Nagkaroon ng Victory Party sa Department nila Aikee. Sama sama silang nagpunta sa Japanese Bar. Magkasabay sila ni Cloughessy na dumating sa lugar. Nagstay silang lahat sa VIP Room at masayang nag inom habang nagkakaraoke. Kinanta naman ni Cloughessy ang.. Hayaan mo lang akong ibigin ka na isinulat ni Hershey. Nakinig ang lahat sakanya habang nag iinom. Kahit nahihirapan na ako Hindi parin ako susuko Dahil ikaw ang aking sandigan Handa akong masaktan Basta't ika'y ipaglalaban Wag na wag mong Sasabihing ika'y Walang halaga Hindi ako manhid Para di maramdamang Ika'y may lugar dito Sa aking puso.. Sobrang ganda ng boses nito. Damang dama ng mga nakikinig ang sakit at lungkot sa bawat bigkas niya ng salita. Hayaan mong ipaglaban kita Hangga't kaya ko! Hayaan mong masaktan ak

