Nanatili akong nakayakap kay Nanay Editha hanggang sa kumalma. Hindi niya ako tinanong at hinayaan lamang ako. "Shhh, halika sa kusina. Ipagluluto kita ng sopas. Pampakalma..." sabi ni Nanay Editha na hinagod ang aking likod nang mga mahihinang hikbi na lamang ang aking pinakawalan. Nahihiya akong umalis mula sa pagkakayakap sa kanya. Nagpahid ako ng luha at matipid na nangiti. "Salamat, nay," aniyang napakapit sa kanyang braso at tila batang naglambing. Iginiya niya ako sa kusina. Iginala ko ang tingin ko at hinanap si Rapha. Nagtaka akong walang sumalubong sa akin. "Tulog ang anak mo, napagod. Dinala ko kasi sa park," sagot ni Nanay sa tanong kong 'di pa naman nasasabi. Nakaupo na ako at nagsisimula na si Nanay Editha magsangkutsa ng bawang at sibuyas nang may marinig kaming pum

