Alas dos ay nagpasundo na ako kay Kristel dahil natapos naman na ako sa trabaho. Muli akong nagpakawala ng buntong hini ga habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ni Kristel. "Anong problema mo? Kanina ka pa buga nang buga ng hangin diyan ah. May nangyari ba sa iyo sa hotel?" tanong niyang napasulyap sa akin. Nakanguso akong lumingon sa kanya. "Wala!" Pagsisinungaling ko kahit na hanggang ngayon ay binabagabag ako ng nangyari kanina. Pati na ang pagkalito ko sa biglang naramdaman na hindi ko maintindihan. Sa tanda kong ito, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. And I dont like it. Muli akong bumaling sa labas habang napakagat labi. Ayaw kong magkuwento kay Kristel dahil mali na makaramdam ako ng ganito. Mali ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Kailangan pa ba akong sumama sa

