Kung sa labas ng Unibersidad ay nagsusumigaw sa mala-kalangitang ganda.
Isang paraisong tunay ang matatagpuan once na makapasok kana. Bukod sa high-tech ang lahat ng naroon. Maka nature din ang background.
Bawat sulok ng university puros halaman at bulaklak. Marami ding benches na gawa sa silver metal. At may malawak na groundfloor. Triple ang laki at ganda nito kumpara sa Spring High.
Itong loob ng University parang noong Jeoson Dynasty at halo ng Japanese Era ang estilo ng bawat sulok. May mga flag ng bawat bansa ang groundfloor kung saan nakataas ang mga ito. Masayang isinasayaw ng hangin.
Ang bawat antas simula 1st year hanggang 4th year ay hindi magkakahiwalay ang building. Dahil hindi building ang itsura ng magiging classroom namin kundi para itong katulad ng mga kwarto sa palasyo ng South Korea.
Mala-Sungkyungkwan ang estilo ng ginamit. Damang dama ang Japanese Era.
Pero ang mas kapansin pansin ay may mga rebulto ng mga kilalang bayani ng bansang Pilipinas na siyang maayos at organisadong nakatayo sa isang bahagi ng University at kung ano silang klase ng tao noong unang panahon. Ganoon rin ang mga katutubong Ifugao, Badjao o Aetas may mga estatwa rin sila roon na para bang nagroroleplay.
Sa isang sulok naman ay ang mga rebulto ng kilalang scientist gaya nila Aristotle, William Shakespeare, Albert Einstein at ilan pang kilalang Philosopher mula sa iba't ibang bansa gaya ni Plato at Lao Tzu.
At marami pang iba.
Kinabukasan..
Maaga kaming nagising para pumasok sa first class.
Which is Accounting.
Pare-pareho kami ng schedule labing lima. Kaya lang may mga subject na hindi kami magkakasama dahil iba iba kami ng kursong kinuha.
Gaya nang sinabi ko noon tungkol sa pangarap nila at balak nilang kunin ngayong kolehiyo yun ang kanilang kinuha.
"France, hindi mo ba bibilisan? Ang ikli kasi ng binti e. Kaya ayan bahagya na humakbang."nang aasar na sambit ni Rosh. Agang aga nanaman niya. Talaga naman. Sinimangutan ko lang siya at inirapan.
"tigilan mo yan, Rosh baka masapak ka ni France."saway ni Zeke na di pinansin ni Rosh at inasar lang ako lalo.
Imbes na pansinin ang pagiging abnormal niya naglakad nalang ako ng mabilis. Bahagya siya makahabol e. Hanggang sa humalakhak na lang siya. Nabatukan naman siya ni Commander dahil sa kaingayan.
"Wag na wag mong dadalhin dito pagiging abno mo."iritableng saad ni Aikee na kinasimangot ni Rosh. Sabihan mo na siya ng abnormal sa isip wag lang harap harapan.
Dahil tampuhin yan. Pero knowing Aikee. Bigla niyang inakbayan ng pasakal si Rosh.
Tapos nagkuwentuhan na sila.
Ang iba naming kasama ay may kanya kanyang ginagawa.
Si Aelon, naglalaro ng bagong game sa cellphone.
Si Jake nagbabasa ng libro.
Si Xander nakain ng mansanas habang sinipat ang wire na nakonekta sa cellphone na hindi ko alam kung anong klaseng cellphone. Jusko!
Si Xavier, nagbabasa ng libro about heart. Si Ziegler nakikinig lang ng music. Si Lance at Ark nag aasaran dahil sa laro sa cellphone nila. Nagkakapustahan pa ata. Si Cross ayun naglalakad sa kawalan. Mukang antok na antok pa. Langya talaga! Si Ashton panay ang ayos ng brush up niyang buhok. Si Cloud nakain ng cream stick. Agang aga! Si Chester naman panay ang masid sa paligid.
Sa kakatingin ko sakanila nahagip ng mata ko ang mga nakakasabay naming estudyante at ang mga nagkalat na estudyante sa paligid.
Lahat sila nakatingin sa grupo namin. Ang ilan ay mangha, karamihan halata mong nagwapuhan sa mga kasama ko. Tumili din ang ilan na hindi na nakapag pigil.
Sari-saring bulungan ang nangyari. Habang panay ang tapon ng malagkit na tingin ng iba. Yung iba naman pasimpleng kinilig kahit di sila tinitingnan ng mga kasama ko.
"Sino sila?"
"hindi ko alam! Pero may dumagdag nanamang mga gwapo sa RD! Para silang mga adonis sa gwapo!"
"Kaya nga! Lalo na yung mukang masungit na sumaway sa kasama niyang gwapo kanina!"
"Oo nga e! Ang amo ng muka nung mag isang naglalaro sa phone. Ganoon din yung dalwang mukang nagpupustahan!"
"Sinabi mo pa! Ang gwapo nilang lahat!"
"Tama na yan! Nakakahiya kayo! Pero shemay! Ang gwapo nga nila!"
"Praning!"
Ilan lang yan sa mga pag uusap na narinig ko. Pati ba naman dito. Bubulong nalang nga rinig pa. Buti nalang may pagkabingi ang mga mokong. Saka kahit naman marinig o rinig nila wala silang pake e. Hindi sila yung nalaki ang ulo at mag aangas dahil lang may mga taga hanga sila. Yun nga lang snob sila dahil ayaw nilang maging paasa. Wala din silang kinakaibigang babae o kapwa lalaki. Ayos na raw sakanila na labing apat lang sila.
"Wow! Pare..may dyosa!"
"Oo nga pre, sobrang ganda niya."
"Marami ding maganda dito sa RD pero ngayon lang ako nakakita ng combination ng salitang ganda at cute."
"Pre, praning ka? Ganda tapos cute?"
"Wala kanang paki don! Basta!"
"Sino siya? Saka bakit puro lalaki kasama niya?"
"Baka pinsan o kaya kapatid? Baka kaibigan lang?"
Nagulat ako nang biglang huminto ang mga kasama ko. As in huminto sila parang mga sundalo na nagmartsa sabay hinto. Kahit yung mga ginagawa nila.
Sabay sabay pa silang bumaling dun sa anim na nag uusap. Pumantay silang labing apat na para bang sundalong naka line up.
Sabay sabing..
"Approach her and I'll kill you.."
Halos iisa lang ang sinabi nila. Pero grabe! Yung aura! Yung boses ang manly na kikilabutan ka dahil banta ang lumabas sa labi nila.
Napa atras yung anim sabay tango at wala sa sariling yumuko.
Lalapit na sana ko sakanila ng sabay sabay silang humarap sakin at inirapan ako.
Yung totoo? Kelan pa nila namana kay Aikee yan?! Gosh! Cute sana sila gumanon e kaya lang nakakaloka. Tapos para nanaman silang bodyguard na pumalibot sakin. As in..
"OMG! Ang cool nila!"
"Ang cute pa!"
"nakakainlove!"
"tumigil nga kayo. Pero sino ba kasi yung girl? Saka bakit ganon yung itsura at reaction ng mga Adonis na 'yon?"
"Baka naman isang Prinsesa yung magandang babae? Tapos sila yung naatasan na magbantay?"
"Gaga! Posible yun pero hindi naman papayagan ang isang Elite na tunay na mag aral dito. Sobrang delikado kaya!"
"Sabagay!"
"Pero, girl! Ang swerte swerte niya talaga!"
Nakakaloka! Ano ba naman kasi tong eskandalong ginawa ng labing apat na ito.
Napansin ko din na parang may ilang nayabangan sa labing apat. May ilang babae na mababakasan ng pagkainsecure at galit.
Yuyuko sana ako ng humarang si Aelon. "Don't mind them."aniya saka naglakad habang naglalaro ulit. Ganoon din ang ginawa ng iba pero syempre hindi naman sila lumayo sakin.
Mukang mapapaaway ako pati dito. Kahit na wala akong ginagawa.
May limang section bawat year level pero ang nakakatuwa sakanila. Yung limang section na 'yon ay hanggang 4th year na. Halimbawa:
1st year to 4th year Murasaki kana. Kung saan kabilang ang pure blooded Elite. Which is pumapangalwa sa mga anak ng mga Hari at Reyna o Presidente mula sa ibang bansa na ang namumuno ay Royalty.
1st year to 4th year
Shiro sila yung kabilang sa Third class elite in society. Tipong mayamang mayaman sila. Tapos ang Murasaki sobrang yaman.
1st year to 4th year Momo sila yung mga may kanya ng maraming chains of hotel. Mayaman din sila. Pero mas angat sa estado ang nauna.
1st year to 4th year Kuro sila naman ang mga estudyanteng mula sa angkan ng mga Assasins at Mafia. Ibig sabihin sobrang delikado sila.
Ang ikalima ay ang ang 1st year to 4th year Midori sila ang mga mayaman lang. Pero malakas ang kapit.
Hindi agad nagsimula ang first class dahil puro introduce yourself. Pati ba naman dito sa college. Hays! Bukas nalang daw.