Liegh Nangangatog ang tuhod kong napaupo sa gilid ng parking lot kung saan may walkway. Wala na ang kotse ni Rafael sa paningin ko. Pinakirandaman ko ang aking sarili. Pinakinggan ko ang sinasabi ng puso kong mabilis na pumipintig. Iisa ang sinasabi nito at ng isip ko. That somewhat, I have feelings for Rafael. Hindi man siguro kasing lalim ng katulad kay Raphael, ramdam kong may epekto siya sa sistema ko. "Liegh! Ang dali mo namang mahulog! Sobrang rupok mo naman!" Pagalit na saad ko sa sarili. Sa anak ko na lang dapat ang atensiyon ko. Dapat ay hindi na ako nag-iisip ng ganito. Kaya nga lamang...hindi ko kayang pigilan ang damdaming unti-unting umuusbong para sa lalaking hindi ko naman dapat mahalin. Kabaliktaran ng taong malaki ang naging parte sa pagkatao ko. I fell in love wit

