Kinuha ko ang contact number ni Mr. Reyes at kinontak siya agad. Dala ko ngayon ang dokumento na kailangan niya. Sinabi niyang magkita kami sa isang restaurant. Pumayag naman ako dahil siguradong matao ang reataurant ngayon. Alas na tres na ng hapon. "Good afternoon, Ma'am. Do you have reservation?" tanong ng isang waitress na lumapit sa akin. "Miss, Mr. Raul Reyes, please," sagot ko. Sabi kasi ni Mr. Reyes ay sabihin ko lang ang pangalan niya. Ngumiti ang waitress at iginiya ako papasok na, habang iginala ko ang aking paningin. Maraming tao at hindi maapuhap ng tingin ko si Mr. Reyes. Tumigil ako nang papasok kami sa isang hallway. "Wait, saan tayo, Miss?" Nakangiti akong binalingan ng waitress bago sumagot. "May private rooms po kami for meetings, Ma'am. Isa po sa rooms.a

