RD 4

1340 Words
Nagsimula ang klase namin sa History tungkol sa kasaysayan ng mga Pilipino. Ayon sa librong Makabayan kung saan tinatalakay ang kasaysayang Pilipino ang tinuturo samin ni Sir Shima. "Salamin ng nakaraan ang kasaysayan. Ang mga nakatakdang pangyayari saan man at kailanman, maging sinuman ang ninuno, ang bumubuo ng kasaysayan ng lahi. Nagbibigay ito ng larawan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sakanilang pag-aangkop sa kapaligiran at pakikibagay sa nagbabagong kabihasnan hanggang sa kasalukuyan. Mahalaga ang kaalaman o natutuhan sa nakaraan sapagkat batayan ito kung paano binabago o pinagbubuti ang kasalukuyang pamumuhay at ang darating pang panahon."mahabang litanya ni Sir Shima saka nagtanong sa mga estudyante. "Mister Panganiban, maari mo bang talakayin ang sistema ng pamamahala ng mga Pilipino?"tanong ni Sir Shima. Tumayo naman si Aikee at seryosong nagsalita. Kunot ang noo. Sa bawat pagsasalita niya nalabas dimples niya! Jusko! Gwapo talaga! "Bago pa man dumating ang mga Español may sarili ng tradisyon at kultura ang mga Pilipino. Sa pakikipagkalakalan nila sa mga taga-karatig bansa tulad ng China, Indonesia at mga bansang Arahe, nabuo ang mga unang pamayanang Pilipino. Unti unti silang nagkaroon ng pamahalaan sa pamamahala ng mga datu. Ang pamahalaang ito ang gumagabay sa pang araw-araw na pamumuhay at pakikipag ugnayan ng mga Pilipino sa loob ng kanilang pamayanan at maging sa mga dayuhan."mahabang sambit nito saka tumingin sa guro. "Ayon sa uri ng kanilang pamamahala..may mataas na antas ng pamumuhay sa lipunan ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Español. Makikita ang mga bagay na ito sa paniniwala, kaugalian at tradisyon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Bahagi ng naturang pamumuhay ang pagkakaroon ng sistema ng pamamahala upang higit na maging maayos ang pamumuhay sa lipunan. Batay sa pag aaral ng mga dalubhasa sa kasaysayan, dalawa ang uring pamahalaan na naitatag noon ang tawag ay barangay at ang sultanato."sunod niyang sambit. Pinalapit naman siya ni Sir Shima sa harap at doon pinagsalita. Hanggang dito ba naman dala ni Aikee ang pagiging genius. Halos mapanganga naman lahat ng kaklase namin sa naririnig kay Aikee lalo na ang mga may dugong Pilipino talaga. Hindi sila makapaniwala. "ang salitang barangay ay halaw sa salitang balanghai o balanghay na ang kahulugan ay isang bangka na gamit ng mga malay. Ayon sa mga librong nabasa ko patungkol sa kasayasayan, ang barangay ay ang uri ng pamahalaan na sinusunod noon pero hindi nito sakop ang buong bansa. Bawat barangay ay sumasakop sa isang lugar lamang. Karaniwan din itong binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya di tulad ngayon na lagpas isang daan na. Malaya sa isa't isa ang mga barangay noon, bagamat may mga barangay na higit na makapangyarihan kesa sa iba. Sa ganitong paraan, ang mga pinuno ay nagbibigay galang din sa iba, kahit na hindi sakop ng mga ito ang ibang pinuno."aniya saka naglakad papunta sa upuan niya. Nagtawag pa si Sir Shima, dahil sa pagiging dakilang antukin at laging tulog ni Cross siya ang napagdiskitahang tawagin ni Sir Shima. Kinalbit naman ni Rosh si Cross, in that way alam na ni Cross ang gagawin niya. "Ang pinuno ng barangay ay tinatawag na datu. Kabilang sa pamilya ng maginoo ang datu. Ang kanyang katungkulan ay namamana o naisasalin sa panganay na anak na lalaki sa kinabibilangan niyang angkan. Gayunpaman, naigagawad din ang pagiging datu sa sinumang nakagawa ng kabayanihan sakanilang barangay. Malawak ang kapangyarihan ng datu dahil siya ang tagapag gawa ng batas, tagapag patupad, tagahatol sa sinumang lumabag sa batas at siya ang kinikilalang pinuno ng mga mandirigma sa barangay na sakop ng kanyang kapangyarihan. Tungkulin niyang pangasiwaan at pangalagaan ang kapakanan ng buong barangay. May tagapayo ang datu na binubuo ng ilang matatandang kaanib sa barangay. Hinihirang niya ang mga ito sa pag gawa ng mga batas at sa pagpapasya sa mga kasong idinudulog niya. Ang tanda ng pagkilala sakanyang kapangyarihan bilang datu pinaglilingkuran siya ng mga nasasakupan niya at may mga sumasama sakanya sa oras ng digmaan. Ang ilan ay tumutulong sakanyang pamilya sa paghahanda para sa seremonya ng handaan. Nagbabayad ng buwis o produkto ang mga nasasakupan niya sa tuwing anihan. Sila ang nagsasaka sa mga lupang kanilang sakahan."mabilis nitong tinapos ang kanyang sinasabi at naupong muli para ituloy ang naudlot niyang pagtulog. Napanganga sa gulat ang mga kaklase namin. Kanyahang bulungan na sila. Hindi makapaniwala sa pinakita ni Cross, maraming humanga sa talino nito kahit laging tulog sa klase. Kahit kay Aikee na saksakan ng sungit ay maraming humanga. Napangiti si Sir Shima na para bang sinasabing 'I'm speechless' sa sobrang tuwa. Kala niya madidismaya siya. Si Rosh ang nag discuss ng tungkol sa mga batas ng barangay, si Ziegler ang nagtalakay ng tungkol sa hukuman ng barangay at bago matapos ang klase ay pinatalakay ni Sir kay Cloud ang tungkol sa pakikipag ugnayan sa ibang barangay na nasagot naman nila ng tama at sobra. Pambihira talaga sa katalinuhan ang mga to. Kahit di sakop ng history ng mga Hapon ay nasasagot parin nila. Habang naglalakad kami palabas para pumunta sa holoseyo kung saan kami kakain. Napadaan kami sa abandonadong building. Napatigil sila kasama ako sa sang sang na naamoy namin. Imposibleng walang dumadaan dito na hindi nila yun naamoy. Sobrang baho. Sabay sabay kaming pumasok sa loob. May ibang nakakita samin na gumaya samin. Pagsindi namin sa mga kahoy na nakalagay sa bawat gilid sa mismong pader bumungad samin ang isang lalaking estudyante na naliligo sa sariling dugo konti nalang ang sariwang natulo rito. Dahil halos natuyo na lahat. Napaluhod ako sa sobrang takot at trauma. Hindi parin nawawala sakin ang phobia ko sa dugo. Naiyak nanaman ako. Sa tinagal na panahon ngayon lang ulit ako nakakita ng corpse. Last na nung sa Spring High. Inalalayan naman ako nila Ashton at kinalma. Hindi ko alam kung bakit at panong nangyari yun na may pinatay nanaman dito. Nagsimula nanaman magbulungan ang mga tao. "si Daruma yan diba? Chojuho Daruma ng Kuro section. Anong nangyari sakanya?"bulungan ng mga kapwa namin estudyante. Saktong dating naman ng Student Council na siyang nakapagpahawi samin. Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Aikee kina Ruselle at maya maya pa tumango si Ruselle at hinayaan si Aikee. Kinausap din niya ang bagong Inspector sa tulong ni Ruselle. Kala ko okay sila pero napansin kong nagkasamaan ng tingin ang dalwa. Kinausap naman ni Aikee sila Cross at napansin kong tumango ang mga ito. After 10 minutes may kung anong dala na sila Simon. Tapos sila Cloud naman kasama ang lagi niyang kasama ay lumabas ng room. Limang minuto lang ang pagitan bago sila bumalik. Nagsimula na silang magdeduct. "We found a code that show who's the killer."panimula ni Aikee. Panay naman ang bulungan ng iba patungkol sakanila. Para bang nayayabangan ang ilan. Ang iba naman napahanga agad. Pinakita naman ni Cross yung nakasulat sa pader gamit ang kahoy na may apoy. AKLR "anong ibig sabihin niyan?"tanong ng mga estudyante. "pangalan yan ng killer which is SHINO.. Gumamit ang biktima ng Keyword Cipher." Tapos pinaliwanag ni Aikee yung tungkol doon. KEYWORD CIPHER "The keyword given will be inserted as first in the sequence of alphabet and letters should never repeat." AKLR = SHINO Napapalakpak ang ilan. Napahanga silang lahat maging ang Inspector. "Bukod doon natagpuan ang kutsilyong ginamit sa pananaksak sa biktima sa mismong damuhan sa gilid ng abandonadong room na ito. Ayon sa pagsusuri nila Xavier natagpuan ang finger prints ng salarin dito. Nakatanggap ng tatlong saksak sa dibdib ang biktima na siyang ikinamatay nito. Tanging si Shino Takara lang ang maaring salarin dahil siya lang ang kagalit ng biktima ayon sa source nila Rosh."agad namang kinumpirma ng Inspector at ng iba pa ang tungkol doon. Nung lumabas sila Cloud para mag imbestiga. Si Xavier at Xander ang gumawa ng paraan para tingnan kung match ang finger prints sa papamamagitan ng pagkuha ng panyo ng salarin. "Cased Close."sambit nila saka umalis na kami sa pinangyarihan. Naging mas ayos ang araw namin sa nakalipas na buwan. Mas naging protective silang lahat sakin at sila rin halos ang kasama ko palagi. Hindi sila nagsasawang asikasuhin ako. Kapag may di ako alam tinutulungan ako nila Zeke at Ashton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD