Normal naman ang klase sa buong isang linggo. At gaya ng dati kami kami parin ang magkakasama. Sabay kumain at umuwi sa dorm.
Yung itsura ng dorm namin dito ay parang palasyo na maraming kwarto. May hot spring din. Pero walang pool area. Ayos na yun. May malamig namang batis e.
Nakakatuwang isipin na ang estado ng kanilang pagtuturo ay napaka ganda. As in, doble ang pagiging high standard kumpara sa Tokyo High at Spring High. Sabi nila ang RD ay ang dapat maging top list sa College dahil triple ang taas ng pagtuturo dito. Kumpara sa iba. Kaya nga wala kang makikitang lower sections. Ang pinagbabasehan dito ay ang estado ng buhay o pamumuhay ng bawat estudyante dahil likas na sakanila ang pagiging matalino.
Sino ba namang heir o heiress ang hihirangin kung bobo? Right?
"Hi. I am Shin Ae Yeon.. Call me anything or shin for short."napatingin ako sa babaeng kumalbit sakin. Mas matangkad ako sakanya. I think nasa 4'11 lang ang height niya. Pero maganda siya. May mahabang kulot na buhok yung parang pa- wavy..
Nakangiti siya kaya ngumiti na din ako.
"Hello, I'm France Ae Rheys Donmeza.. France nalang."nakangiti ko namang sagot saka kinamayan siya.
"Mag isa ka lang?"tanong ko. Umiling siya saktong dating naman ng babaeng may short hair.
"This is my friend, Hershey Valderama.."ani Shin na tinanguan ko lang na may ngiti sa labi. Naging magkakaibigan naman kami at nagkasundo.
Ngayon lang ako nakakilala ng taong kakaiba. Bakit kakaiba? Dahil halos lahat nagkakagusto sa labing apat. Pero sila? Iba ang gusto.
"Morpheus?"taka kong tanong.. Morpheus daw ang idolo at love na love nila.
"Yep. Morpheus ay isang grupo ng kalalakihan dito sa RD. Sikat sila dahil hindi lang sila gwapo o matalino. Mula sila sa Mafia Clan magaling din sila sa basketball. Binubuo sila ng limang miyembro.. Ang lider nila ay si Russel Cruz..ang underlings niya ay sila Simon James Morgenthau, Dhenry Mendoza Montfort, Vince Alcantara Montgolfiere, at Ian Ivanovich. Kahit na galing sila sa Mafia Clan kabilang parin sila sa Class 1 which is Morpheus."mahabang litanya ni Shin na may nangingislap na mata.
"Bakit Morpheus ang pangalan?"sunod kong tanong.
"hinango nila yun sa God of Dreams in Greek and Roman Mythology, it's read as Mohr-fee-uhs. Morpheus was the son of Hypnos or Somnus, god of sleep. He appeared in dreams in human form and was able to assume the form of any person. Generally,portrayed as winged and carrying clusters of poppies, whose seeds he scattered to induce sleep. Morpheus was sometimes represented as a slumbering child."mahabang sabi naman ni Hershey na siyang nakapagpakunot ng noo ko.
"anong connect non? Yun ang gusto mong itanong tama? Well, they look like a God--God of Dreams. Hindi lang 'yon may history din yun na sila lang ang nakakaalam."tumango nalang ako.
"So misteryoso rin ang katauhan nila?"taka kong tanong na inilingan din niya.
"Hindi. Alam ng lahat ng taga RD ang tungkol sa background nila."saad naman nito.
"lahat? Sigurado kayo?"tumango sila sa tanong ko. Pero hindi ako kumbinsido. Ganoon siguro kapag may history na naloko dahil nagtiwala ako sa panlabas at panloob na kaanyuan at ugali pero hindi lahat ng nakikita at nararanasan ay totoo. Kadalasan kulang pa yun.
Mahirap kasi maniwala. Wag na wag magtitiwala lolokohin ka lang niyan.
"Matanong ko lang, siguro naman kahit di pa nakikita kung sino ang may ari ng school kilala niyo siya?"tanong ko ulit.
"Si Sergio Montecarlos Montezuma II, galing siya sa angkan ng Montezuma.."ani Hershey sa seryosong tono. Anong meron?
"Montezuma? Hindi ba yun yung pangalan ng Aztec Emperor?"tumango naman sila.
Nalaman kong kaklase ko din sila sa History. Ang una naming tinatalakay ay ang tungkol sa Montezuma II clan.. Hanggang sa Aztec Emperor.
Si Sir Shiro Shima ang professor namin ngayon.
"Nag simula ang pagbuo ng unibersidad na ito noong taong 1502 na tinatag ng Aztec Emperor na si Montezuma II it is pronounce as Mahn-tuh-zoo'-muh."aniya saka sinabi ang ilang nacontribute nito sa Mexico at ibang bansa.
Saka kinuwento ang isang mahalagang parte ng buhay ni Emperor Montezuma II.
"The Aztec Emperor Montezuma (r.1502-20) occupied the throne when the Spaniards under Hernàn Cortés landed in 1519 inside Mexico. He is also known as Montezuma II to avoid confusion with Montezuma I(r. 1440-69). Unlike previous Aztec Rulers, who were great warriors, Montezuma II was more interested in sorcery and philosophy than in war. When a study of omen and prophecies convinced him that the Spaniards were gods, he concluded that he was doomed. Instead of fighting the Europeans he tried to deter them by trickery, magic and offering gifts, when that failed, Montezuma allowed Cortes to enter in 1519 the Island of Tenochtitlan without a battle and received him in his court."kuwento ni Sir habang nakamasid samin. So? Mabait pala ang Emperador? Kaya lang kawawa siya.
"Montezuma was taken prisoner without resistance, but the brutal conduct of the invaders aroused the anger of the Aztec city's inhabitants."saka niya pinakita samin ang larawan noon sa librong binigay samin isa isa.
"Aztecs managed to drive the foreigners out for a short while but during the ensuing battle. Montezuma died under mysterious circumtances, he was killed either by the Spaniards or by his own people."aniya saka nagpatuloy.
May nagtaas ng kamay para magtanong.
"Sir? Why Rosutoairando Daigaku ang pangalan ng eskwelahan? Saka bakit tinawag na Ushinawareta shima ang isla? Diba po ang ibig sabihin nun ay Lost Island? Tapos ang ibig sabihin ng Rosutoairando Daigaku ay Lost Island University in english.."mahabang litanya ni Shinohara. Tumango naman ang professor namin saka inayos ang salamin.
Gwapo si Sir, wala ata akong nakitang teacher dito na pangit. Halos lahat sila mukang bata at may itsura.
"tama ka, Lost Island nga ang ibig sabihin ng pangalan ng isla at Lost Island University naman kung saan tayo nakatayo. Bakit? Dahil misteryoso ang pagkawala ni Emperor Montezuma hanggang ngayon hindi parin matukoy kung sino o siya nga ba ang may kagagawan ng pagkamatay niya."mahabang paliwanag ni Sir. Saka tumingin sa isa pang estudyanteng nagtaas ng kamay.
"Sir? Nakakapagtaka po na isang Aztec si Emperor Montezuma pero bakit Japanese ang pangalan ng isla at school?"takang tanong ni Temari, tama nga naman bakit parang ang gulo?
"Bawat pamilya ay may tinatawag na Family Tree.. Mula sa kanyang angkan hanggang sa salinlahi nito. Nagkaroon ng dugong Hapon ang ilang pamilya ng Montezuma sa paglipas ng ilang dekada kaya ang Montezuma University noon ay ginawang Rosutoairando Daigaku..isa pa tinawag itong Lost Island dahil matagal na itong nabura sa mapa. Ni walang Filipino o ibang lahi ang nakakaalam nito maliban sa mga maharlika gaya ni Emperor Montezuma."napatango nalang kami sa paliwanag niya. Napakamisteryoso.
"Sir? Saka bakit dito sa Pilipinas ito itinayo? Hindi po ba na isang Aztec si Emperor Montezuma?"tanong naman ni Tomoyo.
"Dahil may busilak na puso ang Emperador sa tagal niyang nakaupo sa pwesto naranasan niya ding libutin ang buong mundo at ang Pilipinas ang isa sa minahal niyang bansa. At dito sa islang ito siya tumuloy at naglagi. Binili niya ito sa mga datu at Rajah na siyang tinaguriang presidente noong unang panahon."napanganga kami sa kuwento ni Sir. Grabehan! Ang lupet lang ng History!