PUPUNGAS-PUNGAS pa si Timothy nang maramdaman ang pagyugyog at marinig ang pagbulong ng kanyang ama. He automatically touched his head because of hangover when he finally opened his eyes. Sumalubong kaagad sa paningin niya ang mukha ng ama—his deep set of eyes, chiseled nose, and thin lips na obviously ay namana niya rito. Ang tanging pinagkaiba lang nila physically ay ang kanilang buhok. His father got a straight hair while he has a black wavy hair na namana niya naman sa kanyang ina.
He was about to get up when he felt a weight on his left shoulder. Napasinghap siya nang malamang may katabi siyang babae na tulog na tulog pa rin sa pagkakaulo sa balikat niya.
“What the—!” parang natauhan na bulalas niya. Then remembered what happened last night.
“Fix yourself, young man, and when I get back, siguraduhin mong wala na ang babaeng ‘yan dito!” full of disappointment na wika ng kanyang ama saka mabilis na lumabas ng kuwarto niya.
Hindi na siya nakaimik pa. Kahit pa nga masakit ang ulo ay pinilit niya ang sariling bumangon at gisingin ang babaeng ni hindi niya matandaan ang pangalan. She was literally n***d. Her blonde hair was messy and her lipstick was smudged around her lips. Last night was just one of those nights whenever he wanted to forget his pain.
“Call me anytime, baby,” wika ng babae pagkapagbihis. Pagkuwa’y walang pasabing pumulupot sa batok niya at mariin siyang hinagkan. A possessive and deep kiss na ni hindi man lang nakapagpaapekto sa kanya.
“Of course!” tugon niya saka ito pinalo sa p***t.
Malandi itong lumabas ng flat niya at bago pa man niya maisara ang front door ay nakita na niya ang madilim na mukha ng daddy niya na noo’y nakasandal sa tabi ng bintana ng hallway na katapat mismo ng pintuan ng flat niya.
Nagpakawala siya nang malalim na hininga bago bumalik sa loob ng flat. Hinayaan lamang niya iyong nakabukas para makapasok ang ama. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa ng daddy niya. He needed it badly dahil parang binibiyak ang ulo niya.
Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang muling pagsara ng pintuan. Agad siya sinalubong ng nag-aapoy na mata ng ama.
“What’s wrong with you, Timothy? What’s got into you this time?” Dumagundong ang galit na boses nito sa loob ng flat niya kasunod ng malakas na pagbagsak ng mga palad nito sa lamesa.
Umupo siya sa stool at itinukod ang dalawang kamay niya sa lamesa bago marahang minasahe ang ulo niya. All he needed now is a quiet place at hindi sermon, na imposibleng mangyari lalo’t umuusok ang ilong ng ama niya sa galit.
“Not now, dad, please,” malumanay niyang pakiusap habang nakatungo pa rin at nakapikit ang mga mata.
“I’ve had enough of this childishness, Timothy! It’s been over six months and look at you… you’re a mess! Hindi ka na bata para magkaganyan ka nang dahil lang sa babae!” galit na sermon ng matanda. He then sharply exhaled. “I know better than anyone else what you’re going through, but life must go on. I told you so many times. Just move on—”
“I’m trying, dad. Can’t you see that I’m trying? For God’s sake, huwag mo na muna akong sermunan ngayon. I’ve got one hell of a headache—”
“You’re going back to Manila!” sigaw nito.
“What?” maang niyang tanong.
“You heard me right. Babalik ka sa Pilipinas. Aayusin mo ‘yang sarili mo and you will come back here kapag kaya mo nang bumalik sa trabaho. Nakausap ko na si Von. You’ll stay with him habang naroon ka. You’ll stay there until you’re back to your senses,” pinal na pahayag nito.
“But, dad—” Magpoprotesta sana siya ngunit pinanlisikan siya nito ng tingin.
“No buts! I’ll not sit back here and watch you ruin your life. Not on my watch! I told you, forget Nina.” His father exhaled deeply, looked up then kept quiet for sometime before looking back at him one more time. “You deserve someone better, anak.” Sa pagkakabigkas ng huling pangungusap ay bumalik sa normal ang lakas ng boses nito. Wala na rin ang galit na nakabalatay sa mukha nito kanina.
Umiling na lang siya saka ibinagsak ang noo sa lamesa. He couldn’t argue anymore. Perhaps, his father is right. Maybe leaving the UK for now will help in mending his broken heart… hopefully.
***
TIMOTHY closed his eyes and filled his lungs with air at the airport’s arrival area. Iginala niya ang mata sa paligid at bahagyang ngumiti.
“It’s nice to be back, bayan kong sinilangan!” he murmured then pulled his baggage.
He looked around then checked his wristwatch. Early arrival ang flight niya kaya siguro wala pa si Von.
Just when he was about to cross the road ay biglang may kumuha ng maleta niya.
“Brad! Akin na ‘yan!” anas ng isang lalaki sa mababang boses na bahagyang nakapagpakaba sa kanya lalo’t marami siyang nababalitaang krimen na ang puntirya ng mga kriminal ay mga bagong dating na OFW o mga dayuhan. Napalunok siya saka lakas-loob na pumihit. Ganoon na lamang ang pagluwag ng paghinga niya nang makilala ang kanina’y nasa likuran niya.
“Devon!” bati niya. “Pinakaba mo ako, ah! I didn’t recognize your voice!” patuloy niya pagkakita kay Von na noo’y malapad na ngumiti.
Mabilis silang nagyakap. Mahigit tatlong taon na rin ang lumipas buhat nang huli silang magkita ng matalik na kaibigan.
“Let’s go,” yakag nito saka kinuha na nang tuluyan ang maleta mula sa pagkakahawak niya.
“I still can’t believe na pumayag kang maging babysitter ko,” birong-totoo niya sa kaibigan habang lulan sila ng sasakyan nito palabas ng airport.
Nilingon siya nito saka ibinalik ang paningin sa kalsada.
“Why not? It’s been a while since I took a break from work. This is a good timing for me,” seryosong sagot nito.
“Thanks!” sambit niya saka mapait na ngumiti.
“Thanks for what? We’re basically brothers, Tim. I should have been there when you needed me. This is the best I can do for you.” Tumingin ito sa kanya saka ibinalik ang atensyon sa kalsada.
“How about Khel? Kumusta na kayo?” usisa niya tungkol sa nililigawan nitong estudyante.
Awtomatikong nagliwanag ang mukha nito nang marinig ang pangalan ng babae. Yes, his best friend is no doubt in love, at last.
“We’re good. But let’s not talk about us now. Let’s talk about your plan. I’m free,” sambit nito. However, he could still see a bit of excitement in Von’s face dahil hindi mawala-wala ang impit na ngiti nito sa labi.
Nagkibit-balikat siya saka umayos ng upo at tumitig dito.
“Seriously, Von, hindi kaya nakulam ka? Ano’ng ginawa niya sa iyo, ha? You looked like a heart emoticon, pards!” malakas na alaska niya rito. Umalis siya sa pagkakasandal mula sa upuan, itinupi ang long sleeves saka huminga nang malalim at pumikit na para bang nagdarasal. Mayamaya ay itinapat niya ang dalawang kamay sa ulo nito na wari ay nagsasagawa ng orasyon. “Kung sino ka man na nasa katawan ng kaibigan ko… labas!” bulalas niya kasunod ng pag-igkas ng mga kamay sa ibabaw ng ulo nito.
Napabunghalit ito ng tawa saka marahang umiling.
“I missed you, pards! ‘Yong ganyang mga banat mo, the best talaga!” anito habang patuloy ang paghalakhak. Bentang-benta talaga rito ang jokes niya.
“Nobody can replace Tim in your heart, pards! Nag-iisa lang ‘to!” aniya bago humikab. Mahigit sixteen hours ang ibiniyahe niya at ngayon niya naramdaman ang antok at pagod.
“Seriously, how long do you plan to stay, pards?” pagkuwa’y tanong nito nang tumigil sila sa stoplight.
“Probably a month? Two months? I’m not sure,” sagot niya. His father bought a one-way ticket at bibilhan lang daw siya nito ng return ticket pabalik sa UK kapag kinumpirma na ni Von na okay na siya.
Tumango lang ito, pagdaka’y muling nagtanong. “Are you hungry? Gutom na ako. Where do you wanna eat?”
“Likewise. Hindi ko gusto ang food sa flight,” aniya saka nag-inat. “Ikaw, kahit saan,” pakli niya.
“Got it!” sambit nito saka pinaharurot ang kotse.