Prologo
Sa mundong ito may mga bagay na hindi natin inaakalang mangyayari. Mga bagay na akala natin ay hindi natin mararanasan. Subalit wala tayong magagawa kung iyon ang nakatakda. Kahit ayaw natin, kahit anong gawin natin hindi natin matatakasan iyon. Pero hindi ko akalain na iyon din ang ikakasira ng aking buhay...
Malungkot na ngumiti si France habang inaalala ang mga oras at araw na kasama niya ang kanyang mga mahal na kaibigan.
"Siguro nga, hanggang dito nalang. Dahil huli na..."aniya.
"I won't make you forgot your dreams. I'll be with you while you're building it."- Aikee
"I'm not a superhero who'll always save you from anything but I am a walking-computer that help you to survive and reaching the Finish Line without Losing.."- Aelon
"Many people says, Science is everything but for me? You're my everything."- Jake
"No one is perfect. There's no a perfect relationship but always remember that when you and I are in a relationship. I will make it beyond perfect."- Ark
"If you're tired for today, let me handle your day. To lighten up your mood right away."- Lance
"Choose the one who can make you smile not the one who make you sad. Choose me, instead."- Chester
"There's no so-called-Forever, but let me remind you that I can love you till my life is over."- Cross
"If heaven don't accept you. Don't worry I will."- Cloud
"Even if I'm not the one. Always put in your mind that you're my only one."- Xander
"If I can't have you today, I can wait till that day."- Xavier
"If he can't take care of your feelings. He's a jerk. But thanks for him being like that. I can have you because I'm a good boy."- Zeke
"Army, Navy, Police are protector of one country to another but me? Being Ziegler is born to be your protector. Even if I lost my own. I still going to protect you, no matter what."- Ziegler
"I don't care about rejection. All I care about is, your safety and protection. Even if I can't have you."- Ashton
"Still the man who makes you happy and contented. Many said, laughter is the best medicine..for me, you're my best medicine."- Rosh
SIMULA...
Isang panibagong kabanata para sa buhay kong kung ano ano ang natatamasa. Hindi man ito yung buhay na pangarap ko. Hindi ako nagsisising nararanasan ko ito. Hindi dahil alam kong susukatin nito ang tatag ko at talino. Maging ang katapangan at pananampalataya.
Pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko to. Kahit sobrang gulo.
I am France Ae Rheys Donmeza, 22 years old. Mula sa Spring High, at nalipat sa Tokyo High dahil sa sakuna ng buhay nakaraan.
Sa paglipat sa Tokyo High ay siyang naging normal na pamumuhay sa araw araw. Naging masaya naman ang Grade 9 hanggang K12 ko. At walang pinagbago sila Aikee parin ang kasama ko.
Dahil gusto naming makarating sa bansang kinalakihan ko kahit hindi ako Filipino, napamahal na ako dito. At dahil sa kuryosidad at kagustuhang makarating roon ng mga mokong ay napag desisyunan naming doon na kami mag aral sa Kolehiyo.
Kaya ngayon..
Sama sama kaming sakay ng pribadong eroplanong pag aari ng mga Tokugawa-Panganiban.. Patungo sa sinasabi nilang Lost Island.
Doon raw kami mag aaral sabi ng mga mokong. Matagal na raw silang kuryoso sa nasabing isla.
Dahil sikat ito sa mga matataas na antas ng tao sa lipunan. Dito kami nais pag aralin ng aming mga magulang dahil sa magandang edukasyon at matibay na seguridad para sa aming proteksyon. Tanging mga angat sa buhay lamang ang nakakapag aral dito.
Sana lang hindi na nauso ang discrimination pagdating sa papasukang eskwelahan. Tipong lahat pantay pantay. Kaya lang naiintindihan ko rin na marami sa mga mayayaman ang nakakaranas ng kidnapped at maraming klase ng banta sa buhay.
Hindi lahat safe, hindi lahat gusto na maging mayaman. Kasi minsan kung sino pa yung mga angat sa buhay sila pa yung hindi masaya sa buhay. Tipong kahit nasa kanila na lahat kulang pa rin. Minsan lumalabas na hindi sila kuntento. Pero hindi naman alam ng ibang tao na, hindi lahat ginusto ang marangyang buhay kung kulang naman sa pagmamahal at kalinga ng magulang o mahal sa buhay. Yung hindi pera o materyal na bagay ang makakapagpasaya sakanila. Kundi yung tahimik at maayos na pamumuhay. May kumpletong pamilya na kapag uuwi ka sasalubong sila sayo.
Hindi rin lahat ng mayaman mapagmataas o matapobre meron pa namang ilan na gusto ng ordinaryo at simpleng pamumuhay at bagay bagay. Nakikibagay sa kung saan sila nakadestino.
Hindi mayabang at may malasakit. Tipong mabait mayaman ka man o mahirap. Hindi ka aapihin.
Ganoong klase ng buhay yung gusto ko. Makasalamuha ang mga ganyang tao.
Sa tingin ko nakilala ko na sila. Ang Section B na kasa-kasama ko mula pa Spring High.
Kaya lang dahil lilipat kami sa Pilipinas. Kung saan mag aaral kami sa Forbidden University na kilalang ROSUTOAIRANDO DAIGAKU, paaralan para sa mga Japanese na katulad namin. Half ka man o buo. Meron ding mga ibang lahi ayon kina Aikee.
Nasa labing apat na libo lamang ang mag aaral ng Rosutoairando Daigaku hindi gaya ng sa Spring High at ibang school.
Dahil royal-blooded lang ang maaring makapasok dito.
Gaya ng Spring High..kapag nakapasok kana hindi kana maaring lumabas. Dahil malayo ito sa kabihasnan. Tipong kahit mga Filipino ay hindi ito nakikita. Tanging mga may access lamang sa eskwelahan ang nakakaalam. Kaya nga tinawag na Rosutoairando Daigaku in Japanese na ang ibig sabihin sa English ay Lost Island University. Walang nakakakilala sa may ari ng isla at paaralan. Maaring lumabas pero hanggang isla lamang. Sakop lang ng isla hindi na maaring tumawid sa ibang lugar.
Ganoon kahigpit ang mga taga Rosutoairando. Para naman yun samin kaya ayos lang.
"Hey! Gising na, Cross! Nandito na tayo."ani Xander kay Cross na himbing na himbing ang tulog.
"Dahan dahan lang tol, baka masapak ka niyan."natatawang sabi ni Rosh na sinabayan pa ng halakhak.
Halos lahat kami nakatingin at naka abang sa pag gising ng antuking Prinsipe.
"C'mon buong biyahe na yang tulog."turan naman ni Xavier habang nag aayos na ng gamit. Nagulat kami nang bigla nalang may lumipad na unan papunta sa natutulog na si Cross. Sapul ito sa muka.
Nagbilang kami ng tatlong beses.
Akala namin magsusuper sayan na si Cross pero mabagal itong nagmulat at nagpungas pungas.
Napahinga kami ng malalim at tumingin sa pinang galingan ng unan. Si Aikee pala na nakasimangot nanaman.
Umaatake nanaman po ang Commander Sungit Syndrome niya. Inirapan nanaman kami.
Sabay sabay kaming tumayo bitbit ang mga gamit nang sandaling tumigil ang yacht na naghatid samin dito sa Isla.
Halos mapanganga naman ako sa ganda ng kabuohan ng isla. Malinis, may puting pinong buhangin, magagandang puno ng Pine Trees, Acacia at ilang cherry blossom. Ito yung islang hindi mainit. May sikat ng araw pero hindi masakit sa balat at hindi maalinsangan.
Dinaig pa ang paraiso sa ganda. Maraming bulaklak na rosas, tulips at zinnia. Sagana sa bunga ang mga puno ng iba't ibang prutas.
Napansin ko nalang na wala na si Xander sa grupo namin dahil nakakuha na ito agad ng mansanas at kinakain na niya. Napailing nalang kami ng natatawa.
"Walang ligtas ang kahit anong pulang prutas lalo na kung mansanas."natatawang sabi ni Ark habang napapakamot sa ulo.
"Dalian niyo na."iritableng saad ni Aikee.
"tara na mga panget."natatawang sabi ni Ziegler. Sabay sabay nilang hinabol si Ziegler na sobrang bilis tumakbo. Tapos nung macorner ni Aelon at Jake. Sinakal nila ng pabiro gamit ang paakbay.
"ayoko na! Mga siraulo!"nahihirapan at the same time natatawang sabi ni Ziegler. Kinutusan naman siya ni Cloud, Cross, at Chester. Suntok na pabiro ang natanggap niya kina Ashton, Rosh, Lance. Samantalang sipa ang kay Zeke.
Isang silver gate ang bumungad samin papasok ng University.
Welcome to
ROSUTOAIRANDO DAIGAKU
Bati samin ng mga guwardiya. Saka kami inassist papasok.