ng kuya mo ang tungkol sa sakit niya?"
"ano pong ibig niyong sabihin Doc?"
"iha matagal ng may sakit sa puso ang kuya mo hindi siya pwedeng mapagod ng husto at kailangan nyang ma operahan agad"
"Magkano po ba ang kakailanganin naming pera para sa operasyon na yan doc? tanong nang nanay ko na bakas ang sa mukha ang lungkot at pag-aalala".
"kailangan niyong maghanda ng malaking halaga, nasa five hundred thousand pesos ang kakailanganin ninyo para sa operasyon at dahil hindi kompleto ang pasilidad ng mga hospital natin dito kailangan ninyong dalhin sa maynila ang pasyente at doon magpagamot, maiwan ko na po kayo".
Umalis na ang Doctor at naiwan kaming tatlo ni nanay at tatay.
"Anong gagawin natin ngayon saan tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga Kanor?" tanong ni Nanay kay Tatay na walang tigil sa pagbuhos ang mga luha.
"Tumahan kana Minda hayaan mo at hahanap ako ng paraan. Susubukan kung manghiram ng pera sa mga kaibigan ko may awa rin ang diyos malalampasan din natin ang pagsubok na ito".
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng aking mga magulang at iniisip kung paano ko sila matutulungan sa kanilang problema,
Maya maya ay nagpaalam na ako para umuwi ng bahay.
"Nay, Tay uuwi po muna ako at babalik nalang po ako bukas ng umaga"
"oh sige anak, mag-iingat ka dahil gabi na ikaw na muna bahala sa bahay at sa bunso mong kapatid"
"opo, Inay"
Habang naglalakad ako pauwi iniisip ko pa rin kung paano ko matutulungan sila nanay at tatay hanggang sa nakapag desisyon akong huminto nalang muna sa aking pag aaral at maghahanap nang trabaho para makatulong sa aming mga pangangailangan.
Third year college na ako ngayon sa kursong TOURISM, isang taon nalang sana at gagradute na ako. wala naman kaming binabayaran sa eskwelahan dahil under SCHOLARSHIP PROGRAM naman ako pero kailangan kung huminto para makatulong sa gastusin sa pagpapa hospital nang kapatid ko at pangangailangan sa bahay.
"bukas na bukas din ay maghahAnap ako ng trabaho"sabi niya sa sarili.
nang bigla akong nakarinig ng malakas na busina at nabangga sa isang maganda at magarang sasakyan!
"Arrayyy!" bigla akong natumba at tumama ang legs ko sa isang matulis na bagay nagkaroon ito ng kunting galos. bumaba ang lalaking nagmamaneho ng kotse.
"Miss magpapakamatay ka ba? sarkastiko niyang tanong.
"tumingin ka sa dinadaanan mo ng hindi ka nakaka istorbo ng ibang tao"
"Sorry po Sir" pilit akong tumayo at inayos ang aking sarili. lumapit siya sa akin!
"Ayos ka lang ba? pasensiya kana sa mga nasabi ko kanina medyo mainit lang ang ulo ko"
"Okay lang po yun kasalanan ko din naman hindi ako tumitingin sa aking dinadaanan, ayos lang po ako kunting galos lang po ito malayo sa bituka"
"halika at dadalhin kita sa hospital para matingnan ka kung may bali ka, may masakit ba sayo?"
"naku huwag na po Sir okay lang po talaga ako baka lalo lang madagdagan ang alalahanin nila ni Nanay kapag nalaman pa nila itong nangyari sa akin."
"Bakit ano ba ang problema?"
"Nasa Hospital po kasi ang Kuya ko ngayon kailangan niyang ma operahan dahil may sakit siya sa puso"
"ganun ba? cge kung ayaw mong magpadala sa hospital ito tanggapin mo nalang ito. tulong ko nalang pangdagdag sa gastusin niyo sa pagpapagamot ng kuya mo!"
"Naku sir salamat nalang po hindi ko po matatanggap yan, baka isipin niyo pa pong nang momodus ako kahit kailangang kailangan namin ng pera ngayon pero hindi ko po matatanggap ang perang hindi ko pinaghihirapan"
"oh cge kung ayaw mong tanggapin ang tulong ko hayaan mo nalang ihatid kita pauwi sa inyo para makabawi ako sa pagkakabangga ko sayo. Siguro naman hindi mona ako tatanggihan"
Pumayag na lang din akong ihatid hanggang sa babaanan malapit sa bahay namin para makauwi na ako at walang kasama sa bahay ang nakababata kong kapatid.
kinaumagahan maaga akong nagising at naghanda ng almusal at magsisimula na akong maghanap ng trabaho. tumitingin ako sa mga ADS at may nakita akong naghahanap ng isang office staff! pupuntahan ko ito pagkatapos kung dumaan sa paaralan para formal na magpasa ng letter na hihinto na muna ako sa aking pag aaral.
Maraming kompanya ang pinasahan ko ng resume pero hindi pa rin ako natatanggap dahil may experience sa trabaho ang hanap nila. naisipan kong daanan sila nanay sa hospital at ako na muna magbabantay sa kuya ko para makauwi sila ng bahay para makapag pahinga at makapag bihis.
"Mano po Nay, mano po Tay"
"Anak bakit ang aga mo pumunta dito sa hospital wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni nanay!
"huminto na po ako ng pag-aaral Nay nagpaalam na po ako sa school kanina, pagkatapos ay nag apply po ako ng trabaho para po makatulong sa gastusin sa pagpapagamot ni Kuya"
"Anak pasensiya ka na kailangan mo pang magsakripisyo alam naman namin na gustong gusto mo talagang makapag tapos ng pag-aaral,"
wika ni Itay na halos mangiyak ngiyak
"Sus! ito naman si Tatay nagdadrama naman"
sagot ko na pilit ngumiti.
"ayus lang ho iyon Itay marami pa namang pagkakataon para makapagtapos ako sa kolehiyo hindi naman po tatakbo yung paaralan!" sabay tawanan kami.
Biglang tumonog ang aking cellphone at may nagtext na unregistered number binuksan ko ito at binasa
"Good day Ms. Cherry Villaver "
"Regarding to your application You are requested
to call for interview tommorrow 8am, at 143 street, mineyours incorporated!"
Sincerly yours,
Vince Ralph
HR MANAGER