Pumasok pa rin ako Lunes ng umaga. Akala ko, may pagbabago sa pakikitungo ni Rafael sa akin. Akala ko, magiging awkward kami sa isa't isa. Ngunit gaya pa rin siya ng dati. Walang pinagbago sa pakikitungo sa akin ni Rafael. Saka lamang ako uutusan kapag may kailangan. Literal na walang pinagbago kahit ang kung paano niya ako itrato. Para lamang siyang lasing noong nakaraan na pagkatapos mahimasmasan ay nakalimutan na ang lahat ng nangyari. Samantalang ako, sa tuwing nakakaharap ko siya ay kabado ako. Lagi na lang sumasagi sa isip ko ang nangyari. Hinihiling na sana nga ay lasing na lamang siya. Para may dahilan ang lantarang pagbalewala niya sa akin. "Lunch time! Wait kita sa baba." Napanguso ako nang mag-text sa akin si Ken. Napalingon ako sa saradong pinto ni Rafael. Gusto ko sanang m

