"Liegh." Napatakip ako aking bibig. "Bebe." Lalo akong naiyak nang magsalita na siya at tawagin ang pangalan ko. Namamaos rin iyon at tila pagod na pagod. "I want to be with you...ayaw ko rito. Ayaw kong mawala ka sa alaala ko," usal niyang garalgal ang boses. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, binalewala ko iyon dahil mas importante sa akin ang makausap siya. Ang masabing mahal at miss na miss ko na siya. "Nami-miss na rin kita, Raph. Hindi mo lang alam kung gaano naghihirap ang kalooban kong wala ka sa tabi ko ngayon. Patawarin mo ako kung mas ginusto kong umalis ka..." "Babalik ako. Babalikan kita riyan," sabi niya kaay napatigil ako sa pagsasalita at natutop ang aking bibig. "Hindi ko kailangang magamot. Hindi ko kailangang maalala ang lahat. Ayo

