Rafael "F^ck! Ang tigas ng ulo ng babaeng iyon!" mura ko nang makitang wala na si Liegh sa kanyang desk, wala rin ang dokumento at may sticky note na nagsasabing dadalhin niya lamang kay Mr. Reyes ang mga papeles. Mabilis kong tinungo ang opisina ko at hinablot ang jacket ko na naglalaman ng pitaka at susi ng kotse saka mabilis pa sa alas kuwatrong bumaba ng gusali para hanapin ang babaeng iyon! "F^ck! F^ck!" paulit-ulit kong mura dahil naabutan pa ako ng rush hour at ngayon nga ay naipit ako sa traffic sa magkabilaang daan. Kung hindi ko lamang kakilala si Mr. Reyes ay hahayaan ko na ang babaeng iyon dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Gusto yata talagang mapahamak! Habang naiipit sa traffic ay ni-text ko ang isang taong malapit kay Mr. Reyes. Espiya na pinadala niya na ngayon ay esp

