Hindi ako mapakali dahil isang linggo na ay hindi pa rin ako kinokontak ni Raphael. Nakailang chat at call na ako sa kanya ngunit walang sumasagot. Delivered lang at hindi man lamang niya binubuksan ang mga chat ko. Masyado na akong kinakabahan, ayaw ko man na umiyak ay hindi ko mapigilan. Sa tuwing tunog ng aking telepono ay tila naman tumitigil ang pagtibok ng puso ko. "Okay ka lang ba?" Napabaling ako sa nagsalita. Nasa pinto ko si Kristel at nakatunghay sa akin. Kagagaling niya lamang trabaho samantalang ako ay umabsent dahil sa pananakit ng ulo. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa telepono na umiling. Nagbadya ang luha sa mga mata ko. "Natatakot ako Kristel. Hindi pa siya tumatawag. Hindi pa siya nagpaparamdam..." hagulgol ko. Ayaw ko man maging mahina sa harapan ng kaibigan

